"At utusan mo rin ang ika-13 na team na pinakamalapit sa milky way para icheck ang tahanan ni no.9, ang Earth," utos ng nakaitim at kalbong lalaking may tatlong mata.
"Opo!"
Buong galang namang sumagot ang mga nakasilver nitong tauhan.
Dito na bumalik sa kalmado nitong estado ang tahimik na underground base, pangkaraniwang tahimik ang mga miyembro ng misteryosong organisasyon na ito at madalang din sila kung magsalita.
At habang sinasama ni Luo Feng ang kanyang guard team sa loob ng spaceship mula sa planetang Yun Mo na lumilipad ng 50 beses na mas mabilis kaysa sa light speed, mayroong isang mukhang pangkaraniwang itim na C grade spaceship na mas naunang pumasok sa dark universe papunta sa milky way kaysa sa kanila, kasalukuyan itong naging mabagal sa paglipad.