Sa Ming-Yue sector ng Yang Zhou City. Sumapit ang umaga kung saan makikita ang pagsikat ng araw.
"Dahan-dahan lang po pa, huwag ka pong magmadali." Hinawakan ni Luo Feng ang kanyang ama na si Luo Hong Guo habang si Luo Hong Guo naman ay nanginginig na lumakad sa daanan ng sector ng paisa-isa.
"Hello representative Luo!"
Nakita ng isang batang fighter si Luo Feng at nagpakita ng isang mukha na punong puno ng paghanga habang gumagalang na bumabati kay Luo Feng. Pero gulat na gulat itong nag-isip sa kanyang puso na, "Si representative Luo ay isa ng fighter na lumalampas sa wargod level. Magagawa niya na ring pumantay sa pinuno ng mga bansa pero nagawa pa rin niyang tulungan ang kanyang ama?"
Inalalayan ni Luo Feng ang kanyang ama habang naglalakad sa isang daanang gawa sa bato sa ibabaw ng bakuran.