"Wyn, hindi ka ba sasama sa akin?", hawak nito ang pareho kong kamay. Nakangiti ang babae sa suot nitong kulay puting dress na gula-gulanit.
"Pag ba sumama ako sayo mapapawi lahat ng sakit?", hinaplos niya ang pisngi ko.
Gusto ko ng matapos itong nararamdaman ko. Sabi nila, masaya mabuhay pero habang nalawak ang pang unawa ko sa mga bagay mas lalo akong nahihirapan. Mas mabuti na lamang na walang kamuwang-muwang sa mga nangyari. Sana hindi na lang ako bumalik sa dati. Mas gusto ko iyon parang nangangapa lamang ako.
Humakbang ako palapit sa kanya habang narinig ko ang pag iyak ng mga taong nasa paligid ko.
"Wyn, anak. Please! Nagmamakaawa ako sayo",pagsusumamo ng aking ina. Hawak siya ng aking ama at kapatid sa braso nito ngunit hindi siya nagpaawat.
Nagpabalik-balik ako ng tingin sa kanya at sa aking ina. Ramdam ko ang pagbigat ng nararamdaman ko. Pero sa una pa lamang ay alam ko na ang magiging desisyon ko.