Walang kahit anong tunog o bakas na dumaloy ang itim na robe ni Bai Kaluo na parang tubig at agad na nawala sa kanyang katawan, ipinakita nito ang walang takot at malademonyo niyang katawan, layer by layer namang naglabasan ang makapal at kulay berde nitong kaliskis na mas nagpakapal sa berde niyang suot na armor. Maging ang kanyang mukha ay nabalot ng berdeng kaliskis, walang kahit isang hibla ang makikita bukod sa berde niyang balat.
Nagkaroon ang kanyang noo ng isang nakakaibang arko na kasing talas at kamukha ng isang blade!
Nagberde ang kanyang katawan mula ulo hanggang paa habang dala-dala ang dalawang magkakrus na battle blades sa kanyang likuran!
"Clang!"
Gumawa ng isang napakaliwanag na after image ang malakidlat na paghugot ng lalaking ito sa kanyang blades, kasabay nito ang pagsalag niya sa sword attack na tumama sa kanyang kasama, agad niya itong napabagal sa paglipad.