"Luo Feng, Luo Feng!" sigaw ng napakalaki at napakabagsik na masuladong si Keita gamit ang kanyang may accent na Chinese.
"Whoosh!"
Napatigil si Luo Feng sa sobrang pagkasurpresa habang nakatayo sa tabi nito. Interesado niyang tiningnan ang kilalang si Great Bear Keita at sinabing, "Hindi ka ba tatakas?"
Walang magawang tumawa si Great Bear Keita at sinabi gamit ang kanyang may accent na Chinese na, "Ang, ang lakas ko ay hindi maikukumpara sa iyo Luo Feng. Inaamin ko na ang aking pagkatalo! Ibibigay ko na ang lahat ng nakuha kong spirits of nature sa iyo!"
"Hehehe," ngiti ni Luo Feng sa sobrang pagkasurpresa.
Naging interesado siya sa Great Bear Keita na ito!