Makikitang naglalakad si Luo Feng sa kalsada pagsapit ng dilim. Napuno ang mga kalye sa paligid nito ng mga lalaki at babaeng estudyante. Normal na ang ganitong tanawin sa loob ng university area.
"Hello?" dinial ni Luo Feng ang numero ni Xu Xin. "Ako ito, si Luo Feng!" Nag-usap kagabi ng napakatagal sa video chat sina Luo Feng at si Xu Xin. Sinabihan niya si Xu Xin na makikipagkita siya rito ngayong araw. "Sa Night Spring Post? Sa Intersection? Sige, hihintayin kita doon."
Ibinaba ni Luo Feng ang telepono at nagmadaling pumunta sa intersection na pinangalanang Night Spring Post. Maganda ang pagkareforest dito sa lugar na ito. Sumandal si Luo Feng sa isang poste ng ilaw sa gilid ng kalsada at matiyagang naghintay. Kasabay nito ang hindi niya mapigilang pag-iisip sa sinabi ng kinakapatid niyang si Wei Wen kanina. Naintindihan ng husto at sumang-ayon si Luo Feng sa mga sinasabi nito. "Walang duda na status nga iyon!"