Download App
56.25% Z0mbie Ap0calypse / Chapter 9: Chapter Nine

Chapter 9: Chapter Nine

CESSA'S POV:

"Anong pangalan nyo?" Pagtatanong nung lalaki.

Pero walang sumagot samin, ito yung mga lalaking nakapasok ng school at pinagbabaril yung mga tao.

Nagulat na lang kami nang bigla nyang binaril sa ulo yung lalaking nakausap namin nila Felix at Kevin nung ilalagay namin si Vivian sa loob ng school bus.

Nanginginig ako.

Natatakot ako.

Nasaan na yung iba, ano nang nangyari sa kanila.

"Anong pangalan nyo?" Pagtatanong nya ulit.

"K-k-kevin." Nauutal na sabi ni Kevin, kitang kita rin sa mukha nya na natatakot sya.

"F-felix..." Sabi naman ni Felix.

Tumingin naman sakin yung lalaki.

"Cessa." Sabi ko, kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.

Napatingin naman ako kay Greyson dahil hindi sya nagsasalita. Nasa likod nya kami kaya hindi ko makita ang itsura nya.

"Tatlo lang ba kayong kausap ko?" Pagtatanong nung lalaki at wala ulit sumagot.

"Hindi kayo sasagot ah." Yung lalaki at tinutok yung baril kay Greyson.

"Greyson!" Sigaw ko kaya napatingin silang lahat sakin pati si Greyson at nagulat pa sya.

"S-sya si Greyson." Sabi ko at binaba naman nya yung baril nya sa pagkakatutok kay Greyson.

"Hmm... Ako si Lucius, may itatanong lang ako, sana sumagot kayo ng maayos para wala tayong maging problema." Sabi nung Lucius.

"Nasaan si Noah?" Pagtatanong nung Lucius.

"Wala na sya dito." Sabi ni Felix.

"Wala?" Pagtatanong nung Lucius.

"Umalis na sya, may kagat sya, maya umalis sya para hindi mapahamak yung mga tao dito." Sabi ni Greyson.

"May iba ka bang ibig sabihin? Pwede mo naman sabihin sakin ng diretso." Sabi nung Lucius.

"Oo, umalis sya para maligtas yung mga tao dito tapos dadating lang kayo dito para patayin sila, hindi ba kayo naaawa, may mga bata, matatanda, pwede pa silang marescue at madala sa safe na lugar." Sabi ni Greyson.

"Rescue? Safe na lugar? Wala nang tutulong sa inyo." Sabi nung Lucius.

Bigla namang may dumating na isang lalaki.

"Boss Lucius?" Pagtawag nya kay Lucius.

"Ano? Ubos na ba lahat?" Pagtatanong ni Lucius.

"Galing kami sa Clinic, patay na lahat maliban dun sa tatlong nakahiga at mga tulog, may mga sakit yata sila." Sabi nung lalaki.

"Patayin nyo na sila." Sabi nung Lucius at agad namang umalis yung lalaki.

Hindi pwede.

Papatayin nila sila Sylus at si Allison, pero nasaan sila Drea? Pati yung iba, hindi pwedeng pinatay na sila.

Kinakabahan ako.

"Patay na lahat."

Hindi pwede.

"Bantayan nyo yang apat na yan, maglilibot lang ako, hoy ikaw at ikaw, samahan nyo ako." Sabi nung Lucius at naglakad sila papalayo.

Ano nang gagawin namin.

*

*

DREA'S POV:

"Wag na kayong manlaban, ilapag nyo yang mga armas nyo." Sabi nung isang lalaki.

Akala namin isang lalaki lang yung papasok sa room na to, pero ang dami nila at tinututukan nila kami ng baril.

Madami silang lalaki kaya hindi na nakalaban sila Zayne at Derrick.

Inilapag na nga nila Zayne at Derrick yung mga baril at kinuha naman agad yun nung mga ibang lalaki.

"Sumama kayo samin, dadalhin namin kayo kay boss Lucius." Sabi nung isang lalaki kaya wala kaming nagawa kundi sumama sa kanila.

Ano na kayang nangyari sa iba, sana okay lang sila...

*

*

CALISTA'S POV:

Agad kaming nakababa ng building at sumalubong naman samin ni Josephine ay tatlong lalaki na ikinagulat namin.

Agad nila kaming tinutukan ng baril.

"Teka." Boses ng isang lalaki kaya napatingin kami dun.

"Boss Lucius?" Sabi nung isa sa mga lalaki.

"Dalhin nyo sila dun sa may parking area." Sabi nung Lucius kaya wala na kaming nagawa ni Josephine at sumama na lang kami.

Ano na kayang nangyari kay Caleb.

Nasaan na yung iba?

*

*

YVONNE'S POV:

Agad nya naman akong hinawakan sa collar ng damit ko at hinila papalapit sa kanya.

Agad nya akong malakas na sinampal, kaya napadaing ako sa sakit. Agad nya din akong malakas na itinulak sa may pader at binitawan, napahiga naman ako sa sahig.

Nahihirapan na akong huminga.

"Ano kaya mo pa? Kung ako sayo nagtago na lang sana ako at hindi na lumabas." Sabi nung lalaki sakin.

Si Rafael, nawalan yata sya ng malay.

"Halika dito." Yung lalaki at hinila ako patayo, agad nya akong tinulak pahiga dun sa higaan.

Agad syang lumapit sakin at agad akong sinakal.

Hindi naman ako makalaban dahil ang lakas nya, nahihirapan na din akong huminga.

Sinasampal sampal ko yung mukha nya pero mas dinidiinan nya lang yung pagsakal sakin. Nanghihina na ako at napapapikit na lang ako sa sakit.

*

*

RAFAEL'S POV:

Nakita kong sinasakal na nung lalaki si Yvonne kaya agad akong tumayo at pinulot yung gunting.

Agad akong lumapit sa kanila at habang nakalikod yung lalaki at patuloy na sinasakal si Yvonne ay agad kong isinaksak sa leeg nung lalaki yung gunting kaya nagsiritan yung dugo dun sa leeg nya.

Agad nyang binitawan si Yvonne at tumayo pa sya, napahawak sya sa leeg nya kung saan nakasaksak yung gunting at patuloy parin sa pag labas yung mga dugo dun hanggang sa tuluyan na syang bumagsak.

May gusto pa syang sabihin pero hindi na nya masabi dahil nahihirapan sya.

Agad naman akong lumapit kay Yvonne at nahihirapan na nga syang huminga.

May hika ba sya?

Kailangan ko ng inhaler.

Agad naman akong naghanap sa mga drawers ng inhaler dito.

Nasaan.

Maya maya pa ay nakakita din ako at agad akong lumapit kay Yvonne, itinutok ko yun sa bibig nya at ginamit yun.

Nung okay na sya ay agad naman akong lumapit kay Caleb para i-check sya. Wala parin syang malay, si Yvonne naman ay nakahiga parin dun sa may higaan.

Napansin ko namang may paparating kaya agad akong lumapit kay Yvonne, agad kaming nag tago sa cr dito sa clinic.

"A-ano yun?" Pagtatanong ni Yvonne.

"May paparating, hindi ko kilala, baka isa sa mga kasamahan nila." Sabi ko.

"Paano yung iba?" Pagtatanong ulit ni Yvonne.

"Hintayin muna nating umalis sya." Sabi ko.

Maya maya pa wala na kaming narinig na yabag kaya nauna na akong lumabas ng cr. Laking gulat ko na lang ng wala na si Caleb dun sa sahig.

"N-nasaan si Caleb?" Pagtatanong ni Yvonne pero agad naman akong nakaramdam ng hilo at agad bumagsak, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

*

*

CALISTA'S POV:

Papunta na nga kami sa may parking area at kita ko palang sa malayo na andun sila Greyson, Felix, Kevin at Cessa.

Pero nasaan si Caleb at yung iba? Nasa clinic pa kaya sila.

Maya maya pa andito na kami.

"Calista, nasaan sila Drea? Nakita mo ba?" Pagtatanong ni Cessa sakin.

Agad ko namang nakita yung lalaking patay sa gilid na ikinagulat.

"Pinatay nila yang lalaki." Sabi ni Kevin.

"H-hindi ko nakita sila Drea eh, si Caleb nakita nyo ba?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Iniwan namin sila sa clinic, ewan ko kung andun pa sila." Sabi ni Greyson.

Sana okay lang sila.

"Nasaan si Noah ngayon?" Pagtatanong naman ni Josephine.

"Hindi namin alam." Sagot ni Felix.

"Kasama ko sya kanina, sabi nya sakin tumakas na daw tayo dito bago sya tuluyang umalis, pupuntahan daw nya sila Rafael at Thomas." Sabi ni Greyson.

Nasaan na kaya si Caleb, kinakabahan ako.

*

*

DREA'S POV:

Napatigil naman kami sa paglalakad dahil nakita na namin yung boss nila.

"Boss Lucius, anong gagawin natin sa kanila?" Pagtatanong nung lalaki.

Nakatulala lang yung Lucius at nakatingin ng maigi kay Derrick.

Ito yung sinasabi ni Rafael, yung pumatay kay Thomas. Natatakot ako, kinakabahan ako.

"Derrick HAHAHAHAHAHAHA." Sabi nung Lucius at tumawa ng malakas.

"Ang liit nga naman ng mundo, akalain mo yun magkikita pa pala tayo." Sabi ni Lucius.

*

*

DERRICK'S POV:

Gulat na gulat ako nang makita ko si Lucius, sya nga. Sya yung pumatay sa kapatid ko.

Kinakabahan ako, sana hindi nya ako makilala, nakatitig lang sya sakin.

Laking gulat ko na lang nang bigla syang tumawa ng malakas.

"Derrick HAHAHAHAHAHAHA." Sabi ni Lucius at kumunot naman yung noo ko.

"Ang liit nga naman ng mundo, akalain mo yun magkikita pa pala tayo." Sabi ni Lucius at abot tenga ang ngiti.

"Dalhin nyo sila sa parking area kasama nung iba." Sabi ni Lucius at wala naman kaming nagawa kundi sumunod sa kanila.

Ang daming patay na mga tao sa paligid. Pinatay din nila si Thomas.

*

*

DREA'S POV:

Papalapit pa lang kami sa kanila at kita na namin sila Cessa pati yung iba.

Hanggang sa tuluyan na kaming nag sama sama lahat at pinalibutan na nila kami. Natatakot ako.

"Drea? Nakita mo ba si Caleb?" Mahinang pagtatanong sakin ni Calista.

Umiling naman ako.

"Boss Lucius." Boses ng isang lalaki kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

May buhat buhat syang lalaki sa balikat nya, at kung hindi ako nagkakamali si Caleb yun.

"Sino yan?" Pagtatanong ni Lucius.

"Iniwan nung dalawa sa clinic, wala na yung babae at yung Rafael dun." Sabi nung lalaki.

"Caleb!" Sigaw ni Calista at tatakbo sana palapit dun sa lalaking buhat buhat si Caleb pero agad syang tinutukan ng baril ni Lucius kaya napatigil sya.

"May sinabi akong umalis kayo sa pwesto nyo?" Pagtatanong ni Lucius.

"Wag nyong sasaktan ang kapatid ko." Sabi ni Calista at umiyak.

"Pinatay nila si Jack, may nakatusok na gunting sa leeg nya, yung babae at Rafael yata yung gumaw nun, may nakita din akong inhaler sa higaan." Sabi nung lalaki.

Nasaan na kaya sila Rafael at Yvonne.

Kinakabahan ako.

"Dadalhin natin yang lalaki." Sabi ni Lucius.

"Teka! Wag!" Sigaw ni Calista habang umiiyak at napaluhod na lang sya.

"Wag kang mag alala hindi ko sya sasaktan." Sabi pa ni Lucius kay Calista.

"Sinungaling ka, pinatay nyo si Thomas." Sabi ni Derrick kaya napatingin kaming lahat sa kanya at gulat na gulat naman yung iba.

Agad namang lumapit si Lucius kay Derrick at malakas nya itong sinuntok sa tyan na ikinagulat namin.

Napadaing naman sya sa sakit.

Napayuko at napahawak na lang si Derrick sa tyan nya.

"Hayop ka." Sabi ni Derrick.

"Isakay mo na yan sa sasakyan." Sabi ni Lucius dun sa lalaking buhat buhat si Caleb at napahagulgol naman sa pag iyak si Calista.

Agad hinila ni Lucius si Derrick at itinulak dun sa mga lalaki na ikinagulat namin.

"Itali nyo kamay nyan at isakay nyo sa sasakyan." Sabi ni Lucius.

Natatakot ako at kinakabahan, wala akong magawa kundi panoodin sila. Bawat minutong lumilipas ay kinakabahan ako dahil hindi namin alam ang mga susunod na mangyayari.

"Bitawan nyo ko!" Sigaw pa ni Derrick at tuluyan na syang naisakay sa sasakyan.

"Bakit kailangan mong gawin to?" Pagtatanong ni Josephine.

"Bakit? Ano pa bang dapat gawin ko, hayaan na lang mabuhay yang mga tao at maghirap? Tama lang yung ginawa ko. Patayin ang mahihina at itira ang malalakas, ano pang magagawa mo kung isa ka lang mahina at hindi maipagtanggol ang sarili mo." Sabi ni Lucius.

Agad namang sinugod ni Greyson si Lucius at agad nyang sinuntok sa mukha si Lucius.

"Gago ka ba? Hindi ka ba nag iisip? Mga bata at matatanda lang yung iba sa kanila, pero pinatay nyo sila!" Sigaw ni Greyson kay Lucius.

"HAHAHAHAHAHAHA, wala akong oras makipagtalo sayo o gumanti, dahil sa ginawa mo ay kukuha ulit ako ng isa sainyo para sumama samin." Sabi ni Lucius at laking gulat ko na lang ng bigla nya akong hawakan sa braso at hilahin, nahawakan naman ako ni Zayne sa kamay kaya humawak din ako sa kamay nya, natatakot ako.

"Drea!" Sigaw ni Cessa, hindi ko na alam ang gagawin ko at nabablanko ako, natatakot ako.

"Bitawan mo sya." Sabi ni Zayne.

Tinutukan naman ng baril ni Lucius si Zayne.

Wala na akong magagawa at na kapag desisyon na ako, bumitaw na ako sa kamay ni Zayne.

"Sasama ako." Sabi ko.

"Hmm madali ka palang kausap, isakay nyo na to sa sasakyan." Sabi ni Lucius.

"D-drea." May nginig sa boses ni Cessa habang tinatawag ako, hindi na ako lumingon dahil ayokong makitang malungkot sya.

*

*

CESSA'S POV:

Tuluyan na nilang isinakay si Drea dun sa sasakyan nila.

Anong gagawin ko?

Naiiyak na ako at kinakabahan, saan nila dadalhin sila Drea? Ano ng mangyayari?

"Kayo, lahat kayo, bibigyan ko kayo ng limang araw para linisin tong lugar na to, kapalit ni Derrick at nung kapatid mo, pati nung babae. Gusto ko may mga pagkain nang andito at mga tubig na nakatambak. Hapon kami babalik dito, at dapat tumupad kayo sa usapan para hindi tayo magkagulo, malinaw ba?" Sabi nung Lucius.

"Wag nyo silang sasaktan at gagawin namin yung inuutos mo." Sabi ni Greyson.

"Okay okay, payag ako dyan, basta ito ang tatandaan nyo wala nang tutulong sa inyo.... Tara na." Sabi nung Lucius at nagsakayan na sila sa mga sasakyan at tuluyan nang umalis.

Napahagulgol naman sa iyak si Calista.

"Shh... Tahan na, babalik din sila." Sabi ni Josephine kay Calista, para kahit papaamo gumaan man lang ang loob ni Calista.

Tumakbo naman si Zayne papunta dun sa clinic kaya sumunod ako sa kanya.

Sa clinic.

Agad naming nakita si Yvonne na inaakay si Rafael na walang malay, agad namang lumapit si Zayne dun para tulungan si Yvonne na ihiga si Rafael dun sa higaan.

Agad naman akong lumapit kay Yvonne.

"Anong nangyari ayos ka lang ba?" Pagtatanong ko sa kanya at nag simula na syang umiyak.

Buti na lang hindi nila ginalaw sila Sylus at Allison, pati yung isang lalaki.

Nakita ko naman yung isang lalaking patay at may nakatusok sa leeg nyang gunting.

Anong nang gagawin namin? Ang gulo na, kinuha pa nila sila Drea, Caleb at Derrick.

Maya maya pa dumating na din sila Josephine, Calista pati yung iba.

"A-anong nangyari? D-diba kasama nyo si Caleb? Paano sya nakuha nung lalaki?" Pagtatanong ni Calista.

"M-mahabang pangyayari..." Sabi ni Yvonne at naiiyak.

"Ha? Paano? Anong nangyari? Sabihin mo sakin?!" Sigaw ni Calista habang naiiyak.

"Teka lang, kumalma muna kayo, hindi tayo magkakaintindihan pag ganyan." Sabi ni Zayne kaya napatingin kami sa kanya.

"Ha? Kumalma? Kinuha nila si Caleb! Yung kapatid ko kinuha nila! At hindi natin alam kung saan nila dadalhin si Caleb!" Sigaw ni Calista.

"Hindi lang ikaw yung nahihirapan dito, kinuha rin nila si Drea at Derrick, kaya dapat mag usap tayo nang maayos at nagkakaintindihan." Sabi ni Zayne, pero lumabas naman si Calista.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Pagtatanong ni Kevin.

"Sa ikalimang araw babalik sila dito, kapalit nila Drea pati nung iba, kailangan nating linisin tong lugar at kumuha ng mga pagkain at tubig sa mga store, Anong gagawin natin? Anong uunahin natin?" Pagtatanong ni Felix.

"Bukas na natin lahat to pag usapan, kailangan nating magpahinga lahat, kailangan nating makaipon ng lakas para bukas." Sabi ni Josephine.

-

-

-

Tulog parin sila Allison, Sylus, Rafael, pati yung isang lalaki. Tulog na din si Yvonne, pero si Zayne at ako ay gising parin.

"Hindi ka makatulog?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi." Sagot ni Zayne.

"Ano nang gagawin natin? Si Drea kinuha nila, sana pala hindi na tayo tumuloy dito at pumunta na lang tayo sa kabilang city." Sabi ko.

"Hindi naman natin alam na mangyayari to." Sabi ni Zayne.

Pagod kaming lahat.

Kamusta kaya si Drea?

Sana okay lang sya.

*

*

DREA'S POV:

Nasa likod kami ngayon ni Derrick ng sasakyan.

Nakatali yung mga kamay namin sa likod.

"Ayos ka lang?" Pagtatanong ko kay Derrick.

"Oo ikaw?" Pagtatanong ni Derrick.

"Okay lang, anong gagawin natin? Nasaan si Caleb?" Pagtatanong ko kay Derrick.

"Nasa kabilang sasakyan sya, kailangan nating tumakas pag nakarating na tayo kung saan nila tayo dadalhin." Sabi ni Derrick.

"Paano si Caleb? Wala pa syang malay?" Pagtatanong ko.

"Bahala na, sa ngayon sumunod muna tayo sa iuutos nila." Sabi ni Derrick at napatango na lang ako.

-

-

-

Maya maya pa may pinasukan kaming gate ng isang subdivision.

Sumilip ako sa bintana at ang daming mga bahay sa paligid at may mga tao din. May mga bata matanda at mga babae. Pero bakit nila ginawa yun? Pinatay nila yung mga taong kasama namin dun sa school.

Maya maya pa tumigil na yung sasakyan.

"Ipasok nyo sila sa loob, wag nyo silang hahayaang makita ng mga tao." Sabi nung Lucius at kinuha na nga kami ng mga lalaking to.

Pinasok nila kami dun sa isang bahay at iniwan nila kaming tatlo dito sa kwarto.

"Nasa subdivision tayo ngayon." Sabi ni Derrick.

"Nakita mo ba yung mga tao dun? Ang dami nila diba." Sabi ko at nagulat na lang kami at napatahimik ng biglang bumukas yung pinto.

Si Lucius pala.

"Anong ibig sabihin nito?" Pagtatanong ni Derrick kay Lucius.

"Ibig sabihin?" Pagtatanong ni Lucius.

"Ang lakas naman ng loob mong patayin yung mga taong kasama namin dun sa school, tapos may mga kasama ka ring ibang mga tao dito, hindi ka ba naaawa?" Sabi ni Derrick.

"Wag kang mag alala, hindi rin sila magtatagal sa mundong to, kailangan patayin ang mahihina at walang laban, wala nang magliligtas sa ating mga tao, kaya dapat na silang patayin para hindi na maghirap." Sabi ni Lucius.

"Gago ka ba? O hindi ka nagiisip?!" Sigaw ni Derrick kay Lucius.

"Tumahimik ka, ibabalik ko naman kayo sa mga kasama nyo kapalit nung school at mga pagkain at tubig." Sabi ni Lucius.

"Hayop ka talaga! Ginamit mo pa kami. Pinatay mo pa si Thomas!" Sigaw ni Derrick kay Lucius.

"Patayin ang mahihina at walang laban." Sambit pa ni Lucius bago tuluyang lumabas ng pinto.

Kita naman sa mukha ni Derrick ang pag kagalit.

Paano kami makakaalis dito?

Kamusta na kaya sila Cessa.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login