Binalot ng ginintuang hamog ang isang malaking burol, ang burol na ito ay gawa sa purong bakal.
Sa kalangitan sa ibabaw ng burol na ito.
Makikita ang isang lumulutang na hugis oval na itlog.
"Ka, Ka" Nagsimula na ang pagkabasag ng egg shell nito, isang braso ang lumabas mula sa loob at sa wakas ay nahati na sa dalawa ang eggshell ng itlog na ito. Isang hubo't hubad na matipunong lalaki na mayroong maikling buhok ang lumulutang sa gitna ng hangin, mayroon itong kalmadong mata, kahit sinong tamaan ng tingin nito ay mapupuno ng matinding takot.
Sa taas na umaabot sa 1.78m, kahit na sa pinakamanipis na bahagi nito, ang kanyang katawan ay parang hininang mula sa isang high grade at pinong bakal na naglabas ng isang makapangyarihang aura!
Tiningnan ng lalaki na may maikling buhok ang ginintuang lupain.
"Ito pala ang ang internal world ko?" Napuno ng curiosity at pag-iisip ang mga mata ng lalaking ito.
Shua!