App herunterladen
31.29% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 230: Golden Scissors

Kapitel 230: Golden Scissors

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa isang tahimik at sira-sirang lugar, isang mabagsik na bagyo ang lumitaw!

Nilamon ng bagyong ito ang lahat ng nasa paligid. Bahagyang nayanig ang kapaligiran.

Rumagasa ang bagyo at winawasak ang lahat ng nadadaanan nito.

Ang luntian at mayabong nakapaligiran ay naiwang sira at magulo dahil sa bagyo.

Sa gitna ng bagyong ito, isang magandang babae ang tinapos ang kanyang spell.

'Sa wakas, natapos ko nang subukan ang bagong Legend spell, [Ashes Storm].'

'Oras na para bumalik ang tingnan.'

Tumingin si Hathaway sa bukid at nakitang higit sa sampung metro ng lupa ang tinangay ng hangin. Mukha namang masaya siya sa naging resulta.

Isa lang ito sa mga prototype ng Ashes Storm. Kailangan niyang mahasa to nang mabuti para mas mapalakas pa ang Legend spell na ito.

Sa kanyng mga specialty, [Unlimited Stacking] at [legendary Instacast], ang spell na ito ay kayang maglabas ng nakakatakot na kapangyarihan sa isang iglap.

Kasalukuyan siyang agtatago sa kanyang bagong gawang Half-Plane para pag-aralan pa ang spell na ito.

Oras na para bumalik ng Ashes Tower.

Gumamit siya ng Teleportation Portal para bumalik sa pinakamataas na palapag ng Ashes Tower.

Nasurpresa siya nang makitang hindi mapakali ang kulay berdeng apoy sa tsiminea.

Bahagya siyang napasimangot habang tinitingnan ang apoy. Maghapon na itong buhay.

May nangyari kaya kay Marvin?

Malumanay niyang ginamit ang kanyang mga kamay para itabi ang berdeng apoy. Makikita ang mukha ni Marvin sa gitna ng apoy.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"Sa wakas, sumagot ka." Tila medyo Malabo si Marvin sa apoy. "Nagbalak akong pumunta sa isang plane. Sa Decaying Plataue, interesado ka ba?"

Sumimangot si Hathaway. "Anong binabalak mo?"

"Hindi ko alam kung paano koi to maipapaliwanag ng maayos." Kumindat si Marvin. "Alam mo kung saan ako hahanapin."

"Tulungan mo kong hagilapin si Sir Inheim."

"Wala na sana akong balak abalahin siya, pero kailangang-kailangan namin siya."

Nagsimula nang mamatay ang apoy.

'Namin?' Hindi tiyak si Hathaway sa nangyayari.

Ang mga huling apoy sa tsiminea ay naging isang Kristal na may nakasulat na lokasyon.

'Hindi bas a White Deer Cave 'yan?'

Bahagyang tiningnan ni Hathaway ang kristal at biglang nagbago ang kanyang mukha.

Sandali siyang nag-isip hanggang sa agad itong lumabas Sa pagmamadali, ni hindi na ito nagpalit ng kanyang damit.

Paglipas ng ilang oras.

Ang lahat ay naka-upo sa isang bilog na lamesa. Tila may tensyon dahil tila ba tinatantya ng bawat isa ang isa't isa.

Pero si Marvin ang mahinahon lang nan aka-upo si Marvin.

Bilang punong-abala, hindi mapakali ang White Deer Holy Spirit na si Lorant.

"Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na…. Makakahanap ka nang apat na tao." Pilit siyang ngumiti.

"Paano mo nagawa 'yon?"

Panandaliang nawalang ang tensyon.

Lahat nang nasa mesa ay ngumiti kay Lorant.

Ang isa sa mga kakilala ni Marvin ay nakaupo sa kaliwa ni Lotanr, ang Great Druid na si Endless Ocean.

Binigyan niya noon si Marvin ng False Divinity. At kaunting panahon pa lang ang lumipas mula noong huli silang nagkita.

Pero hindi si Marvin ang tumawag kay Endless Ocean. Isa ito sa iilang kaibigan ng White Deer Holy Spirit.

At isa pang kaibigan nito ang dumating at naka-upo naman sa kanan ni Lorant. Isang mabait at mabuting matanda.

Ang palayaw niya ay [Sky Fury]. Tulad ni Endless Ocean, isang miyembro ng Migratory Bird Council si Sky Fury.

Isang Legend Great Druid!

Bukos kina Endless Ocean at Sky Fury, Ang iba pang tao ay si Marvin na ang tumawag.

Ang una ay ang Elven Prince na si Ivan.

Nang tawagan ito ni Marvin, agad itong nagpunta patungo sa White Deer Cave.

Sa tapang ng taong ito, kinaya nitong hamunin kahit ang Ancient Red Dragon, kaya bakit naman ito matatakot sa Evil Spirit Overlord?

Ang sunod ay ang Shadow Thief Owl.

Isang Legend Thief na walang interes sa bagay na ito, pero may ginawa si Marvin para makumbinsi itong pumunta.

Ang dalawa pa ay ang tahimik na Monk, si Inheim, at si Hathaway, na tila masama ang timpla.

Bukod kay Marvin, mayroong pitong Legend!

Kaya hindi na nakakapagtakang nagulat si Lorant.

Dalawang Legend lang ang kaya niyang hagilapin, pero nakahanap si Marvin ng apat!

Sa apat na iyon, ang isa ay beterano, ang isa naman ay may lakas na kayang tapatan ang mga god, at ang dalawa ay dalawang bagong Legend na may malaking potensyal.

Ang ganitong grupo… Walang makakapagsama-sama ng ganito kalakas na pwersa, hindi lang sa East Coast, kundi sa buong katimugan.

Pero lalong walang nasabi ito dahil sa sinabi ni Marvin…

"Dapat nga anim sila. Pero ang isa sa kanila naipit sa laban sa pausbong na Molten Overlord. Sabi niya sa akin baka hindi siya umabot, pero sabihan ko lang daw siya kung may ganitong pangyayari uli."

"Habang isa pa ay hindi rin makakapunta, kaya naman pinadala niya sa akin 'to."

Pinakita ni Marvin ang [Brilliant Purple] na kakakuha niya lang.

Pinadala ni Constantine ang Great Eagle para dalhin ito. Kasama nito ang kumpletong mga kagamitan, pati na dalawang bala ng [Dragon Tooth] at isang [Dawn Light].

Hindi makakapunta si Constantine, pero bilang pinagkakautangan ni Marvin, natatakot siyang baka mamatay si Marvin sa laban sa mga Evil Spirti. Kaya naman ipinadala niya ang kanyang pinakamamahal na sandata. Pero alam ni Marvin na mahina sa mga salita si Constantine. Alam niyang sadyang may pakielam ito sa mga ka-uri niya.

At ang lumalaban naman sa Molten Overlord ay si O'Brien.

Bilang pinuno ng mga Night Walker, hindi maikakaila ang lakas na taglay ni O'Brien. Noong una, balak lang ni Marvin na tawagan ito at si Hathaway.

Sa kasamaang palad, abala pa ito. Kahit pa interesado si O'Brien sa plano ni Marvin, hindi talaga ito makakapunta.

Kaya naman wala nang magawa si Marvin kundi hilingin kay Hathaway na kausapin si Inheim. Hindi naman niya inakalang tutulong ang Legend Monk na ito!

Halos magkasing lakas naman si Inheim at O'Brien. Ngayong nandito siya, magiging mas ligtas ang plano ni Marvin.

"Kung ganoon, wag na tayong magsayang ng oras."

Tumayo si Marvin at tiningnan ang lahat. "Salamat sa pagpunta niyo rito. Siguro may kaunti na kayong nalalaman sa plano, pero hindi pa ang kabuoan."

"Hayaan niyong ipaliwanag ko ang buong sitwasayon at saka natin pag-uusapan nag plano ko."

Lahat sila ay tahimik lang na nakinig, ngunit may kakaibang pakiramdam sa dibdib ng mga ito.

Ang lahat ng narito ay mga Legend, bukod sa 3rd rank Ranger na nakatayo at walang tigil sa pagsasalita.

Iba ang pakiramdam nila.

Pero nangyari pa rin ito. Mas ikinagulat ito ng White Deer Holy Spirit.

'Umaasa akong magaling nga siya gaya ng sabi sa mga balita, at maililigtas niya ang mga anak ko,' tahimik na isip ni Lorant.

Paglipas ng dalawampung minute, natapos nang magsalita si Marvin.

Nagkatinignan silang lahat. Nagulat sila sa agresbo at mapangahas na plano ni Marvin!

Si Shadow Thief Owl ang naunang nasalita laban dito. "Bigla akong nawalan ng interes sa misyon na ito. Bata, wala kang sinabing ganyan sa imbitasyon mo."

Pilit na ngumiti si Marvin. "Ano bang sabi ko?"

Naglabas ng Thousand Paper Crane si Shadow Thief Owl at inilagayito sa lamesa. Nabuo ang mga letra mula sa mga ito.

– Misyon sa Decaying Plateau. Pagkakataon para makakuha ng artifact kay Diggles. –

"Ang sabi mo sa akin, pwede kong nakawin ang lahat ng gusto ko mula kay Diggle. Madali na lang ang pagligtas ng mga White Deer."

"Pero ang plano mo ay pagdedeklara ng digmaan sa Evil Spirit World!"

"Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?" Nayayamot na tanong ni Owl.

"Alam ko kung ano ang sinabi ko," seryosong sagot ni Marvin.

"Sa katunayan, kung tungkol lang ito sa pagligtas ng mga anak ni Lorant, hindi ko na kayo papapuntahing lahat dito."

"Paulit-ulit na pumapasok si Diggles sa Feinan, at siya ang pinaka-aktibong Evil Spirit Overlord. Ang pagdispatya natin sa kanya ay magsisilbing babala sa buong Underworld."

"Marami siyang ginawang kasamaan ngayong taon, hindi ba? At bakit niya nagawa niya ang gusto niya? Dahil ba hindi sapat ang lakas ng mga mabubuting tao?"

Malakas at malinaw ang boses ni Marvin. "Dahil 'to sa ayaw magtulungan ng mga tao."

"Sir Owl, sinisigurado ko sayo na magkakaroon ka ng sapat na oras para pumunta sa kaban ni Diggles. Basta sumunod ka lang sa plano ko."

Nagkibit-balikat si Owl, at wala na itong iban sinabi.

Tiningnan ni Marvin. Nagkibit-balikat ein ang Elven Prince. "Wala akong problema sa plano mo. Walang problema sa akin kung ayaw mo akong lumapit sa dalampasigan."

.

Para naman sa dalawang Great Druids na tinawagan ng White Deer Holy Spirit, gusto naman talaga nilang pumunta sa Underworld kaya wala silang problema sa plano ni Marvin.

Napunta ang tingin ni Marvin sa dalawang taong natitira.

Si Inheim at si Hathaway.

"Nakakahalina ang plano mo," sabi ni Inheim.

"Kung madidispatya nga natin si Diggles, handa akong lumaban. Pero matanong ko lang, saan mo nalaman ang lahat ng iyan?"

"Marami kang binanggit na ngayon ko lang narinig."

Muling bumalik ang tingin ng lahat kay Marvin.

Para magtagumpay ang plano ni Marvin, kinakailangan na tama ang mga sinabi niya.

Mayroon ba talaga siyang paraan para pumuslit papasok sa Underworld nang hindi napapansin, o mahanap ang lugar kung saan nakakulong ang mga White Deer at Holy Maiden na si Muse?

At totoo baa ng mga artifact na mga sinabi niya?

Nanatiling tahimik si Marvin at tiningnan lang si Hathaway.

Huminga nang malalim si Madeline at nagsalita para kay Marvin, "Ako ang nagsabi sa kanya."

Sumimangot si Inheim.

"Alam ng lahat kung ano ako. May mga bagay akong alam na hindi alam ng iba. Normal lang naman 'yon hindi ba?"

"Ang mga sinabi ni Marvin ay galing sa mga impormasyong sinabi ko sa kanya. Hindi ko inaasahang bubuo siya ng ganito kalaking plano…" Mahinahong sabi ni Hathaway.

Naramdaman ni Marvin na kumalma ang mga Legend nang marinig ang mga sinabi ni Hathaway.

Alam nilang Seer si Hathaway, at dahil dito, sinubukan siyang patayin ng Shadow Prince.

May mga nabalitaan sila tungkol sa kapangyarihan ng mga Seer, kaya kung tunay ngang ganito, maaaring magtagumpay ang plano ni Marvin.

"Ano na ang unang hakbang natin?" Hindi mapakaling tanong ni Lorant.

Nang makita wala nang pagtutol ang lahat, ngumiti si Marvin.

"Ang una nating hakbang ay hanapin ang [Golden Scissors]."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C230
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen