Nang ibaba ng Madman na si Luo Feng ang blade niyang uhaw sa dugo at magtago sa loob ng isang residential building para hintayin ang pagtatapos ng elimination stage, makikita naman sa loob ng isang napakalaking skyscraper sa ika-72 na mundo ang kasalukuyang nasa rank 999 na si Hong habang nakikipaglaban nang husto. Dahil ang huling araw ang araw kung saan nagaganap ang pinakamatitindi at brutal na laban.
Naging matindi ito dahil ang mga fighter na mayroong rank na malapit sa 1000 ay maaaring tumaas o bumaba anumang oras.
"Kinakailangan kong mabuhay dahil maaaring mawala ang kalahati sa aking puntos sa oras na mamatay ako rito na maaaring magresult sa aking paglabas sa top 1001." Ipinikit ni Hong ang kanyang mata habang nakaindian seat sa loob ng isang bahay na mayroong basag na bintana. "Kinakailangan ko ring magsumikap para makapatay pa ng ilang fighters at pataasin pa ng kaunti ang aking rank."