"Windmill?" Nagdikit ang mga kilay ni Luo Feng habang nakatayo sa isang kalye.
Ang hindi mapapantayang fighter na nagngangalang Windmill ay parang siya rin, isa ring spirit reader.
Mula sa kanyang mga nalamang impormasyon tungkol dito, ang bilis at bagsik ni Windmill ay masyadong matindi. Hindi pa siya nabibigo kailanman sa kanyang pag-atake! Isa siya sa top 2 na hindi mapapantayang fighters sa loob ng city. Nagawa rin nitong makalapit kay Luo Feng sa layong hindi umaabot ng 200m mula sa kinaroroonan ni Luo Feng, ang dating at paglapit ni Windmill nang hindi namamalayan ni Luo Feng ay isang katibayan ng mabagsik nitong lakas.
"Windmill?" Ngiti ni Luo Feng. "Sige lang!"
Kasunod nito ay umalis si Luo Feng sa eskinita, iniwan na niya sa eskinitang ito ang nakahandusay na bangkay ng henyong mula sa Darkness clan na si Devil.
…..