Download App
3.12% One Bite To Another / Chapter 3: IDEA

Chapter 3: IDEA

"Vreihya, anak? Matindi daw ang naging pagtatalo ninyo ng mortal ayos sa sinabi sa akin ng tagapagbantay ng kaniyang kulungan", andito na naman ang malambing na tinig ni Ina na kahit kailan ay hindi nabigo na tila aluin ako sa tuwing ako ay kaniyang kausap.

"I still don't get it! Bakit sa lahat ng nilalalang ay sa akin pa ito nangyari Ina?", mahinahon ko din na sagot sa kaniya pabalik. This is really a disaster! Mayroon akong reputasyon sa mundong ito at hindi ko nais na masira iyon sa katotohanang kailangan kong dumepende sa isang mortal. Maaari naman na sa isang prinsipe ng ibang kaharian pero bakit sa isang tao pa?

"Isa iyang bayad Vreihya, iyan ay kabayaran sa ginawa nating pangmamaliit at pang-aapi sa kanilang lahi", agad nitong sabi sa akin bago siya lumapit sa akin at hawakan nang dahan-dahan ang aking mahaba at itim na itim na buhok. Andito na naman ako sa katotohanan na kami ang may nagawang kasalanan, kami ang dapat sisihin. Kami ang may kasalanan ng lahat.

"Bakit ako? Bakit ako ang kailangang maghirap? Bakit ako ang kailangang magsakripisyo?", sunod-sunod kong tanong sa aking Ina. Hindi ko pa din talaga matanggap. Kung sino pa ang nilalang na pinaka inaayawan ko sa lahat ay tila sila pa ang dapat na hingan ko ng awa.

"Vreihya, wag mo na pasamain ang aking kalooban. Kung manlalaban ka, ako ang mawawalan ng kaisa-isang anak. Mahal kita aking anak at mas gugustuhin ko pang makita ka na nasa piling ng isang mortal kaysa masilayan kang isang malamig na bangkay", agad na turan ng aking ina na tila nahihirapan siyang magsalita tsaka niya inalis ang kaniyang pagkakahawak sa aking buhok.

Agad na tumalikod ang aking Ina habang naririnig ko ang mga pigil niyang hikbi. Kahit kailan ay hindi ka nagtagumpay na tiisin ang iyong pagluha Ina. Katulad ka pa din ng dati na mapagmahal at mapag-ingat na tila isa akong babasagin na pigura aking Ina.

"Fine! I will do it. Basta hindi ko maipapangako na hindi ko siya masasaktan", madiin kong sabi ngunit may paggalang pa rin sa kaniya. Agad na akong tumayo sa tronong aking inuupuan at ginamit ang aking bilis upang makalabas agad ng silid.

Nagsimula na akong humakbang sa mahabang pasilyo ng aming palasyo. Sa kabila nang taglay nitong kadiliman ay malinaw kong natatanaw ang daan na dapat kong lakaran. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis nang unti-unti ko nang baybayin ang direksyon papunta sa kaniyang silid. Nakakapanliliit sa pakiramdam ang ganito na tila ako ang nanunuyo at dapat na magpakababa.

"Hindi na sapat ang mga gamot sa botelyang ito Mahal na Prinsesa", agad akong napahinto nang maalala ko ang kataga ng isang babaylan na madalas naming pinupuntahan ni Ina upang mawala ang sakit sa aking nararamdaman sa tuwing hinahanap ng aking katawan ang mortal.

Simula nang maganap ang aksidente nung ako ay siyam na taong gulang pa lamang ay hindi na nilihim sa akin ni Tiyo Alonzo at ng aking Ina ang mapait na katotohanan. Kailangan ko ang nilalang na iyon upang mabuhay, ang nilalang na tumawag sakin na isang halimaw habang walang awa akong binabaril ng kaniyang Ama.

"Macara, ano ang nais mong ipabatid?", tanong ni Ina sa babaylan upang mas higit siyang malinawan.

"Nasa hustong gulang na ang Mahal na Prinsesa. Kung dati ay kaya ng gamot na ito ang musmos niyang katawan ngayon ay mas higit na kailangan na ang presensya ng mortal na nilalang".

"Hindi! Macara maaari bang gumawa ka na lamang ng mas malakas na gamot. Ayaw kong muling madikit sa nilalang na iyon. Gumawa ka na lamang nang higit na malakas na gamot!" mahigpit kong tutol sa kaniya habang naididiin ko na ang aking matatalas na kuko sa lamesa na nasa aking harapan. Magtitiis na lamang ako sa gamot hindi ako papayag na magmakaawa sa isang mahinang nilalang.

"Ngunit Mahal na Prinsesa, tuwing madadagdagan ang iyong edad ay mas pinalalakas ko ang aking mga gamot ngunit ito ay todo na Mahal na Prinsesa. Sagad na ang lakas ngunit hindi na nito kakayanin".

Agad akong nanlumo sa kaniyang tinuran. Ginawa ko ang lahat upang hindi na humantong na kailangan ko pa siya upang mabuhay. Nagbasa at nagsaliksik ako ng mga libro, naghanap ng puwedeng mapagtanungan ng solusyon ngunit hindi ako makakahanap ng sagot dahil sa aking nalalaman ay ngayon lamang naganap ang ganitong pangyayari. Ako lamang ang nakakaranas ng ganitong sumpa. At hanggang ngayon ay walang nakapagsasabi sa akin kung bakit at ano nga ba ang nagawa ng aming lahi upang mapilitan akong gawin ang ganitong bagay.

Malalim ang aking naging buntong hininga nang matapat na ako sa pintuan kung nasaan nakapiit ang nilalang na hindi ko dapat kelan man bigyan ng paggalang. Agad na yumuko sa akin ang tagapagbantay ng pintuan. Agad akong tumingin nang masama sa kaniya at naramdaman ko na lamang ang pag-init ng aking mata na senyales ng pag-iiba nito ng kulay.

Agad kong naramdaman ang tila biglang paghirap ng kaniyang paghinga at panginginig ng kaniyang mga tuhod.

"Ikaw pala ang nagsumbong kay Ina", madiin at mabagal kong usal sa kanya. Agad siyang yumuko at hindi nagtagal ay napaluhod siya sa aking harapan.

"Ma-mahal na Prin-prinsesa. Patawad po!". Halos hindi siya makabuo ng isang deretsong kataga dahil pinangunahan siya ng takot.

"Tumayo ka diyan! Hindi ko inutos na lumuhod ka sa aking harapan!", malakas kong singhal sa kanya kaya wala siyang inaksaya na panahon at agad siyang tumayo ngunit nakayuko siya habang nanginginig.

Agad akong napabunga ng hininga. Ilang minuto lamang ay umalingawngaw ang aking malakas na halakhak sa buong pasilyo. Bakas sa kaniya ang pagkagulat at hindi mawalang takot. Masyado na kayong takot sa akin. Nagbibiro lamang ako!

"Huwag ka nang matakot Victor, nagbibiro lamang ako haha", natatawa kong sabi sa kanya at ang kaninang nakakatakot kong enerhiya ay napalitan ng mumunting mga halakhak. Nagbibiro lamang ako. Bakas pa din ang takot sa kaniya ngunit mas pinili niyang ngumiti din ngunit andoon pa rin ang respeto.

"Pinapaabot ni Ina ang pagpuri sa iyo. Napakahalaga na ang isang tauhan sa palasyo ay madalas na mag-ulat sa Mahal na Reyna", nginitian ko siya nang matamis at agad siyang yumuko na may nakarehistrong ngiti rin sa kaniyang mga labi.

"Maraming salamat Mahal na Prinsesa", bakas ang panginginig ngunit naroon din ang tuwa sa kaniyang tinig. Agad akong tumango sa kaniya at siya na mismo ang naglagay ng susi sa kandado upang makapasok akong muli.

Nang makapasok na ako sa loob ng madilim na silid ay ramdam ko kaagad ang sumalubong sa akin na nanlilisik na titig. Hindi man siya nasisinagan nang bilog na buwan ngunit malinaw ko siyang nakikita sa isang sulok at tila pinapatay ako ng kaniyang mga titig.

"I am not here for a fight. Nakakapagod makipag-away sa isang katulad mo", walang emosyon na sabi ko sa kaniya. Sa malinaw kong paningin ay nakita ko ang kaniyang pag-ngisi. Tss! Humans!

"So what are you here for? Para lang ba matikman ako kaya ka narito?", maangas nitong turan sa akin. Agad na kumulo ang aking dugo ngunit pinigil ko ang aking sarili dahil-

Tama siya, kaya ako narito ay upang tikman siya. Hindi na ako aangal sapagkat may katotohanan naman ang kaniyang tinuran. Maaaksaya lamang ang aking enerhiya kung magpapanggap pa ako.

"Actually, I am thinking about this fun idea of mine", bakas ang pang-aasar sa aking tinig at agad na namula ang aking mga mata at alam kong nakikita niya iyon kahit na kadiliman ang bumabalot sa silid. Agad siyang napatayo mula sa kaniyang pagkakatayo at rinig ko nang malinaw ang papabilis na pagtibok ng kaniyang puso. He is scared and I like it. A lot.

"Huwag kang lalapit sa akin halimaw ka!" agad niyang sigaw sa akin. Hindi ba siya nagsasawa sa paulit-ulit niyang tawag sa akin? Wala na ba siyang maisip na mas bago?

"Bakit? Ano ang gagawin mo?", agad na narinig ang yapak ng aking kasuotang pampaa nang dahan-dahan na akong lumalapit sa kaniya. Lalo siyang nagsusumiksik sa haligi na kaniyang kinasasandalan. I like this! Paglalaruan ko ang nilalang na ito hanggang kaya ko.

"Shh! Be quite. May gusto lang akong subukan", mapang-asar kong saad at agad na lumabas ang aking matatalas na pangil. They are excited too. Ayaw na nilang paawat gusto na nilang makalasap ng sariwang dugo.

"Fuck! Stay away from me!", matapang nitong turan upang maitago ang kahit papanong takot na kaniyang nararamdaman at hindi ko na maitago ang aking ngisi. Tama yan, matakot ka sakin. Gusto ko na manginig ka. Hindi ako papayag na ako ang magmukhang nagmamakaawa sa ating dalawa. I am still superior and the one on top of the food chain my dear!

Hindi na ako makapaghintay pa. Gamit ang aking bilis ay agad kong napaliit ang aming distansya. Agad ko siyang mas idiniin sa pader kung nasaan siya nakasandal habang takot na takot. Ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha. Iilang dangkal lamang ang layo ko sa kanya ngunit tila unti-unti akong nababaliw nang maamoy ko na ang kaniyang hininga. Hindi ko alam kung anong meron dito at tila nakakaramdam ako ng kakaibang init.

Hindi maari! Ang kaninang tapang ko ay napalitan nang kaunting takot at gusto ko na kaagad lumayo ngunit tila may puwersa na humihila sa akin upang mas lalo pang lumapit. Ano ito? Anong klaseng mahika ito? Tila hindi ko na kontrolado ang aking sariling katawan.

Ang kaninang malalakas na pantig ng kaniyang puso ay napalitan ng isang kalmadong pagpintig. Ano ang nangyayari? Bakit tila hindi na siya natatakot? Masyado na kaming nagtatagal sa ganitong posisyon.

Pinilit ko ang aking sarili na kumalas sa pagkakadiin ko sa kanya. Agad akong dumistansya at hindi pinahalata na ilang segundo akong natigilan. Hindi maaari ang ganito, kailangan ko na itong pigilan. Ramdam ko na naman ulit ang matatalas niyang tingin.

"Huwag ka na muling lalapit sa akin. Nakakadi-", hindi na kinaya pa ng aking tenga na marinig ang susunod na salita na uusal sa kaniyang bibig. Kahit ako ay hindi na gustong muli pang lumapit sayo. Kailangan ng matapos ang kabaliwan na ito.

Gamit ang aking bilis ay agad kong tinawid ang aming pagitan at ang kanina ko pang naghihintay na mga pangil ay kaagad na bumaon sa kaniyang leeg. Walang habas siyang nagsisisigaw dahil sa sakit habang nararamdam ko ang paninigas ng kaniyang katawan. Wala akong balak na tumigil. Kanina ko pa iniisip na kung uubusin ko lahat ng dugo niya ay baka gumaling na nang tuluyan ang aking karamdaman.

Baka sakaling kailangan ko lamang sairin lahat ng dugo na nananalaytay sa kaniyang ugat upang tuluyan na akong gumaling kaysa naman habang buhay ko siyang makasama. Unti-unti ko nang nararamdaman na tila nanghihina na siya at nanlalabot. Mas lalo kong idiniin ang aking mga pangil. Uubusin ko ang lahat para gumaling.

Wala akong ititira!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login