Sa underground base ng mga tao sa archaeological ruin #9.
"Wargod Luo Feng, ito po ang isang set ng malinis na damit."
"Wargod Luo Feng, may kinakailangan pa po ba kayo?"
Si Luo Feng na nangitim sa sobrang dumi ay tumingin sa dalawang babae sa pinto at iwinagayway ang kanyang kamay, "Wala na!" Sa loob ng isang saglit ay agad na sumara ang pinto ng kuwarto.
"Hindi ko nagawang maligo sa loob ng isang taon at tatlong buwan!" Mabilis na hinubad ni Luo Feng ang kanyang battle uniform set at ang suot niyang damit bago sumugod sa tub sa loob na bathroom. Nagpatuloy sa paglalabas ng mainit na tubig ang gripo. Agad na umitim ang tubig sa tub nang humiga rito si Luo Feng. Hindi na ito nakapagtataka dahil inuming tubig lang ang mayroon si Luo Feng sa archaeological ruin.
Gusto mong maligo? Mukha mo!