"Dito!" Lumutang si Luo Feng sa gitna ng ere habang nararamdaman ang kapal ng aura sa kanyang paligid. "Ang paghina ng aura ay sinabayan ng pagnipis nito habang ang paglakas ng aura ay sinasabayan ng pagkapal nito."
Makikita naman sa harapan ni Luo Feng ang lumulutang na kulay pulang aura.
Ang lalim na kanyang kinaroroonan ngayon ay ang lugar na kinaroroonan ng pinakamakapal na aura. Pero masyadong malawak ang area na ito, kasalukuyang nasa tabi ng hukay ang kaninang bumababa na si Luo Feng.
"Kasalukuyan akong nasa gilid ng lalim na may pinakamakapal na aura, ano kaya itsura ng gitna nito?" Maingat na lumipad si Luo Feng papunta sa gitna ng walang katapusang dami ng killing aura. Lumipad siya sa bilis na 100km per second at lumapit ng lumapit sa gitna. "Kumakapal pa ito ng kumakapal, mukhang mas tumitindi pa ito!"
3.5 beses…4 beses…4.5 beses…5 beses…6 beses…