Mararamdaman ang maalinsangang hangin sa umagang ito ng July 29.
Sa loob ng Jiang-Nan Pagoda.
"Luo Feng, Luo Feng!" malinaw na maririnig ang tawag ni Zhao Ruo sa buong pagoda.
"Senior," nagpakita si Luo Feng sa balkonahe ng second floor ng pagoda bago tingnan si Zhao Ruo sa baba, "Ang aga mo namang sumigaw, may kailangan ka ba?"
"May kailangan ka ba? Paano ka naging ganitong kakalmado na para bang walang nangyari?" Nanlaki ang mga mata ni Zhao Ruo, "Narinig ko ang lahat noong kumakain ako ng almusal sa cafeteria. Makikipagpustahan ka kay Candace mamayang hapon…. At, at nagawa mong tumaya ng 10 billion dito?"
Napakalaking halaga na ng 10 billion maging sa isang wargod.