"Maliban sa pagbebenta ng mga gamit, ang aming universe galaxy bank ay mayroon ding item buying services, pero ang aming presyo ay nakabase sa pangkaraniwan nitong presyo." Naging malinaw at matinis ang malarobot na boses ng babaeng AI, ngumiti at magalang na nagsalita ang babaeng AI kay Luo Feng.
"Pupunta ako sa item selling services," sabi ni Luo Feng.
Kahit na nasa 1/1000 lang ang hinihinging komisyon ng universe galaxy bank, hindi na masama ang ibinibigay nilang presyo sa mga bagay-bagay, maging ang pagbibigay sa kanila ng kumisyon ay lumalampas sa orihinal na buying price ng bangko. Makikita sa tabi ni Luo Feng ang may karanasan at mas may kaalamang si Babata, sinisiguro nitong hindi maiisahan ng bangko si Luo Feng.
"Ito ang 48 na bagay na kinakailangan kong ibenta." Mabilis na nagproseso si Luo Feng sa pamamagitan ng kanyang AI na si Babata, ipinasa ni Babata ang detalyadong impormasyon tungkol sa 48 na kayamanan sa babaeng AI.