Kinabukasan.
Hindi maintindihan ni Nicole pero pakiramdam nya iniiwasan sya ng asawa.
Every morning kasi pagmulat ng mata ni Edmund, binibigyan nya ng halik si Nicole sa noo bago ito tumayo at magbanyo, pero ngayon ... hindi nangyari iyon.
'Anyare dun?'
'Alangan namang nakalimutan nya?'
Nagtatampo tuloy si Nicole.
Sabik na sabik na sya sa asawa tapos ganito pa ang gagawin ng asawa sa kanya.
Hanggang sa hapag kainan habang sila ay nagaalmusal, halata rin ang pagiwas nito hindi lang kay Nicole ngunit maging sa dalawang anak nya.
Hindi tuloy maiwasan magtanong ng mga bata.
"Dad are you sick or something?"
Tanong ng nagaalalang si Eunice.
"No, I'm fine why?"
"Because you act so weird, but why?"
Diretsang tanong ng mausisang si Earl.
"Wala naman pagod lang ako.
Sige mauna na ako sa inyo at may kailangan pa akong daanan!"
Sabay tayo nito at iniwan ang pamilya na mas lalo ng mga itong ipinagtaka.
"Mom what wrong with Dad nagaaway ba kayo?"
Tanong agad ni Earl.
"No mga anak hindi kami nagaaway ng Daddy nyo. Siguro ay may napakahalaga talaga syang kailangan gawin kaya sya nagmamadali."
"You mean hindi nyo rin po alam kung saan pupunta ngayon si Daddy?"
Nagtatakang tanong ni Eunice.
Napansin nya kasi ang sagot ng ina na wala talaga itong alam sa pupuntahan ng ama na hindi naman kasi usual na ginagawa ng Daddy nya kaya napatanong sya.
Sa kanilang magkapatid si Earl ang matanong at mausisa, sinasabi nito agad kapag may napuna syang kakaiba. At si Eunice, sya naman ang observant.
At kanina pa nya napapansin pagpasok pa lang ng dining room that there is something wrong dahil dirediretso ang Daddy nila sa upuan nito na hindi man lang sila binibigyan ng kiss. At ang mommy naman nila ay halatang may tampo.
"No iha, hindi naman sa hindi ko alam kung saan pupunta ang Daddy nyo, syempre alam ko!"
Sabay bigay ng pilit ba ngiti.
"But mom ....."
"Earl .... shhhhh!"
Suway ni Eunice sa kapatid na makulit.
Napapansin kasi ni Eunice na may dinaramdam ang mom nya kaya pinatigil na nito ang kapatid.
"Mabuti pa ay kumain na kayo dyan at huwag nyo intindihin ang Daddy nyo, pagod lang yun sa sobrang daming ganap lately."
Pero halata nila Earl at Eunice ang lungkot sa boses ng mommy nila, halatang may dinaramdam.
"Sige mga anak mauna na rin ako. Need ko ng mag ready."
At mabigat ang mga yabag nito na umakyat patungong silid at duon mahinang umiyak.
'Di man lang nya ko binigyan ng good bye kiss! Huhuhu!'
'Hindi na ba nya ko love?'
*****
Sa ospital dumiretso si Edmund.
"Sherwin, I need a general check up!"
"Why Bro Edmund, what's wrong? Kakatapos lang ng general check up mo last month and it's all negative! Why do you need another one? May nararamdaman ka bang iba?"
"Wala Bro, just want another one, bakit diba pwede?"
"Hindi naman sa ganun Bro but as your doctor and your friend, medyo concern lang. This is your first time na humingi ng another general check up at sa magkasunod pang buwan.
Napapaisip lang kung may problem ba sayo o sa results ng mga tests mo."
"Huwag kang magisip ng kung ano ano, Sherwin. I just need another one. Mabibigyan mo ba ko?"
"Yeah sure, no problem Bro! Any particular parts na gusto mong magconcentrate ako?"
"Sa blood chem at internal organs, most especially my lungs and kidneys. Pero pwede bang ikaw ang gumawa ng lahat ng iyon?"
"You mean, ako ang mismong gagawa ng mga test sayo gaya ng pagkuha ng dugo at iba pa?"
Napataas ang kilay ni Sherwin. As a doctor na fefeel nya that there is something wrong sa request ng kaibigan at may possibility na makikita nya ito sa gagawin nyang general check up.
"Yes Bro, IKAW LANG!"
'Anong nangyari dito kay Edmund bakit may pagka praning ngayon?'
'Hindi naman ito ganito?'
"Okey Bro, no problem!"
"And I also need a VIP room at huwag kang magpapasok ng kung sino sino not even a nurse. IKAW LANG!"
Hindi magawa ni Sherwin na isatinig ang mga agam agam nya kaya sumunod na lang ito. Alam nyang magsasalita din ang kaibigan sa tamang oras.
Alam ni Edmund ang nasa isip ni Sherwin, basa nya sa mukha nito ang pagtataka sa mga gusto nyang ipagawa. Pero natutuwa sya na sumunod na lang ito at hindi na naging mausisa pa.
'Sorry Bro, hindi ko gustong paglilihiman ka pero kailangan kong ilihim muna sa'yo ang dahilan bakit ko kailangan magpa general check up.'
'Hindi dahil sa wala akong tiwala sa'yo pero sa mga staff ....'
'Mas mabuti ng ganito, mahirap na!'
Sabi ng isip ni Edmund paglabas ng opisina ni Sherwin.
'May sapantaha akong mayroon kumakalat na kakaibang sakit at parang may kinalalaman ito sa bodyguard ni Tito Miguel na namatay at kay Nanay Issay!'
'At kailangan ko yun malaman!'
'Pasensya na Bro, pero kinakabahan ako! Mahirap na, nagiingat lang!'
'Sana nga hindi totoo itong haka haka ko!'
Pero paano kung totoo?'
*****
Samantala sa Sinag Island.
Marami ng nakakaalam ng kundisyon nila Doña Isabel at Don Miguel at may ilan na rin ang nakakaranas ng sintomas gaya ng naranasan ni Don Miguel bago ito nacomatose.
Kahit anong gawin nilang lihim, hindi pa rin maiiwasan na kumalat ito at magtahi tahi ng kung ano anong kwento lalo na at ang med tech na si Percy, ang responsable sa pagkuha ng dugo at pag proseso nito ay tinamaan din ng sintomas na gaya ng kay Don Miguel at bigla itong nawalan ng malay sa gitna ng trabaho nya at ngayon ay nasa isa sa silid ng ospital at walang pwedeng pumasok malibang kay Jaime at Vicky.
Nahihirapan itong huminga at nakaramdam ng pananakit at pangangapal ng ulo pati na rin sa bandang mukha.
"Hindi maari ito! Bakit nila kailangan itago ang nangyayari sa atin? Ano ba talaga ang sakit ni Doña Isabel at Don Miguel at kailangan dito pa sa isla dalhin?"
Galit na salita ng nurse na si Ernan.
Isa sya sa tumingin kay Percy ng bigla itong nawalan ng malay. At ngayon ay napupuno ng takot ang isipan nya sa dami ng agam agam na pumapasok dito.
"Paano mo nasasabing inililihim nila? Sino ba naman tayo? Ano bang karapatan nating malaman ang totoong kundisyon nila Doña Isabel at Don Miguel?"
Tanong ng isang staff.
"Pero hindi ba kayo naku curious kung ano ito at bakit iilan lang ang pinagkakatiwalaan nilang lumapit sa kanila?"
"Pero Eman si Doña Isabel yun at Don Miguel baka nakakalimutan mo? Eversince naman hindi nila ipinaaalam ang totoong kalagayan ng mga ito sa publiko at eversince din piling pili lang ang humahawak ng mga tests nila pag andito sila sa Sinag at nagpapatest!"
"Pero iba ngayon! Comatose sila at si Percy ang responsable sa mga blood chem results nila ay nahawa na rin at hinimatay nung isang araw! Siguro naman nabalitaan nyo yun? At ngayon nasaan si Percy? Ayun malamang comatose na rin!"
Namuo ng bulong bulungan ang paligid.
"At papaano mo naman nasabi na comatose si Percy, bakit nakita mo ba?"
"Hindi! Kasi bawal magpapasok dun sa silid nya kung saan sya naka confine!
Ngayon ang tanong, bakit ipinagbabawal?"
Sabi ni Eman na sinasadyang gawin ito.
Napansin ni Eman ang naguumpisang kuryosidad ng mga tao at sinamantala nya ito.
"Alam nyo bang hindi lang si Percy ang may sintomas ngayon?"
"Ha? Meron pa? Sino pa?"
Takot na tanong ng ilan.
"Pati ba rin yung mga special staff na inilagay nila kay Doña Isabel at Don Miguel!"
Bulung bulungan na naman.
"Yun ba ang dahilan kaya si Rose na kasama ko sa bahay ay inilipat at ang sabi ay pansamantala lang!"
"Tumpak! Lahat ng special staff na yun ay nakabukod sa atin, sadyang ibinukod sa atin! Pero nung isang araw nakausap ko si Charlie at dumaing din sya ng pananakit ng ulo at hirap huminga! Tapos ngayon totally hindi na natin sila makita! Bakit? Baka malamang natulad na rin kay Percy!"
Napuno ng takot ang lahat.
"Eman, ano ang dapat nating gawin?"
"Sa tingin ko, dapat ng ialis si Don Miguel at Doña Isabel dito sa isla para hindi tayo mahawa!"