Download App
72.76% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 155: Hindi Tama Ito

Chapter 155: Hindi Tama Ito

"Huwag!"

"Pakiusap!"

"Huwag mo akong lapitan!"

"Utang na loob!"

Nagmamakaawang pakiusap ni Issay kay Anthon.

Umiiyak ito habang nagmamakaawa sa kanya.

Huminto si Anthon sa paglakad ng madinig ang pagmamakaawa ni Issay.

At kitang kita nya sa mga mata nito muli ang takot sa kanya na ayaw nyang makita dahil tila nagiging isang bangungot na sa tuwing napapapikit sya ay naaalala nya.

'Hindi tama ito!'

Sabi nya sa sarili.

Ayaw nyang ito ang maalala nya sa tuwing maiisip nya si Issay.

At ayaw nya ring laging natatakot sa kanya si Issay.

'Hindi maari ito!'

'Ano itong nagawa ko sa Mahal ko!'

Naiiyak ito habang pinagmamasdan si Issay.

Napaluhod siya.

Anthon: "Patawad Issay!

Patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko!"

Nagulat si Issay ng madinig ang paghingi nito ng tawad at ng imulat nito ang mga mata at nakitang nakaluhod, tila nabawasan ng kaunti ang takot nya.

Anthon: "Hindi kita sasaktan.

Nagpunta lang ako dito para kamustahin ka at humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa'yo!"

"Patawarin mo sana ako, Mahal ko, kung naging mahina ako!"

Issay: "Kaya kitang patawarin Anthon, hindi ako mapagtanim ng galit, pero ..... hindi ko kayang kalimutan ang ginawa mo.

Hindi ko ito gusto ngunit sa tuwing nakikita kita o kahit madinig ko lang ang boses mo bumabalik muli ang ginawa mo sa akin!"

Anthon: "Kung kinakailangan humingi ako ng tawad paulit ulit gagawin ko, patawarin mo lang ako sa kahinaan ko!"

Issay: "Hindi ko kailanman hiniling sa'yo na maging malakas ka Anthon, ang tanging hiniling ko lang sa'yo ay hayaan mo akong tulungan ka para maging malakas ka!"

Gustong lapitan ni Anthon si Issay at akapin pero hindi nito magawa dahil baka muling bumalik ang takot na takot na mga mata ni nito.

Nanatili syang nakaluhod at umiiyak.

Issay: "Bakit mo ba ako gustong pakasalan, Anthon? dahil ba sa babae lang ako, isang trophy wife na magiging magandang dekorasyon sa tabi mo? Ito ba ang dahilan kaya sinusuyo mo ulit ako?"

"Kung ganito mo rin lang ako gustong maging asawa, kahit mahal kita, hindi ko matatanggap!"

Anthon: "Pangako, Issay, hindi na kita muling sasaktan!"

"Kung kinakailangan na suyuin kita muli sa umpisa, gagawin ko ... Maibalik ko lang muli ang tiwala mo! Payagan mo sana ako!"

Hindi masagot ni Issay si Anthon, hindi nya sigurado kung paano nya muling matatanggap ito.

Mukhang kinakailangan nyang gamutin muna ang sarili nya upang maghilom ang sugat para muling matanggap nya si Anthon sa buhay nya pero .... hindi nya tyak kung kaya nyang magamot ang tiwalang nasira nito.

Maya maya may nadinig na silang ingay sa labas.

Samantala sa labas...

Kanina pa kinakabahan si Nelda, nataranta ito ng bigla syang pwersahang palabasin ng silid ni Anthon at pagsarhan ng pinto kanina.

Hindi nya kilala ang taong iyon pero hindi nya makakalimutan ang takot na takot na itsura ni Issay bago sya mapalabas ng pinto.

Nelda: "Ms. Onse anong gagawin natin? Naiwan doon si Sabel!"

Ms. Onse: "Bakit?"

Nelda: "Hindi ko alam pero kinakabahan ako ng makita kong takot na takot si Sabel sa kanya!"

Ms. Onse: "Pero si Sir Anthon iyon, isa sa mga shareholders ng kompanya at balita ko iyon ang fiancé nya!"

Pero hindi mapakali si Nelda. Hindi nya makalimutan ang itsura ni Issay kanina.

Tinawagan nya si Edmund para humingi ng tulong.

Nelda: "Edmund Iho, may nangyari kasi at kinakabahan ako!"

Edmund: "Ano po yun Tita! Nasaan po kayo ngayon?"

Kinakabahang tanong nya.

Nelda: "Nasa opisina kami ni Sabel at may dumating na lalaki, Anthon daw sabi ni Ms. Onse. Tapos itinaboy nya ako palabas ng silid ay nag lock ng pinto kasama si Sabel sa loob! Anong gagawin ko mukhang takot na takot si Sabel sa kanya!"

Edmund: "Wag po kayong magaalala Tita papunta na po ako dyan tatawag na rin po ako ng security!"

Alam ni Edmund na walang gagawin ang security dahil kilala ni Anthon ang mga ito kaya mas mabuting magtungo na rin sya doon.

Pagakyat ng security na tinawagan ni Edmund, kinatok nito ang pinto ng silid ni Issay.

"Mam Isabel, okey po ba kayo dyan?"

Anthon: "Okey lang kami dito, makakaalis ka na!"

Nang madinig ng security ang boses ni Anthon, nagpaalam na ito.

Hindi pa tapos kausapin ni Anthon si Issay kaya ayaw nya munang maistorbo.

Pero iba na ang nararamdaman ni Issay, nahihirapan na syang huminga sa sobrang tagal nilang magkasama ni Anthon sa isang silid. Pinagpapawisan na ito ng malapot.

Issay: "Utang na loob Anthon, pwede bang sa ibang araw na lang tayo magusap. Hindi ko na kaya..."

Hindi alam ni Issay na inaatake sya ng nerbyos.

Anthon: "Hindi! Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako napapatawad at sana maniwala kang magbabago na ako, kaya bigyan mo sana ako ng pagkakataon!"

Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Edmund kasunod si Nelda at si Ms. Onse.

Nakita nyang nakaluhod si Anthon sa harapan ni Issay. Ngunit iba na ang itsura ni Issay, nanghihina at unti unti ng natutumba ito.

Nelda: "Edmund, si Sabel!"

Dali dali itong nagtungo kay Issay upang saluhin ito bago tuluyan matumba.

Edmund: "Ano ka ba Anthon, kelan ka ba magiging sensitibo sa kalagayan ni Ate Isabel? Hindi mo ba alam na pinahihirapan mo sya sa tuwing nakikita ka nya!"

Edmund: "Ate Isabel.... Ate Isabel?"

Ngunit tuluyan na itong nawalan ng malay ng maramdaman ang presensya ni Edmund.


CREATORS' THOUGHTS
trimshake trimshake

"If you love me like you tell me, please be careful with my heart.

You can take it, just don't break it, or my world will fall apart....."

2.

next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C155
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login