Sa ikatlong palapag ng palasyo.
Mabilis na umalis ang nakabronze armor na si Luo Feng sa training room at lumabas sa entrance ng palasyo.
"Sa Huge Pit Quarters!" Tingin ni Luo Feng sa pag-ikot ng kulay pulang aura na umiikot sa kalangitan habang lumilipad paakyat sa hukay.
Sou!
Masyadong malalim ang dambuhalang hukay na ito, nagpatuloy lang si Luo Feng sa paglipad pataas.
"97."
"97." Dalawang boses ang maririnig sa kanyang isipan na nakapagpatigil at nakapagpalutang kay Luo Feng sa gitna ng ere. Para magawa siyang makita nang hindi niya nalalaman, maliban kay Baqi na nasa loob ng palasyo at kay Qi Niu, magagawa rin ito maging ng dalawang captain ng blood god guards.
Tumingin si Luo Feng sa kanyang paligid at lumutang doon, magalang siyang sumagot ng, "Captain, vice captain."
"Saan ka magsasanay, 97?" Isang makapal na boses ang maririnig sa kanyang paligid.