Hindi maitatanggi na malakas sa alak si Edward, laking probinsya kasi at talagang sanay sya sa lasingan.
Napalingon ako kay Jared, pulang pula na ang mukha nya. Hindi naman kasi sya sanay na uminom ng lambanog. Kainuman nila ngayon ang ilan sa kapitbahay naman at mga pinsan ko.
"Ano Jared? Suko na ba?" Natatawa na si Edward sa itsura ni Jared.
"No, hindi uso sa akin 'yan." Sagot naman ni Jared bago tumungga.
"Wala ka pala dito Edward eh, matagal malasing ang asawa ni Esang." Panunukso ni Kuya Toni.
"Oo nga! Palaban!" Pahabol naman ng pinsan ko na si Kuya Kevin.
"Jared, tama na 'yan." Pasimple ko syang binulungan.
"No, sweety. Minsan lang naman 'to." Nginitian nya ako bago halikan sa labi. Sa gulat ko ay nahampas ko sya sa likod.
"Ayun oh!"
"Ang sweet!" Pinag aasar tuloy kami.
"Ate, pumasok ka na daw. Mahamog na sabi ni nanay." Nilapitan ako ni Pinang at hinawakan sa kamay.
"Jared, pinapapasok na ako ni nanay. Wag ka ng magtagal dyan ha? Tumigil ka na kapag hindi mo na kaya." Nagbilin muna ako sa kanya bago umalis. Sinabihan ko rin si Kuya Kevin na tignan-tignan si Jared.
Namiss kong mahiga sa kama ko, may foam naman kaya hindi ganun katigas. Ang katabi ko dati dito ay si Pinang. Mahal na mahal ko ang bunso kong kapatid, masiyahin kasi sya.
"Ate, paglabas ba ni baby mo, ano ang ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ni Pinang. Nakahiga kami pareho at hinahaplos nya ang tiyan ko.
"Hindi pa namin napag uusapan ni kuya Jared mo. Pero alam na namin na lalaki sya, ikaw? Ano sa tingin mo ang magandang pangalan?" Sinusuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko, namiss kong gawin sa kanya ito bago kami matulog.
"Hmmn. Siguro Jared Montefalcon Jr. para matuwa si kuya."
Napaisip ako. Siguro nga ay gagawin na lang namin syang Junior.
Lumabas na ng kwarto si Pinang dahil kila nanay sya matutulog. Napatingin ako sa wall clock, 10pm na. Mauuna na lang ako matulog.
Naalimpungatan ako ng makarinig na tawanan sa labas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Jared na akay-akay ni Tatay at Nanet. Inalalayan nila si Jared papasok sa kwarto ko.
Grabe! Tulog na tulog na sya. Nagpatulong ako kay Nanet na hubaran si Jared, nakaboxer shorts naman sya. Pinunasan ko na rin sya dahil ayokong makaamoy ng lasing, para akong masusuka.
"Jared." Ginigising ko sya para umayos ng higa, nadadaganan nya na kasi 'yung kumot.
"Hmmn."
"Umayos ka nga ng higa mo." Pilit kong hinihila yung kumot.
"Ayoko." Ungot nito. Talagang iniinis nya ako ah.
"Kukunin ko lang 'yung kumot. Bangon na." Kinalabit kalabit ko pa sya para makulitan at bumangon na.
"Ayoko sabi eh."
Aba't talagang! "Ayaw mo? Bahala ka dyan! Doon ako matutulog kila Nanay." Akma na akong tatayo ng hapitin nya ang bewang ko at napahiga ako sa tabi nya.
"Yayakapin na lang kita para hindi ka lamigin." Medyo nakiliti pa ako dahil ramdam ko 'yung init ng hininga nya sa leeg ko. Akala ko tulog na sya.
"Ayoko, hindi ako sanay." Pilit akong lumalayo sa kanya.
"Hay. I wanna hug you so tight kaso baka maipit si baby." Hinimas-himas nya pa ang tiyan ko.
"Salamat at sinamahan mo ako dito." Sya kasi ang nagyaya na pumunta kami dito sa bahay. Kung ako lang kasi ay baka hindi ko kayanin.
"You don't have to thank me. It's my responsibility as your husband, I want to make you happy." Hinalikan nya ako sa pisngi. Napapikit ako, para na kasi akong maiiyak.
"Gusto ko pa sana na mag stay dito kahit isang bwan, kung papayag ka." Nasabi ko na kasi 'yun kay Nanay kanina, na kung papayag si Jared, dito muna ako. Gusto ko kasi silang makasama ng matagal.
Ilang minuto akong naghintay ng sagot ni Jared, alam kong gising sya dahil hinihimas nya pa rin ang tiyan ko. Hindi lang talaga sya sumasagot.
"Hindi ko kayang hindi ka makita ng isang araw, isang bwan pa kaya?" Alam ko naman na hindi sya papayag. Nagbabakasakali lang ako. "Why don't you ask them to stay in Manila?"
"Tinanong ko na si Nanay tungkol dyan, kaso ayaw nilang iwan ang lupa dito. Malulungkot ang tatay kapag wala syang gawain." Pinilit ko pa si Nanay kanina pero ayaw nya talaga.
"I can't Elaisa." Alam kong desidido na sya na hindi ako mag stay dito. Hindi ko rin naman kaya na mahiwalay sa kanya.
"Okay lang, sasabihin ko na lang kay nanay." Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya.