Download App
12.82% One More Night (MayWard) / Chapter 5: Chapter 4

Chapter 5: Chapter 4

She reached for her cellphone and dialled a number.

"It's done!" yun lang at pinatay nya na ang tawag.

Humiga sya sa kama nilang mag-asawa.

Ang kama kung saan ni minsan ay hindi nya nakatabi si Edward.

But oddly enough, she felt at peace with her decision.

Binalik ni Edward ang mga dokumento sa envelope.

Hindi nya na dapat pang isipin iyon.

Bumaba sya sa kotse at nag-umpisang maglakad papunta sa elevator.

Bawat numero paakyat sa condo unit nya ay nadadagdagan ang bigat na nararamdaman nya.

But why?

Hindi namalayan ni Edward na nasa harap na sya ng pinto ng condo unit nya.

Bumukas iyon at bumungad sa kanya ang babaeng minamahal.

He loves Lexie, right?

"Kanina ka pa ba dyan love?" tanong ng dalaga sa kanya bago sya marahan na hilahin papasok.

Pagkasara ng pinto ay bumaling ito sa kanya at humalik sa pisngi nya.

Saglit na sumagi sa isip nya ang mukha ng dating asawa at ang halik nito sa pisngi nya kanina.

Napansin ni Lexie ang envelope na hawak nya.

"What's that love?"

"Ahm....This?"

"Wala."

Nagulat si Edward sa salitang lumabas sa bibig nya.

Bakit nya sinabing wala lang yun?

Pero nag-aalangan naman syang bawiin pa ang sinabi nya.

Hindi na muna siguro ngayon!

Tutal ang mahalaga naman ay nakalaya na sya.

Sila ni Lexie.

"Kumain ka na ba? May hinanda ako. Yung favorite mong sinigang."

"Talaga? Parang bigla akong nagutom."

Sumunod sya kay Lexie sa kusina.

Habang nakatalikod ang babae para initin ang sinigang,

naalala nya bigla ang unang beses na ipinagluto sya ng sinigang ni Dale.

Hindi marunong magluto ang asawa pero dahil nalaman nito na paborito nya iyon ay nag-aral si Dale.

Nagpaturo ito sa mama Cathy nya para makuha ang saktong timpla.

Maraming beses na nasugatan at napaso ang asawa nya dahil doon.

Hindi nya namalayan na nakahain na sa harap nya ang sinigang na niluto ni Lexie.

"Love...love kain na!"

"Ah okay!" at nag-umpisa na syang sumubo.

Pero bigla nyang niluwa ang sinigang.

"What's wrong love?" alalang tanong ni Lexie.

"Nasobrahan sa asim..."

"Huh?" tinikman ni Lexie ang sinigang na niluto nya.

"Pero wala naman akong binago sa timpla ko. This is how you always liked it!" naguguluhan na sabi ni Lexie.

Tumayo na si Edward sa kinauupuan.

"Maybe I just don't feel well." pagdadahilan na lang ni Edward.

"Oh okay..." dismayadong sabi ni Lexie.

"I'll just take a shower." sabi ni Edward at dumiretso na sa kwarto.

Itinabi nya muna sa cabinet ang envelope saka tumungo sa banyo.

He turned on the cold shower.

Hoping the cold water will wash away his unbidden thoughts.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login