App herunterladen
7.61% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 56: Divine Spell

Kapitel 56: Divine Spell

Redakteur: LiberReverieGroup

Mas maliit ang basement na ito at mayroon lang isang daan palabas.

Nakatayo ang plague envoy sa isang nakaangat na platform, nakatalikod siya sa silver light knight.

"Alam mong hahabulin kita?" hindi bobo si Gordian.

Naramdaman niya ring may mali.

Pero hindi siya umatras.

Dahil ito sa kumpyansa niya sa kanyang angking lakas. Ito rin ay malaki ang paninwiwala niyang mayroon siyang basbas ng silver god.

Hindi lahat ng silver light knight ay mayroong skill na divine grace.

Isama pa ang kanyang espada na may kaunting divinity at binasbasan pa ng isang high level na silver god priest.

Dahil sa kaunting divinity na taglay ng espadang ito, naging isang sandata ito na kayang tapatan ang malalakas na enchantment!

Malakas ang mga attribute nito.

Kaya naman, walang takot si Gordian.

Kahit na planado ito ng plague envoy, hindi pa rin ito makakatakas.

Ilang beses na niyang tinugis ang plague envoy, at sa ilang ulit na iyon, laging mayroong kulang kaya hindi niya ito nahuhuli. Nainis siya ng bahagya dahil dito. Kaya ayaw na rin niyang palampasin ang pagkakataong ito.

Hinawakan niya ng maigi ang kanyang espada.

"Paiiralin ko ang hustisya at huhulihin kita, bilang ako ang kapitan ng patrol ng River Shore City"

Nakapamakatarungan ng kanyang tindig at boses.

Dahan-dahang humarap ang plague envoy na may mapanlinlang na itsura sa kanyang mukha.

"Ha ha ha, masyado kang mayabang Gordian."

'Matalino ang silver light knight na 'to.'

'Kung papatayin o itataboy niya ang plague envoy sa ngalan ng silver church, maaring ikagalit ito ng plague god. Kahit na hindi takot ang silver god sa plague god, malaking kaguluhan pa rin ito.'

'Sinamantala ng lalaking 'to ang posisyon niya bilang gwardya ng River Shore City. Nang sa gayon, hindi makaka-alma ang plague god kahit na patayin niya ang plague envoy.'

Nakasunod pa rin si Marvin. Narinig niya ang mga sinabi ni Gordian at hindi niya mapigilang tumaas ang respeto para sa knight.

Tao nga siya ng silver church. Bawat isa sa kanila ay negosyante; alam nila ang tamang stratehiyang gagamitin para masulit ang mga benepisyon nito.

Isa na dito ang lalaking ito.

Ngumisi lang si Gordian at sinabing, "Ilang katulong lang naman ang isinama mo. Hindi ako natatakot."

Humakbang ito pagkatapos magsalita, nang biglang may dalawang anino ang lumitaw mula sa magkabilang panig nito!

Mga assassin!

Parehing 2nd rank!

Tinignan ni Marvin ng mabuti habang inisip na, 'Hindi maganda 'to.'

'Masyadong mataas ang kumpyansa ni Gordian, hindi ba?' Kahit na halatang isa itong paibong hindi ito nagdalawang-isip at dumeretso lang sa pagpasok.

Kung sabagay, hindi ganoon katas ang perception ng mga Guardian Knight. Kaya normal lang na hindi nito mapansin ang mga assassin na naka-stealth. Lalo pa at mahirap talagang makita ang mga assassing naka-stealth kung hindi ka gagamit ng isang detection Divine Spell!

'Sandali lang!'

'Wala si Black Jack sa dalawang 'yon.'

'Pucha! Pareho silang gumagamit ng [Desperate Strike]!'

Muntik nang mapatakbo palabas sa kanyang pinagtataguan si Marvin!

Kung mapatay nila si Gordian sa isang tirahan lang, delikado nang manatili rito.

Desperate strike ng dalawan advanced assassin!

Sa pagkakataon ito, malaki-laki ang ginastos ng plague envoy para madispatya na si Gordian. Hindi lang siya kumuha ng isang shadow spider hitman, binayaran niya rin ang dalawa pang 2nd rank assassin,

Noong tatamaan na si Gordion ng atake ng dalawang assassin, biglang binunot ng silver light knight ang kanyang espada!

Kaliwete man siya pero napakaganda pa rin ng kanyang postura!

Sa isang iglap, lumiwanag ang espada, at lumitaw ang isang silver mark!

[Divine Grace – Silver Protection]!

Nakahinga ng maluwag si Marvin nang makitang gumamit ito ng Divine Spell.

Tunay ngang hindi lang ordinaryong guardian knight si Gordian. Siguradong isa itong elite Guardian Knight!

Sa isang iglap, isang uri ng silver liquid ang lumabas mula sa silver mark at bumalot kay Gordian.

Tumama ang desperate strike ng dalawang assassin, tinamaan nila si Gordian!

Subalit!

Dahil sa epekto ng Silver Protection, hindi siya tinatablan ng ano mang uei ng pinsala sa loob ng tatlong segudo.

Isang skill na may mataas na prayoridad ang desperate strike, pero kung tutuusin, isa lang itong mortal skill. Karamihan sa mga ito ay nagmula pa sa sinaunang panahon ng mga elf.

Pero isang Divine Spell ang Silver Protection. Nagmula pa ito mismo proteksyong nagmumula sa silver god.

Ginamit ng dalawang assassin ang lahat ng lakas nila sap ag-atake, at halos ikamatay na nila ito, ngunit, ni hindi man lang nagalusan si Gordian dahil sa proteksyon na kanyang ginamit!

Mukha siyang isang rebultong gawa sa pilak, na nakatayo lang at hindi gumagalaw. At wala silang magawa para patumbahin ito.

Nawala rin and silvery light paglipas ng tatlong segundo. Saka sinipa ni Gordian ang dalawang assassin na nasa kanyang paanan at naglakad na ito patungo sa plague envoy.

"Talagang pinaghandaan mo ang araw na 'to!"

Tumawa siya at sinabing, "Hindi ako tinatablan ng desperate strike!"

Napansin ni Marvin na nawala ang isa sa tatlong uri ng liwanag na bumabalot sa espada na hawak ni Gordian.

'May kasamang tatlong Divine Spell?'

'Nagamit na niya ang isa.'

Mas may nalalaman si Marvin sa sitwasyon. Ang dark murderer ang alas ng plague envoy laban kay Gordian!

At tulad ng inaasahan, lumabas na si Black Jack.

Kahit na mayroong advance stealth class ang dark murderer, hindi pa rin ito isang assassing kaya pangkaraniwan lang ang epekto ng kanilang stealth.

Nagyabang lang ito sa harap ni Gordian.

"Isang shadow spider?" Sumimangot si Gordian. Makikitang ngayon lang naging seryoso ang reaksyon nito.

Nararamdaman niyang malakas ang taong ito.

"Trabaho lang, walang personalan." Sa puntong ito, napakapropesyonal ng dating ni Black Jack.

Wala na siyang gaanong sinabi at umatake na lang!

Napakatalas ng mga twin daggers na kanyang hawak. Kahit na ang mga normal niyang atake ay nag-iiwan ng bakas.

'Mayroon siguro siyang, personal o class specialty kaya tumaas ang kanyang attack speed!' Hula ni Marvin.

May alam si Marvin na kaunting trained specialty, at kailangan niyang makuha ang isa sa mga ito.

Nagpapamalas ng kakaibang bilis ng attack speed ang dark murderer. Pinapakita lang nito na mayroon siyang specialty na nakakapagpataas ng kanyang bilis. Ito ang isang bagay na kailangang-kailangan ni Marvin.

Tunay na malakas si Gordian. Di hamak na mas malakas kesa kay Marvin.

Gamit ang kanyang espada, nagagawa nitong salagin at atakihin ang dark murderer.

'Mas may tsansang manalo si Gordian sa isang dwelo!'

'Kaso nga lang, hindi maituturing na isang dwelo ang labang ito.'

Tulad ng inaasahan ni Marvin, sumali na sa laban ang plague envoy.

Kaunti lang ang Divine Spells nito pero lahat ay nakamamatay at kailangan maingat sa paggamit.

Ang presensya niya ang pinakamalaking banta sa buhay ni Gordian. Dahil kapag tinaman siya ng isang sumpa, magbabago ang takbo ng laban niya kay Black Jack.

Tulad rin ng inaasahan, nakahanap ng pagkakataon ang plague envoy, sa tulong ng dark murderer, na gamitan ng Weakness spell si Gordian!

Nabawasan ng 30% ang kanyang lakas at bilis.

Kahit na gumamit rin agad si Gordian ng isang Divine Spell na Weakness Immunity, isa siyang guardian knight at hindi isang priest.

Kakaunting Divine Spells lang ang maaari niyang gamitin. Nagamit na niya ang Mind Blast, Detect Trail, at Silber Protection ang Immunity. Kahit na mayroong divine skill sa kanyang espada, hindi siya makakagamit ng higit sa tatlong spell.

Talagang pinaghandaan ito ng plague envoy.

Naglabas pa nga ito ng dalawang powered magic staff na ginawa ng South Wizard Alliance. Kahit na isa itong consumable item, napakamahal ng presyo nito, at napakalakas ng epekto!

Lalong napapasama ang sitwasyon ni Gordian.

Tumawa si Black Jack. Sinamantala niya ang pag-iwas ni Gordian sa isang divine spell at nagpakawala ng isang matinding blade technique

Rushing Thunder Slash!

'Hindi na ko makakapagintay!'

Hindi na nag-alinlangan si Marvin. Habang naka-stealth pa rin ay lumabas na ito.

Pero sa pagkakataong ito, tinanggal niya ang maskara ng Masked Twin Blades at naglagay ng takip sa bibig!

Twin blades pa rin ang gamit niya pero marami namang tao ang gumagamit ng twin blades. Sinong mag-aakalang siya pa rin si Masked Twin Blades.

"Tulungan mo ko, pareho lang tayo ng kalaban,"

Mabilis na lumabas mula sa dilim si Marvin at sinabi ito kay Gordian bago tumakbo patungo sa plague envoy!

Nabigla ang plague envoy. Agad itong bumulong ng kung ano at isang malaking pader na bato ang tumambad kay Marvin.

"Walang kwenta!"

Ngumisi lang si Marvin habang patuloy na tumakbo paakyat ng pader na bato!

Anti-gravity steps!

Sa kabilang banda, palihim na nagbato ng ring of light si Gordian patungo sa direksyong 'yon.

[Divine Spell – Divine Gift]!


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C56
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen