App herunterladen
26.25% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 193: That Cannon’s Charm

Kapitel 193: That Cannon’s Charm

Redakteur: LiberReverieGroup

Matapos lumubog ng araw, naghiwalay si Marvin at Ivan. Nang makaabot sila sa maliit na isla, mas malinaw na naramdaman ni Ivan ang Dragon.

Agad niyang tinuro ang bundok kung nasaan ang Red Dragon.

Maingat na tiningnan muna ni Marvin ang kapaligiran. Kung gugustuhin mang lumipad ng Red Dragon, siguradong pa-silangan ito.

Sa gabi maaaring magamit ng mga Night Walker nang buong-buo ang kanilang mga abilidad.

Umakyat na siya sa isang bundok sa silangang bahagi ng isla.

Sa tuktok ng bundok na iyon, makikita ang kabuoan ng isla at makikita rin ang bundok na pinagtataguan ng Red Dragon.

Hindi pa rin mahanap ni Marvin ang eksaktong lokasyon ng Red Dragon kahit mataas nang maituturing ang kanyang perception. Pero mula sa kanyang posisyon, madali niyang mababantayan ang kalangitan sa silangan!

'Oras na para ilabas ang sandata.'

Naghanap si Marvin ng tagong lokasyon saka niya inilabas ang maleta.

Inilapag niya ang maleta sa lupa at inilabas ang scroll na kasamang ipinadala sa maleta.

Hindi ito isang contract scroll, sa halip ay isang class scroll.

Basta ilagda ni Marvin ang kanyang pangalan sa dokumnetong ito, makukuha ni Marvin nag kanyang ikalawang subclass!

Hindi siya nag-alinlangan at agad na pumirma gamit ang pluma.

Nagliyab naman agad ang scroll bago naging isang itim na marka na pumasok naman sa noo ni Marvin.

.

Sunod-sunod naman ang lumabas na log sa harap ni Marvin.

[You obtained a 2nd subclass – Battle Gunner (Sha Clan)]

[You receive an experience penalty. 2000 Battle exp deducted]

[Familiarity with the Sha +1]

[You gained Hot Weapons Mastery (Beginner)]

[You gained knowledge – Firearms' Elementary Usage and Maintenance]

[You obtain the Setting Sun Maxim]

Hot Weapons Mastery!

Nakuha na nga ni Marvin ang gusto niya!

Matagal na niyang iniisip nag @nd subclass na ito. Dahil sa Versitile, ang una niyang subclass ay walang experience penalty, kaya naman sulit ito.

Pero ang kanyang ikalawang subclass ay naiiba. Makakakuha ito ng malaking experience penalty. Sa simula ay doble lang ito, hanggang sa maging triple, hanggang sa mag kwintuple.

Kailangan makakuha ni Marvin ng isang subclass na mayroong malakas na epekto kahit na level 1 pa lang ito!

Matapos na pag-isipan ang lahat ng class sa Feinan at inisip niya rin nag kanyang kapaligiran, pinili ni Marvin ang [Battle Gunman].

Kilala ang Sha Clan sa class na Battle Gunner, at tanging ang pinakamahuhusay lang sa Sha ang maaaring makakuha ng class na ito.

Walang duda na kahit na isang Night Walker si Constantine, isa rin siyang Sha.

Syempre ay wala namang magiging problema sa class scroll na ito na siya mismo ang nagsulat.

Matagumpay na nakuha n Marvin ang Hot Weapons Mastery (Beginner).

Pero hindi pa sapat ang beginner level!

Inilabas niya rin nag dalawang pulseras at isinuot ito.

Hiniram niya ri kay Constantine ang dalawang pulseras na ito. Ano mang mangyari, nabayaran na siya agad para sa minahan ng ginto at sa pagpatay ng Dragon na ito.

[You equipped Flaming Bracelet, Hot Weapons Mastery +1]

[You equipped Frost Bracelet, Hot Weapons Mastery +1]

Direktang naabot ng Hot Weapons Mastery ni Marvin nag [Expert] rank dahil sa mga bonus na dulot ng dalawang polseras.

Subalit!

Hindi pa rin ito sapat!

Ang sandatang laman ng maleta ay kailangan ng hindi bababa sa Master rank ng Mastery para magamit ito.

Inilabas naman nito ang isang pares ng mg gwantes. Espesyal ang mga gwantes na ito, ang mga daliri nito ay gawa sa bakal, kaya mas bumaba ang kakayahan nitong gumalaw. Subalit, magandang proteksyon naman ito para sa mga palad.

Hinubad na niya ang Ghastly Gloves na suot niya at isinuot ang mga espesyal na gwantes na tinatawag na[Kersu's Fury].

Sa huli, ang umabot na sa [Master] level ang kanyang Hot Weapons Mastery!

Sa pamamgitan ng paggamit ng mga hiram na item, matagumpay na naging isang pansamantalang Battle Gunner na may Master level Hot Weapons Mastery, si Marvin.

Binuksan na niya ang maleta.

Sa dilim ng gabi, tila napakaganda ng isang malaking kanyon.

'Matutuwa ang kahit sinong lalaki sa bagay na 'to!'

'Kung hindi lang napaaga ang paglalaro ko at hindi nahuli ang palalabas ng Battle Gunner, baka hindi na ako naging isang Thief.'

'Hindi mo na kailanagan lumapit, patayin mo na lang sila sa malayo. Iniisip pa ko pa lang natutuwa na ko!'

Sinimulan na niyang buoin nang mabilis ang [Brilliant Purple] na isang Legendary Item!

Napakaraming parte ng Brilliant Purple, at komplikado rin ang istruktura nito.

Kayang-kayang buoin at kalasin ni Constantine ito sa loob lang ng ilang saglit, pero kakailanganin ni Marvin ng hindi bababa sa isang oras.

Ito'y dahil kailangan niyang sundin ang isang assembly manual.

Lalo pa at baguhan lang siya sa paggawa nito.

Paglipas ng isang oras, sa wakas ay nabuo na ni Marvin ang Brilliant Purple.

Nagtago si Marvin sa isang malaking bato, naghahanda na siyang gamitin ang Brilliant Purple sa oras na magkaroon siya ng pagkakataon.

Madalas naman niyang laruin ang mga catapult at iba pang mga bagay naginagamit sa mga siege battle, kaya naisip niyang hindi naman siguro ganoon kahirap na kontrolin ang isang pangmalayuang sandata.

Isang [Dragon Tooth] artillery shell lang ang binigay ni Constantine kay Marvin.

Sa madaling salita, may isang pagkakataon lang si Marvin para gamitin ito.

Kapag pumalya siya, maaaring makalipad palayo ang Dragon.

Magiging malaking kawalan ito.

Dahil bawat bala nito ay nagkakahalaga ng 500 na ginto!

Kahit mismong si Constantine ay mayroon lang limang [Dragon Tooth] shell noon, at matapos gamitin ang isa para patayin si Bamboo, apat na lang ang natira sa kanya.

Mahirap ang paggawa ng isang Dragon Tooth. Ito ang dahilan kung bakit hindi nauso sa Feinan nag mga Hot Weapon.

Bawat laban ay lagas ang pera.

Alam ito ni Marvin.

Bakit hindi makapangyarihan ang mga Sha? Dahil kakaunti lang sila at kulang sila sa mga kagamitan at galing sa pakikipagkalakal.

Kailangan ng malaking halaga ng pera ng mga Battle Gunner.

Tulad na lang ng kasalukuyang Marvin. Bilang isang level 1 Battle Gunner, nangahas itong pumatay ng isang Dragon matapos gamitin ang isang nakakatakot na sandata at mga nakakatakot na item.

Malaking pera ang kinailangan para ditto!

Pero siyempre, may kinalaman pa rin ito sa koneksyon sa pagitan ng mga Night Walker.

Habang papalapit ang napagkasunduang oras, mas lalong nasabik si Marvin!

Nag-iinit na ang kanyang dugo at mabilis ang tibok ng kanyang puso!

Magtatangka siyang pumatay ng isang Dragon!

Kahit na isa lang itong Adult Red Dragon, isa itong mapanganib na bagay para kay Marvin!

Kapag naging pabya siya, maaari siyang maipit sa laban.

Kung hindi lang sa tiwala niya sa lakas ni Ivan at sa tiwala niya sa kanyang bilis, siguradong hindi niya maiisip na sumama.

'Sige na, handa na ako.' Inaayos ni Marvin ang posisyon ng Brilliant Purple habang ibinubulong ito sa kanyang sarili.

Paglipas ng labng-limang minuto, kumilos na si Ivan!

Mabagsik ang pag-atake nito at hindi ito tumigil!

Bigla na lang itong sumuod sa nakatagong Red Dragon at walang habas na inatake ito!

"Roar!"

Isang nakakatakot na atungal ng Dragon ang maririnig. Dahil ditto ay nayanig ang buong isla at lumakas ang alon sa paligid nito.

Mabuti na lang at nakapili ng magandang pwesto si Marvin kaya hindi siya naapektuhan ng atungal ng Dragon.

Nasa 8 kilometro ang layo niya!

Ligtas na ang distansyang ito para kay Marvin.

Dahil sa blessing ng Night Monarch, kaya pa rin niyang makita kung ano ang nangyayari sa laban sa bundok.

Tila nanghihina ang malaking Red Dragon dahil sa mabalasik na mga atake ni Ivan.

Malaki ang pinagkaiba ng dalawa!

Sa nangyayari, tila napakalakaas ng mga suntok ni Ivan!

Ibang-iba ito sa Martial Monk. May kakaibang lakas ang mga suntok ni Ivan.

Madadama na wala siyang balak palampasin sa bawat suntok. Kahit pa anong mangyari sa iyo ay walang makakapigil ditto.

"Nararapat lang para sa isang lalaking gusto ko!"

Sa di kalayuan, isang kakaibang kislap ang makikita sa mga mata ng Sea Elven Queen.

Kung hindi dahil sa plano niya, hindi niya mapipigilang dambahan si Ivan at hubaran ito at gamitan ng pwersa.

Napakabalasik!

Sa sobrang pagkabugbog dito'y tumataghoy na ito. Tanging malalakas na tao gaya ni Ivan ang may kayang bumugbog sa Red Dragon na parang isang aso.

"Queen, mukhang may kasama siya," paaalala ng isa sa mga Sea Elf sa gilid.

"Ang lalaki 'yon ba?"

"Masyadong mahina, sumisilip pa gamit ang isang uri ng telescope, wala akong interes sa kanya." Mapanghama na sabi ng Sea Elven Queen.

"Pero parang may kakaibang enerhiyang inilalabas ang telescope na 'yon. Mukhang maganda ang bagay na 'yon," sabi ng tagasunod nito.

"Kulang ba tayo ng magagandang bagay sa atin?"

Walang interes ang Queen kay Marvin. Tanging Kay Ivan lang siya nakatingin. "Ilang saglit lang ay ibubuwis ng Dragon ang buhay niya para lang makatakas." Biglang sabi nito.

"Hindi kayang lumipad ng War Saint, isa sa mga pinagsisisihan niya. Pero may magagawa ako para pigilan ito."

"At kapag nangyari 'yon, siguradong magugustuhan na niya ako!"

At nangyari nga ang sinasabi ng Sea Elven Queen.

Dahil alam naman ng Red Dragon na wala siyang tapat kay Ivan sa isang melee battle, hindi nagtagal ay ginamit na nito ang kanyang Dragon Magic para subukang makatakas!

Ibinuka niya ang kanyang mga pakpak at mabilis na iniangat ang kanyang katawan!

Sa kabila ng nakakamanghang pagtalon ni Ivan, bumagal siya dahil sa Dragon Spell kaya naman hindi niya ito naabutan!

"Oras na para kumilos!" Nakangiting sabi ng Sea Elven Queen.

Mabilis na lumipad ang Red Dragon patungong silangan at agad na nakarating sa harap ng isang bundok.

Pero noong mga oras na iyon, isang malaking bato ang gumulong pababa ng bundok!

"Blagbag!"

Sinipa na ni Marvin nag bato kaya makikita na ang kanyang lokasyon!

Sa bundok, maaari nang baguhin ang posisyon nito para maitutok sa Dragon dahil wala nang nakaharang na bato.

"Sa wakas."

Mahigpit na hinawakan ni Marvin nag Brilliant Purple at inasinta ang Red Dragon na mabilis na lumulipad!

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya habang tahimik na kinakalkula ang distansya sa pagitan niya at ng kanyang kalaban.

"Anong balak niyang gawin?" Napansin ng Sea Elven Queen ang ginagawa ni Marvin at hindi ito gumalaw.

Tiningnan din ng Red Dragon ang aninong ito na nasa tuktok ng bundok.

Hindi niya ito gaanong pinansin. Masyado na siyang mahina kaya hindi na ito gaanong mapanganib para sa kanya.

Sa sumunod na sandali, huminga nang malalim si Marvin.

Ginalaw niya ang kanyang kamay at hinila ang baras. Tumalsik siya palikod, dahil sa malaks na sipa ng Brilliant Purple, at muntik nang malaglag sa bundok!

"Bang!"

Sa isang iglap, isang makapal na kulay lilang liwanag ang lumabas mula sa kanyon!

Tila kayang hatiin ng kanyon na ito ang langit at lupa!

"Woosh!"

Tumama ang apoy at kidlat sa ulo ng Dragon, kaya nadurog at napira-piraso ito!

Dumanak ang dugo, at bumagsak ito na para bang ulan!

Kaawa-awang bumagsak naman sa lupa ang katawan ng Red Dragon!

Nagulat ang Sea Elven Queen at ang kanyang mga tagasunod!

Nakaramdam ng sakit si Marvin sa kanyang dibdib at umubo na may kasamang dugo.

Pero natawa lang ito nang malakas habang tinitingnan ang napakaraming logs na lumabas sa kanyang harapan.

Isa iyong Artillery Shell!

Napakaganda sa pakiramdam!


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C193
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen