Download App
46.15% Mature Enough (COMPLETED) / Chapter 6: Chapter 4

Chapter 6: Chapter 4

Chapter 4

Wala sa sarili akong sumasabay lamang sa pagsayaw ni Von sa akin. Nasa gitna kami at maraming tao ang nagsasayaw bukod sa aming dalawa ni Von. Napaka-soft ng music, 'yung tipong aantukin ka na dahil sa soft nito.

Pero kahit papaano ay may naitulong ang musika na 'yon para mapakalma ko ang puso ko na sobrang lakas ng pintig.

"You're so beautiful," napatingin ako kay Von noong sabihin nya iyon. Dumoble ang lakas ng tibok ng puso ko sa kanyang sinabi.

Napaawang ang labi ko at gusto kong magsalita, pero tila nawalan ako ng boses sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya 'yon!

"Wala akong piso. Tigilan mo ako, Von." At sa sandaling banggitin ko ang kadalasang tawag sa kanya, umangat ang labi nito at saka bahagyang tinagilid ang ulo.

"First time, tinawag mo ako sa pangalan ko." Mukha syang tuwang tuwa dahil nakangiti na ito, labas pa ang mapuputing ngipin.

Inirapan ko na lamang sya at hindi na nagsalita pa. Kung alam lang nya kung ilang beses ko ng tinawag ang pangalan nya sa isipan ko...

"Seriously, Irene. You're so fvcking beautiful." Muli, napaangat ang mga mata ko at naramdaman ko ang pag-iinit ng tainga ko.

Ito nanaman ang puso ko, kumakalabog nanaman ng sobra. Pero bakit ganon? Masamang magmura, pero pag sya ang nagmumura, ang sexy pakinggan?

Wala ako sa sariling napangiti at napailing dahil sa naisip ko. Tinignan ko si Von, sinabayan ko ang mga mata nyang nakatitig sa akin na tila kinakabisado ang bawat detalye ng mukha ko.

"Can I ask you something, Irene?" Napalunok ako bago dahan dahang tumango.

"Can i Court you?" Napatigil ako sa pagsayaw, maski si Von ay napatigil na rin ngunit nakahawak parin sya sa bewang ko at ganon din ako sa kanya.

Napakurap kurap ako. Teka, ano daw?

"Matagal ko na talagang gustong sabihin 'to, Irene. I like you." Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Totoo ba ito? Umamin ba talaga sya sa akin? Baka naman trip nanaman nya 'to.

"H'wag ka ngang magbiro ng ganyan, Von." Umiling ito at mas lalo lamang akong hinapit palapit sa kanya.

Shit. Lalo akong malalagutan ng hininga sa ginagawa nya. Aatakihin ako sa puso!

"Do i look like I'm joking?" Napakurap kurap na lamang ako bago humunga ng malalim.

Gusto ko si Von, alam ko 'yun sa sarili ko. At sobrang saya ko ngayon na umaamin sya sa akin, napangiti ako bago tumingin kay Von.

"I like you too, Von." Mahinang sabi ko at agad akong pinamulahan ng mukha noong makita kong umangat ang kanyang labi.

Shocks! Sinabi ko ba talaga 'yon? Paano kung joke lang yung mga sinabi ni Von, edi patay ako nito.

"So..." Tinulak ko sya ng bahagya at inayos ang gown ko.

"Hindi no! Manligaw ka muna, patunayan mo sa akin na gusto mo ako." Hamon ko sa kanya kaya naman napangiti ito. Medyo nakaramdam tuloy ako ng hiya sa klase ng ngiti na pinakita nya.

"Ano bang gagawin ko, to prove you that i like you? Should I fetch you every morning? Tell me, gagawin ko." Desidido talaga ito dahil sa seryoso ang pagkakasabi nya dito.

Ngumiti ako at saka lumapit sa kanya. Binalik ko ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat at iginaya sya sa pagsasayaw. Nakatingin lamang ito habang naghihintay sa magiging sagot ko.

Actually, naisip ko na 'to. Matagal ko ng pinag-isipan 'to. Matagal ko na rin naman kasing alam na gusto ako ni Von, pero ayaw kong maniwala dahil sa mga kinikilos nya na pangungulit sa akin.

Aksidente ko kasing narinig ang pag-uusap ni Von at ng isa nyang kaibigan sa Locker room. Hindi naman sana ako makikinig kung hindi ko lang narinig ang pangalan ko na nadawit.

Tinitigan ko si Von. 'Yung mga singkit nyang mata na madalas inaantok, yung matangos nyang ilong na siya rin 'atang naka-akit upang magustuhan ko si Von. Tapos 'yung mapupula nyang labi. Idagdag mo pa 'yung personality nya na lagi lang syang positive.

"Nalaman ko na Rank 1 ka palagi dati..." Nakangiti kong pagsisimula. Napansin ko na natigilan si Von at napakunot ang noo.

Hindi ko na maiwasang hindi ngumiti ng todo dahil sa naging reaksyon nya. Tila sinasabi ng mukha nya na 'Don't tell me--?'

Tumango tango ako at saka nagsalita bago pa nya ako pangunahan.

"Gusto kong maging Top 1 ka ulit ng VWIS. Magagawa mo ba 'yon, Von?" Tanong ko sa kanya. Napatigil ito at tinignan ako na tila hindi makapaniwala sa tinatanong ko.

Bumuntong hininga ito bago sumagot.

"Sure ka? Baka mawala 'yung scholarship mo kapag nagseryoso ulit ako." Sinapak ko sya ng mahina sa kanyang mukha na bahagya naman nyang ikinatawa.

Grabe. May pagka-mahangin din pala itong si Von minsan.

"Hindi mawawala scholarship ko, Von. I-maintain ko lang 'yung average ko ng 87, scholar parin ako ng VWIS. Pero ikaw, isipin mo naman 'yung hirap ng family mo para pag-aralin ka. Para rin naman sa future mo 'yon eh."

"So, future na agad ang tinitignan mo." Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa nang-aasar na ngiti nito.

"Pero Irene, nasa past ko na 'yon. Hindi ko alam kung---"

"Edi 'wag kang manligaw kung hindi mo kayang mag-aral." Diretso kong saad sa kanya kaya naman napabusangot ito at walang ibang magawa kundi ang hindi tumanggi sa sinabi ko.

Napangiti naman ako. Tignan natin kung gaano katalino 'tong si Vrent Onesei Williams.

-

Monday. Maaga akong pumasok para makapag-review para sa mangyayaring Long Test mamaya sa Math. Ayoko ng Math, hate ko ang subject na 'yon. Pero nagustuhan ko ang mga numero dahil sa science. Weird, diba?

Pero ang mas weirs ay noong makita ko si Von na naka-upo sa lamesa ng Teacher at sa harapan nito ay may binabasang makapal na libro---wait. Libro. Libro?!

Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan syang nagbabasa habang may suot na salamin. Seryoso ito. Kung tatanungin ako kung si Von ba na tamad mag-aral ang nasa harapan ko, hindi ko maiisip na si Von 'to.

"Von," tawag ko sa kanya kaya naman tumingin sya sa akin, ngumiti bago tumayo upang lumapit sa akin.

Hindi nya tinanggal ang salamin na suot nya. Bagay naman sa kanya. Ang totoo nga, mas gwapo sya para sa akin kung nakasuot sya ng salamin. Mas mukha syang matino kesa noon.

Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Pero nasanay na ako doon dahil tuwing malapit sa akin si Von ay laging ganito kalakas ang tibok nito.

"Hey," ngumiti ako sa kanya at saka sinilip ang binabasa nya noong makalapit ako sa lamesa na inuupuan nya.

Teka, advance? Nag-a-advance reading ba sya? Tinignan ko si Von na nagtataka bago tinuro ang libro.

"May Long Test mamaya sa Math. Mag-review ka muna, saka mo na 'yan basahin." Sabi ko sa kanya at saka hinalungkat ang notes ko't binigay iyon sa kanya.

Ngunit tinanggihan nya iyon. Ngumuso ako. Natawa ito at pinakita ang isang blue na notebook.

"Nanghiram na ako kay Uno. Mag-review ka na." Sagot nito at saka ginulo ang buhok ko.

Pinaghila nya ako ng upuan habang ako ay nakatingin lamang sa kanya habang naupo na sya't nagsimula na ulit magbasa. Napansin nya siguro na hindi pa ako umuupo sa tabi nya kaya naman tumingin ito sa akin at tinapik tapik ang tabi nyang upuan.

Bumalik ako sa reyalidad at agad na kumilos upang maupo sa tabi nyang upuan. Wala na pala akong oras para pagpantasyahan si Von.

Habang nagbabasa at ginagawa ang iilang mga tanong, kinagat ko ang dulo ng aking ballpen noong may isa akong equation na hindi naintindihan. Kumplikado ito at medyo hindi ko rin nasundan kaya nahihirapan ako.

"May Problema ba?" Tumingin ako kay Von bago tinuro ang equation na hindi ko naintindihan.

Ngumiti ito sa akin. Akala ko kung anong gagawin nya noong nilapit nya ang upuan nya sa akin at kinuha ang ballpen na hawak ko.

Napaawang na lamang ang labi ko noong magsimula nya itong ituro sa akin.

Hindi ako makapag-seryoso. Nadi-distract ako dahil halos hindi ko na makilala ang dating Von sa kanya na makulit, seryoso na ito ngayon at mukhang tinutupad ang sinabi ko sa kanya.

"Irene, nakikinig ka ba?" Wala sa sariling napailing ako. Narinig kong bumuntong hininga ito at tumingin sa akin.

Napungos naman ako. "Hindi lang ako sanay na ganyan ka." Sabi ko sa kanya kaya naman nagpakawala nanaman ito ng buntong hininga.

"Do you want me to stop now? Magugulantang ang mga tao, kapag naging top 1 ulit ako." Umiwas ito ng tingin sa akin kaya ako naman ang bumuntong hininga.

Umiling ako sa kanya. "Alam kong kaya mo. Medyo na-shock lang ako na alam mo pala 'yung mga leasons natin, kahit lagi kang tulog." Saad ko sa kanya na ikinabuntong hininga ulit nya.

"Ganon na ba talaga ako hindi nag-aaral dati?" Tumawa ako sa kanya ng bahagya dahil sa reaksyon nito.

Ngumiti ito sa akin at saka tinuro ang sinasagutan ko. Tinignan ko naman iyon at binalik ang tingin kay Von.

"You still have 20 minutes to review." Tumango ako at bumalik sa pagre-review ng mga hindi ko naintindihan na equation na naipaliwanag naman na sa akin ni Von.

Pasulyap sulyap ang ginagawa kong pagtingin kay Von upang masiguro na nag-aaral ba talaga ito. At tuwing nakikita kong kumukunot ang noo nya sa binabasa nya ay hindi ko na lamang maiwasang hindi mapangiti.

-

"Williams," kumalabog ang dibdib ko noong marinig ko ang apilyedo ni Von na tinawag ni Mrs. Kris.

Halatang natigilan ito kaya napatingin ako kay Von na seryoso at mukhang kalmado naman. Huminga ako ng malalim, this is it. Malalaman ko ngayon kung paano magseryoso ng pag-aaral si Von.

"59." Napakurap kurap ako. At sa sinabi na iyon ni Mrs. Kris ay tila may dumaan na anghel dahil nanahimik ang lahat ng mga kaklase namin.

"He got the highest score. Ipagpatuloy mo lang 'yan, Williams." Nakangiting saad ni Mrs. Kris at binasa na ang susunod na papel.

Highest sya. Napangiti ako. Siguro seryoso sya sa sinabi nya sa akin na kapag sya nagseryoso sa pag-aaral, mawawala ang scholarship ko. Natawa na lamang ako.

-

Written by Chewzychick


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login