Download App
33.33% Liwanag ng Anino / Chapter 4: Kabanata #4 Kamot Pisngi

Chapter 4: Kabanata #4 Kamot Pisngi

Maluha-luha at dahan-dahan ang lakad ko palabas ng room ni bebe Kim.

"Gino!!" sigaw ni Kim sakin habang nakakulot ang noo ko palabas ng pintuan ng room nila. Nilinggon at tumitig lang ako sa kanya.

"San ka pupunta? Hintayin mo naman ako" nakangiti habang hinahanap ang wallet niya sa bag niya. Kung di lang ako nafall sayo kanina sa jeep hindi kita papansinin eh.

Sabay kaming bumaba nang hallway at pumunta sa canteen. Kahit kasabay ko siya, di ko parin maalis ang gulat at inis sa nakita ko kanina, kaya hindi ko nalang siya malingon at makausap.

Pero ano nga bang magagawa ko? wala akong karapatan magselos, kase WALA NAMANG KAME, tsaka dapat expected ko na yung mga ganung bagay lalo na sikat at kilala tong bebe Kim ko.

Habang naghahanap ng pwesto na pwede naming upuan ng bebe Kim ko, bigla niya akong tinitigan at tinanong.

"Huy! Pansinin mo naman ako! Bakit ba di mo ko pinapansin?" makulit niyang tanong sabay nguso at simangot sakin.

Kinikilig ako pero ayokong pahalata, kaylangan kong i-maintain ang seryoso kong muka para di niya mahalatang nagseselos ako sa nakita ko kanina.

"Ayun!! Tara dun tayo!!" sabi ko sabay turo sa bakanteng lamesa. Agad akong naglakad, ngunit may pumigil at humawak sa braso ko. "Hindi tayo pupunta dun hangga't di mo sinasabi kung 'bat hindi mo ko pinapansin!" nakanguso at nakakulot ang noo ni Kim na parang bata.

Napa-ngiti nalang ako sa kilig. Halos ilang oras pa lamang kami nung magkakilala, pero yung feeling parang ilang taon na.

"Wag mo nga ako ngitian dyan Gino!! Sumagot ka!!" inis na sabi ng cute kong bebe Kim. "Wala" sabay tawa kong mahina na lalong nagpainis kay Kim.

Habang iniinis ko ang bebe Kim ko, dahan-dahan ko din siyang hinihila papunta sa bakanteng lamesa na nakita ko.

"Tabi nga!! Salamat sa lamesa" tulak ni Lennard sakin na nagdulot nang pagkakasubsob at DI KO SINASADYANG pagkayakap ko kay Kim.

"Na-appreciate ko ang pag reserba mo para samin Demonyo" mayabang na bigkas ni Lennard, sabay ng paghalakhak ng mga tropa niya.

Nanahimik na lang ako at naghanap ng ibang bakanteng lamesa, sanay na ko sa ugali ng mga kupal na yan.

"Nasaktan ka ba, Gino?" nag-aalala at gulat niyang tanong sakin. "Yaan mo nalang siya, hanap nalang tayong ibang lamesa" dedma kong banggit.

Nakita ko sa mata ni Kim ang pag-alala at pagkainis sa ginawa sakin ni Lennard. Kinilig ako dahil sa nakita kong pag alala niya.

Iki-kiss na kita dyan ih ;>

"Hoy!!" sigaw ni Kim kay Lennard na may kasama pang duro sa mukha.

"Oh! Hello Kim ganda! Anong maipaglilingkod ko sayo, mahal?" mayabang na tanong ni Lennard kay Kim "Bakit mo tinulak si Gino?" galit at inis na inis na sabi ni Kim kay Lennard.

Natuwa ako sa ginawa ni Kim, pero kinabahan parin ako dahil baka anong gawin nila Lennard sa kanya.

"Yaan mo na Kim, tara na" mahinahon kong singit sa pagsasagutan nilang dalawa "Ipinagtatanggol mo yang demonyong yan? Come on, Kim Ace Deniste, sumama ka sa tunay na lalake, di tulad niy-" yabang na sabi at pangaasar ni Lennard, ngunit napigil ito nang masampal siya ni Kim.

*slap*

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Kim, kahit ako.

"Sa oras na saktan mo si Gino ulet, pamamagain ko yang mukha mo!!" sigaw niya sa mapulang pisngi ni Lennard.

Agad ko nang hinila at inilayo si Kim kay Lennard, kilala ko yun, pwedeng saktan niya or bastusin niya si Kim, hindi ko naman hahayaan yun.

"Sa quadrangle nalang tayo tumambay at kumain" ika ko habang dala ko ang mga pagkaing binili ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login