Download App
62.5% Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 40: Kabanata 39: Execution (1)

Chapter 40: Kabanata 39: Execution (1)

-----

Maririnig ang mga yabag nang paa habang naglalakad ang labing anim na tao at limang halimaw sa hagdanan papunta sa ikatlong palapag ng grade 11 building.

Taliwas sa nakasanayan ay hindi maririnig ang nakasanayang tawanan at halakhakan. Seryoso ang mukha ng karamihan sakanila ngunit mapapansin ang bahid ng pagkasabik sa kanilang mga mata.

Ito na ang araw kung saan nila binabalak na paslangin ang Vampire Queen na si Corazon. Nakahanda na ang mga puso at isipan nila na maaring magkaroon ng aksidente sa kanilang dungeon raid pero sa isip ng karamihan ay ito na ang pinakamalaking laban na kanilang kakaharapin kaya naman kahit na kinakabahan at may takot ay wala nang atrasan pa ang tagpong ito.

Nagkatinginan ang isang partikular na lalaki at babae. Nilingon nila ang nahuhuling player at tumango silang dalawa, naramdaman ito ng nahuhuling player at humigpit ang pagkakasara ng kanyang bunganga. Nakayuko siya at nagtatalo ang isipan kung itutuloy niya pa ba ang kanyang binabalak. Umiling-iling siya at ibinuka ang kanyang bibig para magsalita.

Bago pa lumabas ang boses sa lalamunan niya ay may naunang nagsalita sakanya, "Handa na ba kayo? Kung gusto niyong hindi muna ituloy ang gagawin natin ay pupwede namang pag-usapan muna natin ulit." Boses ni Ma-ay ang narinig nila.

"Bitches are my exps!" Anim na boses ang magkakasabay na narinig.

"That's right people! Magpapataas tayo ng mga levels ngayon!" Nagpasiya na si Hiraya na ngayon ang araw na tataas ang level niya, kailangan na niyang ma-conquer ang spawn point ng mga vampires at maghanap ng panibagong lupon ng mga monsters. Masigla niyang isinigaw ang mga sinabi niya at lalong nagningning ang mga mata ng mga naunang nagsalita.

Dumiin na sa mga kokote ng mga survivors ng amphitheater na kayang kaya nilang talunin ang mga bampira. Matapos ang huli nilang pagsasanay ay alam na nila ang galaw, paraan ng pag-atake, gaano kabilis, saan at ano ang kahinan ng mga bampirang kinakalaban nila nitong mga nakaraang araw at gabi.

"Wag na kayong mag-alala, andirito naman si Manoy kaya kahit na anong mangyari ay magiging ligtas tayong lahat!" Ani Kuntapya habang nakataas ang kamay niya sa ere at iwinawagayway ang kanyang short sword.

"Oo nga, si Manoy na ang bahala sa Vampire Queen at tayo naman ang bahala sa mga Vampire Dukes at mga Vampire Knights." Si Barolyo naman ang nagsalita. Gusto niyang madagdag sa libro niya ang mga katangian, kapangyarihan at kakayahan ng mga halimaw na bampira.

"Eh papaano yung Vampire Underlings?" Takang tanong ni Tasyo.

"Wag mo nang alalahanin ang mga iyon Tasyo, kaya ko silang suntukin papunta sa langit palabas ng dungeon nato!" Pagbibida ni Biloy, sa mga nakalipas na araw at gabi ay tumaas ng tumaas ang kompyansa niya sa sarili dahil sa pagtaas ng kanyang level at skills.

Hindi na napigilan ni Dilan na manlumo. Gaya ng kinakatakutan niya ay na-brainwash na ni Manoy ang mga kasamahan niya. Buong-buo na ang tiwala nilang lahat sakanya at ang iba pa nga ay isa nang bayani ang tingin nila kay Manoy.

Matapos ang nangyaring pagkontrol ni Manoy sa mga ala-ala niya, ilang araw niya itong nakalimutan. Ala-ala lamang ang nakalimutan niya pero hindi ang panganib na nararamdaman niya tuwing makakasama ang dalawang demonyo sa kanyang panaginip. Noong umaga ay bumalik ang ala-alang ninakaw sakanya, ilang beses na niyang sinubukan na sabihin sa mga kasamahan niya ang natuklasan niya pero sa bawat pagpatak ng oras na lumilipas ay hindi niya iyon maituloy-tuloy.

Nakikita niya ang pagsamba sa mga mata nila at alam niyang walang patutunguhang ang pagsabi niya ng katotohanan dahil paniguradong hindi nila siya paniniwalaan. Pero iba na ang lagay ngayon, nagmamartsa na sila papunta sa kanilang libingan at ang bayani nila mismo ang naghahatid sa kanila sa kanilang huling hantungan. Muli siyang umiling at gusto nanamang magsalita.

"Can we stop for a moment?" Napatigil ang lahat nang marinig ang boses ng kanilang bayani.

"Bakit tagapagligtas may nakalimutan kaba?" Tanong ni Makaryo at handa na ang katawan niyang sundin kung ano man ang iuutos sakanya ni Manoy. Matapos ang mga pinagsamahan nilang dalawa ng kanyang tagapagligtas ay wala na siyang iba pang hihilingin kundi ang gawin ang kahit na anong iutos sakanya.

"Bakit babyboy may narinig kabang mga kalaban?" Inihanda ni Ma-ay ang sarili kaya naman nang makita ito ng iba pang players ay tumindig sila at pumorma para lumaban.

Nakita nilang umiling si Hiraya at ngumiti siya bago magsalita, "I never asked what will you do, pagkatapos nating makalabas sa dungeon na ito."

"Tagapagligtas..."

"Manoy..."

"Gusto kong hanapin ang kapatid ko, kami nalang ang natitirang magkapamilya sa mundong ito. Matapos mamatay ng mga magulang ko ay ako na ang nag-alaga sa nakababata kong kapatid kaya naman gusto ko siyang hanapin, at para gawin iyon ay kailangan kong maging malakas at matapang." Himalang si Awey ang pinaka-unang sumagot sa tanong ni Manoy.

Tumitig si Hiraya kay Awey, namula ang mukha ni Awey dahil ito ang unang beses na sinabi niya ang pakay niyang mangyari sa buhay niya. Dalaga si Awey at hindi siya komportableng tinititigan siya ni Manoy ng mariin, para bang gusto nitong kabisaduhin ang bawat kanto, angulo at sukat sa mukha niya.

"Anong pangalan ng kapatid mo Awey." Napatingin ang lahat kay Ma-ay at sa babaeng nakakapit sa likod niya.

Ngayong pagkakataong ito pa lamang nila makakasama na maghunting ang dalawang kasama ni Manoy. Noong una, ang buong akala nila ay si Ma-ay lamang ang may kakayahan pero nabura ang nosyong iyon nang makita nila ang kayang gawin ng maliit na babae, kumokontrol ito ng apat na elemento at manghang-mangha sila sa tuwing makikita nilang nagsasanay ito kasama ang mga alagad niyang halimaw.

"Ang pangalan ng kapatid ko ay Kalunay, anim na taon na siya ngayon, hinihiling ko lamang sa may kapal na buhay pa siya. Kaya naman kahit na anong mangyari ay tatapusin ko ang dungeon na ito kasama kayo." Pag-aalala hanggang sa naging determinasyon, ipinangako ni Awey sa sarili na gagawin niya ang kanyang mga sinabi.

"Ako ang gusto kong gawin pagtapos natin sa dungeon na ito ay puntahan ang libingan ng aking tunay na ina. Masama ang loob ko sa kanya dahil bata pa lamang ako ng iwan niya ako, natuklasan namin ng itinuring kong pamilya na namatay na siya. Dahil sa galit ko ay ni minsan ay hindi ko binisita ang puntod niya. Matapos ang lahat ng naranasan ko dito ay alam kong may dahilan siya kung bakit niya iyon ginawa. Ngayon ay gusto kong malaman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan, ang sabi ni Mama ay may iniwan siyang sulat na hanggang ngayon ay hindi ko pa nababasa." Malungkot ang boses ni Tasyo, hindi siya mapalit sa mga babae kaya naman nalaman na nila kung bakit laging umiiwas si Tasyo sa mga babaeng survivors ng amphitheater.

"Ano ang pangalan ng iyong ina Tasyo?" Muling tanong ni Ma-ay. Na agad namang sinagot ni Tasyo.

Sumunod na nagsalita si Paloma, "Ako naman gusto ko lang lumabas na dito. Gusto kong makita kung ano ang nangyari sa labas. Kasi bukod sa pulang kalangitan at nasusunog na paligid ay wala na tayong ibang matanaw sa labas kundi yun lang. Gusto kong makita ang itsura sa labas, gusto kong makakita muli ng magandang tanawin."

"Saan ang pinakapaburito mong lugar Paloma?" Napangiti ang mga players, wala sa mga isipan nila ang kagustuhang malaman kung ano ang mga pakay ng mga kasamahan nila at lalo na kung saan o ano o sino ang pakay nila. Lalong lumalim ang pag-idolo nila kay Manoy at Ma-ay. Naisip nila na ganito dapat ang tunay na kaibigan, aalamin nila kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo at susuportahan ka.

"Gusto kong makita ulit ang sunset sa Boracay White Sand Beach, doon kami laging nagpupunta ng pamilya ko kapag bakasyon." Sagot ni Paloma.

"Ang gusto ko lang ay sundin ang mga yapak ni Tagapagligtas. Kasama ang bro ko, kahit na matapos natin ang dungeon na ito ay susunod pa rin ako kung saan pupunta si Tagapagligtas. May kapangyarihan akong nararamdaman sa loob ko na hindi ko maipaliwanag pero tuwing sinusunod ko ang mga utos niya ay lumalakas ako." Tinititigan ni Makaryo ang kamao niyang nakakuyom habang nagsasalita.

'Mayari's Blessing? Wow, may effect pala ang skill na yon para sa mga believer? That would come in handy.' Napapogi pose si Hiraya at nag-isip ng mga plano para sa skill na iyon.

"Sasama ako kahit saan ka pumunta bro!" Mabilis na bigkas ni Biloy.

"Bro..."

"Bro..."

Habang pinapanood ni Angeli ang mga nangyayari ay napagtanto na niya kung ano ang pinasok niya. Nasa isang napakataas na bangin siya ngayon at naglalakad siya sa isang sinulid. Isang maling hakbang niya lamang ay mahuhulog siya sa kanyang katapusan. Maari ring mapatid ang sinulid na kinatatayuan niya sa oras na masyado na siyang mabigat. Muli niyang inalala ang mga ipinangako ni Ma-ay at ang hindi makakalimutang ligaya sa kanyang katawan dala ng mga haplos ni Manoy.

Unang beses niya ang kanyang naranasan kagabi at naranasan niya iyon sa kanyang matagal nang pinapangarap na uri ng lalaki. Bata pa lamang ay pinagtatanggol na niya ang kanyang sarili, mula sa kanyang tiyuhin, sa kanyang nakatatandang pinsan at sa noong nakaraan lang na studyanteng nagtangkang humalay sakanya. Ngayong nahanap na niya si Manoy ay ibinigay niya ang kanyang puri, hindi para sa mga kapalit na ibinibigay ni Ma-ay, kundi ay para sa kanyang sarili.

Gusto niyang may magiting na taong magpoprotekta sa kanya, gusto niyang makahanap ng magiting na taong magbibigay ng mga kailangan niya, at nahanap niya iyon sa katauhan ni Manoy, kapalit man nito ay ang sarili niyang kalayaan, hindi siya nagdalawang isip dahil alam niyang kapag pinalagpas pa niya ang pagkakataong ibinigay sakanya ay hinding hindi na siya muling makakahanap pa ng hihigit kay Manoy.

-

"Ang gusto kong gawin ay umalis na sa lugar na ito. Habang tumatagal akong nandito ay lalo lamang akong natatakot. Hindi dahil sa mga halimaw na kakalabanin natin, kundi sa mga halimaw na kayang gawin ang lahat para lang makamit ang mga pakay nila. Kaya nilang ipunin ang tiwala ng iba at kaya rin nilang itapon ito sa oras na hindi na kailanganin." Napatigil ang lahat nang marinig ang mga sinabi ni Dilan.

"Anong ibig mong sabihin sa mga sinabi mo Dilan?" Takang tanong ni Selyo.

"Oo nga, para atang may pinapatamaan ka sa amin ha." Nanggalaiti si Bona, matagal na silang nagsasama-sama at alam na nila ang kakaibang mga ugali ng isat-isa.

Matagal na ba ang ilang araw? Hindi, pero sa loob ng isang pakikipaglaban para sa buhay mo ay mabagal ang oras, makupad itong gumagapang habang gusto mong pabilisin ito dahil gusto mo na itong matapos kaagad. Hindi mahirap intindihin na sa mga kokote nila ay matagal na silang magkakakilala, kumakain magkakasama, natutulog at binabantayan ang isat-isa, pinoprotektahan sa oras na magkamali habang nakikipagtunggali sa mga halimaw, ang mga bagay na ito ay hindi mararanasan ng isang normal na tao.

Hindi na normal ang mundo nila kaya masasabi ring hindi na normal ang mga mararanasan nila. Ang ilang taon na magkakakilala ay hindi tutumbas sa ilang araw nilang pakikipagbuno kay kamatayan. Kaya totoo lamang na sa puso at isipan nila ay matagal na silang magkakakkilala.

"Ayoko na, isinuko ko na ang kapalaran ko. Wala rin naman akong mararating kung sarili ko lang ang inaasahan ko. Tama nga, tama! Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin, ika nga. Wala na akong pake, tatahakin ko na ang daang ito tutal doon din naman papunta ang lahat. Mauuna lang ako." Nagpakita nang kabaliwan sa mukha si Dilan, nilapitan siya ni Paloma at hinagkan ito pero hindi kumalma ang katawan ni Dilan at nagpatuloy itong manginig.

"Ha, PTSD? Hindi rin umepekto ang yakap ni Paloma, ikaw nga Biloy baka gumana." Pang-aasar ni Magdalya pagkatapos niyang dumura sa sahig. Kinilabutan si Biloy at nagtago sa likod ni Makaryo, humawak siya sa balikat ng kanyang lider at tumitig ng masama kay Dilan.

"Ako na sunod.."

"Ako naman ang gusto kong gawin ay.."

"Kung bibigyan ako nang pagkakataon ay.."

Dalawang tao sa mga magkakasama ang hindi napigilang mapangiti habang pinapanood ang mga players.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C40
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login