Napangiti na lang si Luo Feng nang marinig niya ang sinabi ni Wang Hou na 0% damaged ang dala-dala niyang SS grade blade. Dahil 0% damaged ang blade ay siguradong mataas ang makukuhang halaga para sa blade na iyon.
"Mukhang nagamit lang ang sandatang ito sa pakikipaglaban sa mga halimaw na mas mababa sa SS grade," napangiti si Wang Hou habang nagsasalita.
Magkakaroon lang ng damage ang SS grade weapon na ito kung gagamitin ito sa pakikipaglaban sa isang SS grade emperor level monster. Magpapatuloy sa pagdami ang damage nito hangga't nagpapatuloy ang fighter na gumagamit nito sa paglaban sa mga emperor level monster. Basta't dumating ang oras na sumobra na ang damage na naipon sa loob ng blade ay tuluyan na itong masisira.
Pero hindi naman ito magtatamo ng kahit anong damage kung gagamitin ang isang SS grade blade sa pakikipaglaban sa mga horde leader at commander level monsters.