"Nagpapatuloy sa pageevolve ang aking kaluluwa" sabi ni Luo Feng kay Babata "Ano ba ang dapat mong ipaalala tungkol sa pagsasanay ng Luo Fu Liu board?"
"Ang paggamit sa board na iyan ay nagiiba sa paggamit ng pangkaraniwang spirit weapons!" Sabi ni Babata "Ang Luo Fu Liu board…ay may thread ng sarili nitong buhay. Ang pagsasanay nito ay nalalapit sa cloud contact vine."
"Maglalaslas ba ako?" tawa ni Luo Feng.
"Sabagay, kinakailangan mo talagang ipahigop dito ang iyong dugo." Sabi ni Babata "Kahit na may kaunting bakas ng buhay ang isang ito, hindi pa rin maituturing na nilalang. Pero ang cloud contact vine ay isang uri ng nilalang. Mas magiging madali ang pagsasanay sa bagong habang mas mahirap nang kaunti kaysa rito ang pagsasanay sa Luo Fu Liu board."
"Kinakailangan muna nitong higupin ang sariwa mong dugo!"