"Congratulations Mrs. Montefalcon, you are two weeks pregnant. I will give you your daily vitamins." Tulala lang ako sa lahat ng sinabi ni Dra.
"Thanks, Nicole." Sabi ni tita Daniella, close friend nya daw ito at talagang mapagkakatiwalaan.
Paglabas namin sa clinic ay dumiretso na kami sa drug store para bumili ng mga vitamins. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, isang beses pa lang namin ginawa 'yun. Hindi ko alam kung maiinis ako kay Jared o matutuwa.
"I can't believe it! At last, magkakaroon na ako ng apo kay Jared." Masayang sabi ni tita Daniella.
"Tita, hindi pa ako handa ipaalam kay Jared." Hindi ko kasi alam kung matatanggap nya.
"Sure, Elaisa. I will keep in touch. Ako ang sasama every check up mo." Niyakap ako ni tita ng mahigpit. Naiiyak na naman ako.
Hindi kami umuwi kaagad dahil nag grocery muna kami para sa mga pagkain ko. Napahawak ako sa tiyan ko, may kasama na ako, hindi ko na pwedeng pabayaan ang sarili ko. Hindi ko ipagkakait sa anak ko ang ama nya, pero hindi pa ngayon.
---
Jared's POV
"Where have you been mommy?" Bungad ko sa mommy ko, kanina pa kasi ako dito sa bahay naghihintay sa kanya.
"A-Ano, nakipagkita lang ako sa kumare ko." Sagot ni mommy.
Napakunot noo ako. Parang may tinatago sya, dahil hindi sya makatingin ng diretso sa akin.
"Really?" Makahulugang tanong ko.
"O-Oo! Ano ba ang ginagawa mo dito?" Dumiretso sya sa kusina, sinundan ko sya.
"I decided to work tomorrow." Kailangan ko na sigurong mag move on.
"Talaga? Well, that's good news. By the way son, mawawala ako ng mga ilang araw. Aasikasuhin ko 'yung resort natin sa Laguna." Lalo ako kinutuban. First time na mag presinta si Mommy sa pag manage ng resort. Ayaw nya kasi talagang bumabyahe.
"That's new." 'Yun na lang ang nasabi ko.
"Y-Yeah, you know. I wanted to relax." Yun lang at umakyat na sya.
Hindi ako mapakali, parang may tinatago sa akin si Mommy. My mom is not good at lying, lagi ko syang nabubuking, ang kailangan ko lang gawin ay ang kausapin sya ng kausapin hanggang sa madulas sya.
----
Elaisa's POV
Agad akong tumakbo sa CR ng makaramdam ako ng pagkasuka. Ilang araw na akong ganito, nahihirapan na ako. Halos maiyak na ako kada suka.
"Hija, okay ka na ba? May gatas sa lamesa. May aasikasuhin lang ako labas." Sabi ni Aling Susan.
"Opo." Saglit akong naupo sa kama bago lumabas. And to my surprise, I saw Nathaniel.
"E-Elaisa! A-Anong ginagawa mo dito?" Pareho kaming nagulat. Sinundan nya na ako dito? Paano nya nalaman?
"V-Vacation. Sinusundan mo ba ako Nathaniel?" Nakaramdam ako ng galit sa kanya. Hindi na ba ako magkakaroon ng tahimik na paligid.
"No! Hindi ko alam na nandito ka. My cousin, Margareth, pinahiram nya sa akin 'tong rest house, sinabi nya sa akin na may nag sstay daw dito. Hindi ko alam na ikaw 'yun." Paliwanag nya. Pinaniwalaan ko sya.
"Alam mo naman siguro na nagtatago ako. Customer ko si Margareth, kaya ko sya nakilala." Iniwan ko sya at dumiretso sa kusina para inumin 'yung gatas.
"Alam mo bang pumunta sa bahay ko si Jared at hinahanap ka nya." Sumunod sya sa akin.
Nagagalit pa rin ako kay Nathaniel dahil sa ginawa nya sa bar.
"Elaisa, I'm sorry sa ginawa ko sa bar. Alam kong 'yun ang dahilan kung bakit nagkagulo kayo ni Jared." Malungkot ang boses nya. Hinarap ko sya at titig na titig sya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay nya. "Hindi mo kasalanan, Nathaniel. Tiwala sa isa't-isa ang problema namin."
Nagkwentuhan kami maghapon ni Nathaniel, hindi na ako galit sa kanya at alam nya na buntis ako. Noong una ay nalungkot sya, pero hindi nagtagal ay naging masaya sya para sa akin. Pinangako nya na hindi nya ipapaalam kahit kanino ang kalagayan ko, lalo na kay Jared.
Ipinasyal ako ni Nathaniel sa perya noong gabi na. Natutuwa ako sa mga rides na may makukulay na ilaw, gusto ko sanang sumakay kaso ayaw pumayag ni Nathaniel, napapasimangot na nga lang ako.
Kumain lang kami ng kumain ng kung ano-ano. Nag bingo pa kami at nanalo ako ng grocery! Ang swerte ko!
"Gabi na, Elaisa. Tara na." Inakbayan ako ni Nathaniel habang hawak nya 'yung grocery na napanalunan ko.
Kung mas una ko sigurong nakilala si Nathaniel, baka sya pa ang nagustuhan ko. Mabait, maasikaso, at mapagmahal, swerte ang babae na mamahalin nya. Huminto ako at tinitigan sya, napalayo naman sya.
"B-Bakit?" Naaalanganing tanong nya. Unti-unti akong lumapit sa kanya at pinisil ang magkabilang pisngi nya. Nanggigigil ako.
"A-Aray! Elaisa! Masakit!" Sigaw ni Nathaniel. Lalo naman akong natawa sa mukha nya.
Sya ata ang pinaglilihian ko.