Download App
79.74% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 63: Chapter 63

Chapter 63: Chapter 63

My Demon [Ch. 63]

 

Sa isang exclusive hotel ginanap ang birthday ni Demon. Talk about him, kanina ko pa siya hindi nakikita. Ngayon ko pa naman siya . . . alam niyo na.

Maraming taga-Fuentalez High ang invited. Karamihan sa mga bisita pasosyalan at pabonggahan ng mga suot. Mapababae man or mapalalaki.

Sabay kaming nagpaayos kanina ni Tita Juliet. She insisted na isama ako sa Parlor para ayusan, pati na rin ang gown na isusuot ko ay sagot na niya. Hiyang-hiya nga sa kanya si Mama kanina nung sinundo niya ako sa bahay. Sabi naman ni Tita Juliet, wag daw mahiya kasi parang anak na daw niya ako.

Halata ang pagkasabik ni Tita Juliet sa anak na babae.

"May I have this dance?" May kamay na nakalahad sa harapan ko. At nang tumingala ako para makita siya, nalaman kong siya si Kuya Kyle.

Nilingon ko si Angelo para magpaalam, kaso todo titig siya kay Kuya Kyle. Halos magningning pa ang mga mata niya dahil sa kagwapuhan ng Kuya ni Demon.

Hay nako. Ang gwapo gwapo ni Angelo ngayon tapos...

Humarap na ulit ako kay Kuya Kyle tapos nginitian siya. Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo.

Nagpunta kami sa dance floor at sumayaw.

"Have you seen him?" he asked habang nagsasayaw kami.

"Sino?" patay-malisyang balik tanong ko.

"The birthday boy." He grinned.

I pouted before answering, "Hindi pa."

Nasaan na ba kasi siya? Kaninang umaga nagtext pa siya sa'kin na: Kapag hindi ka pumunta susunugin ko buhok mo! tapos ngayong nagpunta ako siya naman ang di nagpapakita.

"I'll take you to him," he murmured. Ang creepy ng smile niya ngayon. "In just one," nagsimula na siyang magbilang. "Two." Tinaas niya ang isa kong kamay tapos pinaikot. "Three." Binitawan na niya ako at pinasa sa iba.

Dub dub. Dub dub.

 

Hindi ko man tingnan kung kanino niya ako pinasa, sa gwapong amoy palang, sa bilis palang ng tibok ng puso ko, kilalang-kilala ko na agad kung sino siya.

I glanced up and saw a fierce alluring man smiling breathtakingly. He was the one who's leading the dance, gentle and romantic.

I returned his smile. Sobraaaang gwapo niya ngayon. Sabi nila turn off sa lalaki ang may hikaw sa tenga, pero bakit pagdating sa kanya ang cool tignan?

"Hi, Beautifully Cute," he mumbled. Not taking away his smile.

"Hi rin, Sexily Handsome." I giggled.

Is it real? Or I was just dreaming that there is one mesmerizing guy who fell under my charm? Please don't take me away in this dream if it is.

Huminto na ang kanta kaya tumigil na kami sa pagsayaw.

"Wait lang, Demon. Ibibigay ko sa'yo yung gift ko." Tumalikod ako at aalis na sana para pumunta sa table namin ni Angelo kasi nandoon yung regalo ko sa kanya, ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghatak sa aking braso.

"Gumastos ka pa?" Salubong ang mga kilay niya. Teka, galit ba siya na may regalo pa ko sa kanya?

"Oo naman. Bakit?"

May mahabang decorated-table para sa mga regalo sa celebrant pero hindi ko isinama ang akin doon. Gusto ko kasi ako mismo ang mag-aabot ng regalo ko kay Demon.

Kaso mukhang ayaw pa niya na may regalo ako sa kanya. Gaya ng sabi ko, magkasalubong na naman ang mga kilay niya. Looking annoyed pa.

"Dapat hindi ka na gumastos. Nag-aksaya ka lang ng pera. Isa lang naman ang gusto ko eh."

Namula ako sa sinabi niya. Hindi ako slow ngayon. Gets ko kung ano ang tinutukoy niya.

Hinila niya ako palapit lalo sa kanya. Dahan-dahang siyang yumuko hanggang sa one inch nalang ang pagitan ng mukha niya sa akin.

Yuyuko sana ako pero hinawakan niya ako sa chin para panatilihing nakatingala ako sa kanya.

Naman! Ngayon na ba niya nanakawin ang second kiss ko? Waah! Wag naman dito! Ang daming tao eh.

Napapikit nalang ako kasi lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa'kin. At kahit nakapikit, nakikita ko pa rin ang napakagwapo niyang mukha. His serious look, his kissable lips and even his diamond earrings na kumikinang lalo na kapag natatamaan ng liwanag. Everything of him that I'd saw before I shut my eyes.

Suddenly...

"Sapat na'ng pumunta ka," sabi niya malapit sa tenga ko.

Parang may kuryenteng dumaloy sa balat ko nang dumapo ang mainit niyang hininga sa earlobe ko. Dinilat ko na muli ang aking mga mata.

Huwaa! Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang hindi ako slow ngayon.

"What was that? Are you expecting some more?" He was grinning from ear to ear.

"Di ah! Napuwing lang ako kaya napapikit ako," palusot ko. Sana bumenta.

"K. Fine. Sabi mo eh."

Inakbayan niya ako at giniya papunta sa veranda ng hotel. Habang naglalakad kami, ang daming bumabati sa kanya ng "Happy Birthday". At lahat sila tumitingin sa'kin tapos sa braso ni Demon na nakaakbay sa'kin. Sa boys, tinatapik si Demon sa balikat as if saying, "Nice, Dude!". Habang sa girls, ina-up and down ako ng tingin tapos palihim akong tatarayan. Hmp! Mga inggit lang sila!

"Demon, kukunin ko na kasi muna yung regalo ko sa'yo,"pagpupumilit ko. Pero kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko, ayaw niya kong bitawan.

Nasa veranda na kami. Parehong nakatayo malapit sa railings. Siya nakatingin sa kawalan habang ako nakatingin sa kanya. Hawak-hawak pa niya ako sa wrist. Talagang ayaw niya kong paalisin.

"Dito ka lang," deklara niya. Nakatingin pa rin siya sa malayo.

Napasimangot nalang ako. Hindi man kamahalan ang regalo ko sa kanya, alam kong matutuwa siya doon. Kaya nga excited na excited akong ibigay sa kanya yun.

Tumingin nalang din ako sa malayo tulad niya. Halos nakikita ko ang ganda ng buong syudad: ang mga ilaw ng iba't-ibang buildings at kung anu-ano pa. Ang ganda! Ang sarap mag-picture at iyon ang background.

Malamig ang simoy ng hangin, pero biglang nag-init ang mga pisngi ko nang lumipat ang kamay ni Demon mula sa wrist ko pababa sa mismong kamay ko. He locked his fingers against mine.

Pasimple ko siyang tiningnan nang hindi ginagalaw ang ulo ko. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa malayo tila may malalim na iniisip.

"You know what," paninimula niya. At sa wakas ay tumingin na saakin. "I have so much more to say, but . . ." He paused, ran his hand through his styled and waxed hair, then looked away briefly. "Darn. I don't where to start and how. I just know and feel that I'm in love with you. That's it."

That words of him, the way he gazed at me in the eyes: made my heart beat faster. Noon nagtataka ako kung bakit kapag ngumingiti siya, nanghihina ang mga tuhod ko at kinakabahan ako. Ngayon alam ko na ang sagot­─ because I was already trapped on his spell without me knowing it.

Akala ko noon takot ang nararamdaman ko kasi kinakabahan ako. Ayun pala, sadyang bumibilis lang ang tibok ng puso ko.

Naco-cornihan ako sa mga novels na nababasa ko na may: bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya at kung anu-ano pang line na may kinalaman sa pagbilis ng heart beat. Pero totoo pala. Nangyayari pala ang kacornihang iyon sa reality, hindi lang sa fairytale or fiction novels.

"I love you," he muttered. Finally, in person.

Kakaiba pala ang feeling kapag sa personal ito narinig at sinabi. Mas malala.

 

Sheet of paper! Para na kong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. I now understood the difference between like and love.

I smiled. Perhaps it is the right time to confess. In person, and only the two of us.

"Demon," I called his name with a low voice. "May sasabihin ako sa'yo."

Lalong umaliwalas ang mukha niya. At lalong tumamis ang ngiti niya. Mukhang may idea siya kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim at saglit na pumikit para kumuha ng lakas ng loob. Naramdaman kong lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Halatang excited sa sasabihin ko.

"I─" I was interrupted.

"Keyr."

Halos magkasabay kaming tumingin ni Demon sa pinanggalingan ng mala-anghel na boses na iyon: sa sliding-glass door.

Parang may nakawalang model sa magazine ang nakatayo doon. She was beaming at Demon who's startled at the moment.

"Jia?" Bakas sa mukha ni Demon na hindi makapaniwala sa nakikita niya.

 

Jia. Siya ang tinutukoy ni Tito Romeo na nakapagpabago kay Demon. Ang dahilan kung bakit naging malungkot si Demon the day mismo ng graduation nito.

Lumapit si Jia kay Demon at sinalubong ito ng yakap. "Gosh, I missed you so much, Keyr! Happy happy birthday!" bati nito habang nakayakap sa nakatulalang si Demon.

Nang makabawi, dinistansya ni Demon ang sarili mula kay Jia, tumingin sa'kin pagkatapos nilapitan ako.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "May sasabihin ka sa'kin, diba? What is it? Tell me." Kung  tingnan niya ako ngayon ay parang may hinihingi.

Tumingin ako sa likuran niya, kay Jia. Nakatingin din ito saamin, worried-look on her face. Alam ko kung ano ang ikinababahala niya.

I flashed a fake smile tapos tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Ano─ oo. M-may sasabihin pala ako sa'yo." Katulad ng ngiti ko, tumawa ako ng pilit.

Bakit ba ganito? Bakit nag-iinit ang gilid ng mga mata ko at nanlalabo pa?

Demon stared at me expectantly, hinihintay ang aking susunod na sasabihin.

"Uh . . . ano . . . h-happy birthday nga pala. Hehehe. Hindi kita nabati kanina eh." Inikot ko ang paningin ko para hindi niya mapansin na naluluha ang mga mata ko.

Bumagsak ang mga balikat niya. "Ayun lang ba?" He sounded disappointed.

Tumango ako. "Sige, babalikan ko na si Angelo. Baka kanina pa niya ko hinahanap."

Hindi naman siya sumagot o kahit tumango manlang. Nakatingin lang siya sa'kin na parang may sinasabi kaso hindi ko maintindihan kung ano iyon. Dahil siguro sa napakaraming tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Nandito na si Jia─ ang pinakaunang babaeng na-involve kay Demon.

Tumingin ako kay Jia at nginitian siya bago tinapik si Demon sa braso as a sign of excusing myself. Dahan-dahan akong tumalikod at pumasok sa loob.

Bago pa man ako makapunta kung nasaan ang mga bisita, nilingon ko silang dalawa. Nagsasalita si Jia. Marahil nagpapaliwanag siya kung bakit siya umalis nang hindi nagpaalam kay Demon.

Maya-maya, umiyak si Jia. At kitang-kita ko kung paano siya lapitan ni Demon at yakapin. He even buried her head against his chest.

"Tara na, Sistar. Uwi na tayo," pagyaya sa'kin ni Angelo. Nakatayo siya sa harapan ko at nakangiti. Alam kong nakikita niya sa likuran ko ang magkayakap na si Jia at Demon pero hindi niya iyon pinapahalata. Instead, nakangiti pa siya saakin na parang walang nakikita sa likuran ko.

I smiled at my best friend weakly.

Magkatabi kaming nakaupo sa back seat. The miracle was that ang tahimik niya. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa katabing bintana. Mas senti pa siya kaysa saakin.

Alam kong may pagsisisihan ako sa ginawa kong desisyon ngayong gabi. But the way I remembered how Demon reacted on Jia's presence, sigurado akong hindi mali ang naging desisyon ko. Well, sana nga.


CREATORS' THOUGHTS
envieve envieve

PLEASE READ THIS NOTE. IMPORTANT.

In every 20 comments and reviews, I will update a chapter. Let's help to make this story be chosen for Webnovel Spirity Awards.

So please vote, comment and post a review. Thank you. ❤❤❤

next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C63
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login