Noong traydorin siya ni Mo Luo doon sa demon note mountain at paikutin ang kwento pagkatapos nito ay walang naging kahit anong ebidensya si Luo Feng at kung hindi niya mailalabas ang galit na ito sa kanyang dibdib! Ang bawat suntok na kanyang ginawa ay napuno ng galit kaya agad siyang nawalan ng pakialam sa kanyang mga hinanakit sa ginawang ito ni Mo Luo.
"Ang batang ito, nagawa talaga ng batang ito na…" Si Mo Luo ay agad na nasugatan nang husto habang sunodsunod na sinusuntok sa kanyang mukha, hindi na niya nagawa pang depensahan ang kanyang sarili dahil binali na ni Luo Feng ang kanyang mga braso at binti.
Nanggigil siya sa loob ng ilang segundo bago mapagtantong wala na siyang magagawa pa, humiga lang siya roon at hinayaang sumuntok si Luo Feng sa kanyang mukha.
"Luo Feng!!!"
Sumigaw si Mo Luo sa kanyang loob, kasabay nito ang mabilis niyang pagalis sa virtual universe network na naging dahilan ng agarang pagkawala ng kanyang katawan.