App herunterladen
72.1% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 530: Death

Kapitel 530: Death

Redakteur: LiberReverieGroup

"Hindi!"

Galit na sigaw ni Griffin, "Paano mo nagawang, ibenta kami?"

Walang emosyon naman na sumagot ang Cleric, "Bilang taga-sunod ng God, dapat kang sumunod sa mga sasabihin ko."

"Pero hindi na mahalaga 'yon, kung ayaw mong ibigay ang bata, samahan mo na lang siyang mamatay."

Muli siyang tumingin sa Lich.

Ngumisi ang Lich at gumawa ng daan para makaalis sa gitna ng mga cyan ivy.

Kumaway ang Cleric at saka umalis kasama ang dalawang sugatan na Paladin .

Tanging si Paladin Griffin na lang ang natira na patuloy pa rin na lumalaban sa isang sulok.

.

Mukhang nalulumbay ito.

Hindi mabilang na mga Life-Severing Ivy ang gumagapang papalapit sa kanyang mula sa dilim, tila mga ahas ang mga ito na handang lamunin siya.

Patuloy naman na kumisap-kisap ang soul fire ni Bandel sa kanyang mga mata, "Hindi ko inaasahan na mayroong katulad mo ang Dream Shrine."

"Sa kasamaang palad, mamamatay ka."

Pagkatapos ay dumamba na ang lahat ng cyan ivy sa kanya.

Mula sa kisame, nakikita nito na nagiging pula na ang mga ivy at nakakaramdam na siya ng matinging soul power!

"Ang pangunahin katawan ng Wilderness God isang man-eating crawler plant na mula sa ancient time. Kaya naman ang mga Life-Severing Ivy na ito ang kanyang avatar."

"Kahit na pineke nito ang kanyang pagkamatay, nasasakop pa rin ng Divine Law nito ang lahat ng mga ivy na 'to. Kung hindi mo malalabanan ang Divine Law, malaki ang mababawas sa iyong kapangyarihan. At kung ganoon, wag mo nang isipin ang pagkuha sa Cold Light's Grasps, dahil buhay mo pa lang ay mahihirapan ka nang isalba."

Maririnig rin ang pagkabahala ng Winter Assassin sa boses nito at sinabing, "Napahamak kayo nang dahil sa akin. Pesteng Witch, bakit ba ako naniwala sa kanya."

Tahimik lang na umiling si Marvin.

Nararamdaman niya ang kapangyarihan ng templo. Mayroon itong inilalabas na matinding pagpigil sa mga Domain.

Nang makita ang eksenang ito, alam niyang hindi na siya makakapaghintay nang matagal.

Kahit ano pa ang kailangan niyang gawin, kailangan niya pa rin subukan.

'Kahit na mahirap patayin ang Lich nang hindi ko alam kung nasaan ang phylactery niya, posible ko pa rin madispatya ang kaluluwa niya.'

Tahimik na inipon ni Marvin ang kanyang lakas.

Ang Spirit Orv skill na [Harvest], ay napuno na niya uli at maaari na niya ulit magamit ano mang oras.

Epektibo ang skill na ito sa mga kaluluwa, at hindi lang nito kayang sumira ng mga soul stone, mga phylactery, at iba pang mga kaparehong bagay, malaki rin siguro ang magiging epekto nito sa katawan ng Lich.

Pwede nitong madispatya ang soul fire nito.

Para naman sa mga ivy, naiisip ni Marvin na makipagtulungan kay Isabelle para dispatyahin ang mga ito, at kung kasama pa ang Truth Scale ni Griffin, mayroon naman silang pag-asa.

Isa pa, maraming mga Legend ang narito. May sapat na kakayahan sa pakikipaglaban ang mga taong ito. Sadyang napipigilan lang sila ng mga ivy.

Kung papakawalan niya ang mga ito, at magtutulong-tulong silang lahat, magkakaroon sila ng tyansang makatakas.

Dahil planado na niya ang lahat ng ito, huminga nang malalim si Marvin.

Sa sumunod na sandali, isang ginintuang liwanag ang lumabas sa katawan ni Marvin.

Shapeshift Sorcerer – Diamond Shape!

Bind Debuff – Immune!

Mabilsi siyang nakawala sa ivy at tahimik na nakatakas dito.

At syempre, ayaw niyang mapansin siya ng kanyang mga kalaban, kaya nag-iwan ito ng Paper Clone at gumamit ng Stealth.

Tutal mayroon naman siyang Low Flight ng mga Vampire, at ang Witchcraft – Flight's Right, kaya niya rin lumakad nang napakabilis pabalik sa kisame.

Kasing bilis ng kidlat ang pagkilos niya, at mabilis na nakapunta sa tabi ni Isabelle. Tutulungan niya sana itong makatakas pero nakatakas na ito nang mag-isa nang makita nitong nakakawala na si Marvin.

Agad na naglagay si Marvin ng Paper Clone, wala naman naging reaksyon ang ivy.

At tulad ng inasahan niya. Kahit na ang mga Life-Severing Ivy ay avatar ng Wilderness God, hindi pa nanunumbalik nang lubusan ang kamalayan nito. Nakikinig lang ang mga ito sa mga utos ng Lich na si Bandel.

Sa ngayon, nakatuon ang atensyon ng Lich kay Griffin, kaya hini nito napansin na nakatakas na ang dalawa.

Tahimik silang nakakawala sa mga ivy at tahimik na bumaba sa tabi ng mga poste para makababa muli sa sahig.

Sinenyasan ni Marvin si Isabelle na basta-basta kikilos. Tahimik na lumapit si Marvin sa grupo ng Lich.

Alam niya na ang Lich na iyon ay may malakas na Perception dahil napansin sila nito noong una, kaya naman naging mas maingat siya sa pagkakataon na ito.

Kaya naman, habang tahimik na kumikilos, pinakiramdaman niya ang bahagi ng Shadow Plane na nasa mundong ito.

Mapanganib ito. Kahit na may karapatan siyang maglakbay sa Shadow Plane, karamihan ng mga matatag ng tulay dito ay nasa pagitan ng Feinan at Shadow Plane. Mayroong posibilidad na mapunta siya sa walang hanggang void kapag kumonekta siya sa Shadow Plane mula sa ibang mundo.

Pero matindi ang kanilang pangangailangan, kaya kailangan sumugal ni Marvin.

Pumikit siya, at pumapasok sa kanyang isipan ang walang hanggang void.

Pagkatapos ay may pamilyar na node sa kanyang harapan.

"Nahanap ko na!"

Tuwang-tuwa si Marvin at pumasok sa Shadow Plane nang walang alinlangan.

Lalong lumala ang labanan sa loob ng templo.

Walang emosyon na makikita sa bungo ng Loch, pero ang reakyon ng paalis na Cleric ay hindi maipinta.

Nanatili pa rin itong alisto. Kahit na nangako si Bandel, hindi pa rin niya pagkakatiwalaan basta-basta ang isang panatiko ng Wilderness God.

Subalit, nagulat ito sa lakas na ipinamalas ni Griffin.

Kahit na alam nilang kakaiba ang taong ito, namutla siya nang makita ang tunay na lakas nito.

Bahagya pa nga itong nanghinayang: Kung alam lang niya na kayang magpalabas ng ilusyon ng Truth Scale ang taong ito, baka nagpatuloy pa siya sa pakikipaglaban.

Pero wala siyang natanggap na sagot sa kanyang mga dasal sa lugar na ito, kaya naman pakiramdam niya ay humina siya,

Isa itong bagay na hindi nila inaasahan.

"Nakakamangha."

Nang makitang maging abo ang mga cyan ivy dahil sa liwanag ng Truth Scale, natawa ang Lich. "Patay na ang Truth God. Kaya siguradong wala nang makakapag-summon ng Truth Scale, kahit pa anino nito."

"Kung hindi lang dahil sa mahalaga kong misyon, baka pinag-aralan ko pa 'yan nang mabuti…"

Pagkatapos nito, hindi mapigilang sinabi ng Cleric ng Dream God na, "Bandel, pwede mo na ba kaming pakawalan? Ibinigay na naming siya sayo."

Umiling ang Lich at sinabing, "Ang kondisyon ko ay iabot niyo sa akin ang babae, pero hindi niyo naman ginawa, hindi ba?"

"Kaya, kahit gusto niyo nang umalis, pasensya na, hindi pa ngayon."

"Hintayin niyong matapos ako dito, saka ko kayo pakakawalan. Wala akong balak na patayin kayong lahat o galitin ang Dream God. Kaya wag kang mag-alala."

Biglang sumama ang mukha ng Cleric pero wala itong nagawa kundi tumahimik na lang.

Nang biglang isang atungal ang umalingawngaw sa buong templo!

Tila atungal ito ng isang Ancient Beast na nagising at nakabawi na ng lakas matapos ang ilang taong pagtulog.

.

Nayanig ang buong templo kasabay ng pag-atungal na ito.

Nagwala ang mga ivy at ang ang mga Legend powerhouse na may malay pa ay hindi mapigilan ang pagmumura sa galit.

Kumisap-kisap ang soul fire sa mga mata ng Lich. "Hindi na makapaghintay ang Teacher…"

"Mabuti 'yan, pwede nating tapusin ng maaga ang walang katuturang palabas na 'to."

Itinuro nito ang Truth Scale.

Isang malamlam na kulay abong liwanag ang namuo.

Sa Truth Scale, ang batang walang malay ay biglang minulat ang kanyang mata.

Ang Truth Scale na pinaghirapan palabasin ni Griffin ay tila gumuguho na.

"Tito Griffin…"

Maririnig ang malumanay na boses ng batang babae sa buong templo. "Nasaan tayo?"

Tila nagulat siya at nagising sa nakakatakot na pag-atungal.

Habang nahihirapan panatilihin ni Griffin ang Truth Scale, namumutla na ito at namumuo na ang pawis sa kanyang noo.

Nawalan rin ng bisa ang kanyang Legend Law, kaya naman ang kanyang pag-summon sa Truth Scale ay inuubos ang kanyang natitirang lakas.

At patuloy na hinihigop at pinahihina ng ivy ang kanyang kapangyarihan!

Halos hindi na siya makahinga.

At ang pag-atungal naman na iyon, malamang ito na ang paggising ng kamalayan ng Wilderness God.

Dumaan siya sa sunod-sunod na willpower check at hindi na niya mapagpatuloy ang pagsuporta sa kanyang sarili. Napaluhod na ito.

Pero kahit na ganoon, mahigpit pa rin niyang niyakap ang batang babae.

"Woosh!"

Pinasok ng malamlam na kulay abong liwanag ang Truth Scale Barrier at binutas ang balikat ni Griffin!

Agad siyang namutla, kasabay nito ang pagkalat ng enerhiya mula sa kanyang sugat.

Mabilis naman na pinagagaling ng Truth Scale ang kanyang sugat, pero hindi nito tuluyang matanggal ang nagbabagang negatibong enerhiya.

Pahina nan ang pahina ang ilusyon ng Truth Scale, at mukhang hindi magtatagal, mawawala na ito.

Iwinagayway naman ng Lich ang kanyang kamay sa tuwa.

"Kunin niyo na siya."

Ang Two-Headed Dragon ay lumabas mula sa hamog. Mukhang hindi ito natatakot sa Truth Scale dahil sa utos ng Lich.

Habang hirap na manatiling nakatayo si Griffin, unti-unti nang lumamlam ang liwanag ng Truth Scale.

Malalaking butil ng pawis ang nahulog mula sa kanyang noo, at lumabas ang dugo mula sa kanyang sugat.

"Pasensya na. Hindi ko matutupad ang pangako ko."

May pait sa kanyang boses habang sinasabing, "Sinabi kong ililigtas kita, at sinabi kong poprotektahan kita, at tatanggalin ang curse."

"Pero hindi ko nagawa ang lahat ng iyon sa dulo."

"Mukhang mamamatay ako. At hindi na kita mapoprotektahan, Molly."

Nanlaki ang mata ng batang babae.

Mukha itong ordinary. Hindi siya ganoon kaputi, at mayroong batik-batik sa kanyang mukha.

'Pero, kailangan tuparin ng isang Paladin ang pangako niya.'

'Ito ang pinagdesisyonan nating dalawa, kaya ano man ang mangyari, hindi ako basta susuko.'

Mapait ang reaksyon ni Griffin.

Sa di kalayuan, umaatras na ang mga cyan uvy at ang mabagsik na Bone Dragon ay lumalapit.

Makikita ang pagdadalamhati ng mga Legend sa kisame.

Sa isang kakila-kilabot na lugar, at wala ang kanilang Legend Law, wala silang pinagkaiba sa mga ordinaryong tao na naghihintay na patayin!

Ang batang babae ang mauuna, at sila na siguro ang kasunod.

Unti-unting nanigas ang katawan ng Paladin.

Tuluyan nang nawala ang liwanag ng Truth Scale.

Bukod sa Paladin, naging kulay abo na ang lahat. Tahimik itong pumikit.

Noong mga oras na iyon, tila wala nang pag-asa.

Nauunawaan ng lahat na nasa dulo na ng kanyang buhay ang Paladin na ito.

Nasaid na ng mga Life-Severin Ivy ang kanyang lakas, at ang Finger of Death ng Lich ay mas lumakas pa dahil sa buff ng Wilderness God. Ang negatibong enerhiya ay patuloy na kumakalat sa kanyang sugat at patuloy siyang nakakaranas ng Death Check.

Sa huli, bumagsak ito sa lupa.

Ang lahat ng Holy Power ay umurong na parang tubig sa dagat.

Ito na siguro ang pinakamakapangyarihang Paladin ng Truth God sa buong Universe, pero dito na magtatapos ang kanyang buhay.

Tumayo si Molly sa harap ng katawan nito, tila hindi pa rin nito nauunawaan ang nangyayari.

"Tito Griffin. Gumising ka, dali."

Tinusok nito ang naninigas na mukha ni Griffin, kumukurap ang kanyang mga mata.

Pagkatapos nito, ang Bone Dragon sa kanyang likuran ay biglang sumagpang paibaba!


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C530
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen