Download App
67.12% Anak ng Kalikasan / Chapter 49: Chapter 15

Chapter 49: Chapter 15

Nagpatuloy ang kasiyahan ng mga tao dahil sa panunumbalik ng buhay ng lupa sa kinlamg bayan. Hindi masukat ang tuwa na kanilang nararamdaman kung kaya idinaan nila ito sa kantahan at pagsasayaw.

"Maraming salamat sa tulong niyo Mina, hindi ko alam kung paano ko pa masusuklian ang ginawa niyo."

"Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Sapat na ang ituon mo ang iying kakayahan sa pagtulong sa mga tao. " Nakangiting wika ni Mina.

"Oo naman, ito ang sinumpaang pangako ko sa aking Lolo. Hanggat nabubuhay ako hindi ako titigil at magsasawang tumulong sa mga nangangailangan. "Sambit pa ni Manuel na ikinalapad ng ngiti ni Mina.

Lumipas ang araw na iyon na puno ng pagsasaya . Kinaumagahan ay nagpaalam na ang grupo ni Mina kay Manuel. Sinubukan pang kombinsihin ni Amante si Manuel na sumama sa kanila ngunit mabilis itong tumutol. Ayon pa rito ay hindi niya maaring iwan ang bayang iyon dahil nag iisang manggagamot lamang siya sa bayang iyon. Hindi na din ipinilit ni Amante ang nais nito dahil naiintindihan din naman niya ang kaniyang kaibigan.

Matapos ang kanilang pagpapaalam ay tinahak na nila ang landas patungo sa susunod na bayan. Tatlong bayan pa ang kanilang tatawirin para marating nila ang kabundukan ng Siranggaya.

Sa kanilang paglalakad ay panaka-naka na silang nakasalubong ng mga magsasakang-galing sa kabundukan para manguha ng mga panggatong. May iilan ding may dala-dalang mga prutas at mga ligaw na kabuteng maari nilang makain.

Nakakasabayan na rin nila ang mga ito sa pagtahak patungo sa susunod na bayan. Sa paglipas pa ang ilang oras ay tuluyan na nga nilang nasipat ang bayan ng Haguno.

Ang bayan ng Haguno ay isang bayang nagaangkat ng niyog sa iba pang bayan. Sagana sa puno ng niyog ang buong bayan na ito na ang nagung pangunahing kabuhayan ng mga tao roon.

Sa kanilang paglapit sa bayan ay unti-unti na nilang natatanaw ang mga nagtataasang puno ng niyog na hitik sa mga bunga. May iilan naman silang nakikitang niyog na may mga nakasalok na mga bao.

Isang masayang pamayanan ang kanilang naabutan pagdating nila sa loob ng bayan. Hindi pa man din sila nakakaapak sa sentro ng bayan at agad naman silang hinarang ng mga kalakihang nakatambay roon.

"Bawal ang dayo rito, kung dadaan kayo dumaan lang kayo, pero hindi kami tumatanggap ng bisita rito. " Wika ng isang lalaking may katangkaran. Agad naman napaatras si Mina nang biglang manulak ang isa sa mga kasama nito. Nagpanting naman ang tenga ni Isagani sa kanyang narinig at mabilis na kinuwelyuhan ang lalaking nanulak kay Mina.

"Bastos ka ah. Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo ng paggalang sa mga kababaihan?" Inis na tanong ni Isagani dito. Agaran din naman siyang pinigilan ni Mina ay tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa damit ng lalaki.

"Hindi kami pumunta rito para manggulo, nais lang namin makiraan at makituloy kahit ngayong gabi lang. " Mahinahong wika ni Mina.

"Simon, ano na naman bang gulo yan?" Magsasalita pa sana ang lalaking matangkad ng may isang boses ang sumita rito.

"Tiyo Berting, may mga dayo na namang mananatili rito. Paano kong kasamahan sila ng mga yun?" Tanong ng lalaking nagngangalamg Simon habang masamng nakatitig sa kanilang grupo. Mabilis naman itong binatukan ng tiyuhin niya at pinagsesermunan nito ang grupo ng kaniyang pamangkin. Mabilis niya din itong itinaboy papalayo at hinarap ng grupo ni Mina.

"Pasensiya na kayo sa mga batang iyon. Buhat kasi nang may dumaang dayo rito na nagdala ng salot sa aming bayan atmy ganon na ang naging turing nila sa lahat ng napapadaan dito. " Paliwanag nito. Hindi naman iyon dinamdam ni Mina dahil ramdam din naman niya ang kabutihan ng mga lalaking iyon. Nagawa lamang nila ang ganoon dahil ayaw na nilang maulit ang naging bangungot sa kanilang buhay.

"Walang anuman po iyon, naiintindihan po namin. Ano po ba ang nagyari diro? Mukhang normal naman po ang lahat dito sa inyo. " Tanong ni Amamte habang inililibot ang mga mata.

"Normal sa unang tingin, kakatapos lang naming maglibing kahapon. Namatay ang mga magulang ni Simon sabpagtatanggol sa bayan laban sa mga aswang na umatake dito kamakailan lamang. Nagsimula ang atake noong may isang dayo ang napadpad rito. Saan ba kayo galing at saan ang tungo ninyo?"

"Sa Bayumbon po kami galing. Patungo kami sa kabundukan ng Siranggaya." Tugon naman ni Mina. Nanalaki ang mga mata ng lalaki at agad na hinatak ang grupo ni Mina sa isang lugar na hindi gaanong dinadaanan ng tao.

"Sa Bayumbon ba kamo?Ang bayang isinumpa? Balita ko naging maayos na ang lahat doon?" Tanoang ni Berting na may halong pananabik.

"Ayos na po. Siyana po pala yung dayong tinutukoy niyo. Maya kasama ba silang nilalang na nagkukubli sa isang kasuutang nagtatago ng kanyang pagkakakilanlan?" Taning ulit ni Mina. Tumango-tango lamang ang lalaki habang tinititigan isa isa ang mga kasama ng dalaga.

"Tay, kanina pa kita hinahanap. Nandito na ang mga trabahanteng hinihintay mo para sa paghahanda ng mga kopra. " Tawag ng isang babae na agad na nagpaudlot sa kanilang pag-uusap.

Napalingon naman si Mina rito at nakita niya ang isang magandang babaeng nakadamit panlalaki. May dala-dala itong sanggot at nakatali ang buhok nito sa kayang ulo.

"Sino sila, tay?"

"Mga manlalakbay, napadaan lang. Doon na kayo magpalipas ng gabi sa bahay namin. Hindi iyon kalakihan pero pwede niyo nang pagtiyagaan. Pagtimpian na lamang ninyo ang ugali noong pamangkin ko ." Wika ni Berting.

"Siyanga pala ito ang anak kong si Luisa. " Pakilala nito sa babaeng kararating lang. Ngumiti naman sa kanila ang babae bilang pagbati na agad din nilang tinugon, pagpapakita ng kanilang paggalang sa pagbati nito.

Tinungo na nga nila ang bahay ni Berting at doon naabutan nila si Simon na nakaupo sa labas ng bahay at nakatingin ng masama sa kanila.

"Hoy, Simon ayusin mo yang pagkakatitig mo. Hindi magandang ugali ang oagtitig ng ganyan sa mga tao. " Saway ni Berting sa pamangkin.

"Kung tao nga sila. " Pabalang nitong tugon.

"Isa ka bang albularyo o antinggero? Paano mo nasasabi na hindi kami tao?" Tanong ni Mina at biglang napipi ang binata.

"Tama ka, sa grupo namin ako dalawa lamang sa amin ang tao. Ako at si Amante. Si Isagani ay isang gabunang aswang at si Gorem naman ay isang kalahating engkanto. Si Amante ay isang mambabarang at ako ay isang babaylan. Ayos na ba iyon sa iyo?" Tanong ni Mina.

Maging si Berting at Luisa ay nagulat sa paglalahad ng dalaga ng kanilang tunay na pagkakakilanlan. Kanina pa lamang ay batid na niyang hindi ordinaryo ang grupo nila ngunit hindi niya lubos maiisip na hindi rin pala basta-basta ang kanilang mga kasama. Lalo na si Mina. Napakabata pa nito para maging isang babaylan.

"Isa kang aswang? Paanong isa kang aswang? Hindi ko naamoy ang baho na tulad ng isang aswang sayo." Nagtatakang tanong ni Berting sa binata.

"Isa siyang gabunan na may dugong babaylan, walang amoy ang tulad ni Isagani dahil hindi pa siya nakakakain ng laman ng tao. " Si Amante ang sumagot. "Huwag kang mag-alala manong, kahit ako man ay nagulat noong unang malaman ko ang tunay niyang pagkatao." Dagdag pa ni Amante habang natatawa.

"Mang Berting, yung tungkol dun sa mga dayong nagawi sa inyo rito, ilan ho sila?" Tanong ni Mina at saglit na nag-isip si Berting.

"Sa pagkakaalala ko napakarami nilang dumaan dito. Higit sampo, pero kapansin-pansin yung apat na nasa gitna ng kanilang grupo. Pakiramdam ko iyon ang nagsisilbi nilang pinuno. Balot na balot ang mga ito na parang ayaw talaga nitong masilayan ang kanilang pagkatao. " Salaysay ni Berting.

"Bandang hapon nang dumaan sila rito, sa hulihan ng kanilang grupo ay may nakita akong mga kababaihang nakakadena, hindi ko alam kung saan nila nahuli ang mga iyon. May mga dala-dala din silang malalaking kahon na hindi namin mawari kung ano ang laman."

Ayon pa kay Berting, kinompronta ng tatay ni Simon ang grupo nang makita nitong naghihirap ang mga bihag. Nais sana nitong pakawalan ang mga babae ngunit hindi nila inaasahang masyadong malalakas at mapupusok ang mga aswang na kasama nito. Walang naganap na patas na laban dahil walang awa nilang pinagtulungan ang tatay ni Simon hanggang sa malagutan ito ng hininga. Maging ang mutya nitong tangan ay kinuha ng mga aswang. Kitang kita iyin ni Simon kung kaya't ganoon na lamang ang galit nito sa mga dayong napapadpad sa kanilang lugar. May isang linggo na rin ang lumipas simula noon.

"Kahit ano pang sabihin niyo, aswang pa rin ang lalaking yan. Ayoko siya dito. Paalisin mo na siya tiyo." Galit na saad ni Simon. Nabaling ang lahat ng galit nito kay Isagani dahil sa pagiging aswang nito. Hindi naman iyon pinansin ng binata dahil naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang puot at galit nito.

Dahil dito ay napilitang manatili si Isagani sa labas ng bahay ni Berting. Mabuti na lamang at meron pa ring bubong at mga papag ang labas na parte ng bahay nito sa bandang pintuan.

Kinagabihan habang nagmamasid siya sa paligid ay bigla naman niyang naramdaman ang pagtabi sa kanya ni Mina sa kanyang pagkakaupo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa mahinang boses.

"Hindi ko naman siya masisisi. Pinagdaan ko rin ang pinagdadaanan niya ngayon, kaya alam ko ang pakiramdam."

"Kailan kaya magiging tahimik ang buhay natin? Yung walang gulo, walang masasamang nilalang na kalabanan. Hindi ka ba napapagod Gani?" Tanong ni Mina.

"Ako kasi, pagod na. Minsan naiisip ko na sana hindi nalang ako ang itinakda. Sana normal na tao lamang ako. Siguro kung normal lang ako, buhay pa ang inay at masay pa kaming magkasama ngayon." Dadag pa ni Mina at sumandal ito sa balikat ng binata.

"Hindi naman natin hawak ang ating kapalaran. Kusa itong inilalaan sa atin ng panginoon. Tayo lamang ang humuhulma nito basi na rin sa mga pagsubok na ibinibigay Niya sa atin." Wika ng binata at pareho na silang napatahimik.

Dahil sa sobrang katahimikan ay hindi na napigilan ni Mina ang kanyang antok na nararamdaman at agad din nakatulog sa balikat ng binata. Napansin naman iyon ni Isagani kung kaya't inayos niya ito sa pagkakasandal sa kanyan upang kahit papaano ay maging komportable ito. Ilang sandali pa ay maging si Isagani ay nakatulog na rin.

Sa paglalim ng gabi ay doon nagsilabasan ang mga alitaptap na animoy pumapaikot sa dalawa na para bang ang mga ilaw nito ang siyang nagbibigay init sa malamig nilang gabi. Payapa at maaliwalas ang mukha nilang dalawa habang natutulog na tila ba sa unang pagkakataon ay nakaramdam sila ng katahimikan at kapayapaan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C49
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login