Habang nahihilo ay mabilis na ring umalis sa wakas ang willpower ng killing aura na sumugod kay Luo Feng, agad namang bumalik ang kanyang malay.
"Nabigo ako, nabigo talaga ako." Simangot ng nakaitim na si Luo Feng. "Sabi ko na nga bang masyadong mahirap ang pag-absorb sa ika-100 na kristal, pero hindi ko inaasahang mabibigo ang aking pag-absorb sa ika-93 na kristal."
"Masyadong malakas ang willpower na iyon ng killing aura, at masyado ring matindi ang sakit na ibinibigay nito. Isang bagay lang ang ibig nitong sabihin…hindi pa masyadong malakas ang aking willpower."
Nagkakamali sa bagay na ito si Luo Feng.
Hindi pa gaanong malakas ang kanyang diwa?