Ang kaluluwa bilang core ng isang nilalang na binubuhay ng laman at dugo, walang naging kakayahan si Luo Feng para magawa itong ievolve nang biglaan.
"Dahan-dahan!" Nagngitngit ang kanyang mga ngipin habang patuloy na tinatanggap ang pamana ng demon note.
Nang isa-isang step at paisa-isang level!
Sa pamamagitan lang ng walang tigil na pagsasanay araw-araw niya magagawang magimprove!
Ilang buwan muli ang lumipas sa loob ng isang iglap, sa ika 1,236 na baitang makikitang nakaluhod ang nakaarmor na si Luo Feng habang humihingal nang mahina, ang sakit at pagod mula sa kanyang kaluluwa ang nakapagparamdam sa kanya ng nalalapit niyang pagguho.