Download App
33.33% Oblivion Memories / Chapter 2: Chapter 1

Chapter 2: Chapter 1

Chapter 1

Isang bangkay ng dalaga

Rossa Island, isang kilalang sikat na isla rito sa Pilipinas. Na siyang pagmamay-ari ng pamilyang Aligrossa.

Dito madalas pumapasyal ang mga mayayamang tao. Ito ay may naglalakihang bahay-bakasyunan. Mga mamahaling kagamitan, mga nag-gagandahang kubo na gawa sa kawayan at malawak na karagatan.

Eksaktong isang daan ang kuwarto ng bahay-bakasyunan. May silid-aklatan, at maraming kuwadro na nilikha pa ng mga sikat na magpi-pinta. Mula pa ito sa iba't-ibang bansa.

Kulay itim, puti, krema at dilaw ang hitsura ng bahay. Labinlima ang bilang ng mga maliliit na kubo. May sampung maliit na bangka na maaaring gamitin ng mga bisita, kung sakali man na naisin nilang maglibut-libot sa isla at may limang speedboat din ito.

Hindi lang basta-basta ang islang ito, dahil ang tanging maya-yamang turista, mga piling tao at ka-business partner lang ng mga Aligrossa ang nakakapunta rito. Isa pa kailangan ding magpa-book o magpirma ng isang kontrata.

Mga taong ma-impluwensya o makapangyarihang tao lang at limitado rin ang pagtanggap nila sa mga bisita.

Nakuha ang "Rossa" sa huling limang letra ng kanilang apelido na Aligrossa.

Meron din namang iilang tao ang nakatira rito. Gaya na lamang ng mga taga-paglingkod at pinagka-katiwalaan ng pamilyang Aligrossa.

Isa na rito si Mang Prodencio Talosig at ang kanyang pamilya. Isang pinakamahalagang tauhan at lubos na pinagkakatiwalaan nila sa pagbabantay ng Rossa Island. Halos labinlimang taon na rin siyang naninilbihan sa islang ito.

Si Mang Prodencio ay may busilak na puso, dahil sa tuwing may nangangailangan ay palagi siyang na riyan upang tumulong sa mga ito.

Kaya nga't halos ng mga taga-trabahador nila sa bahay-bakasyunan ay may malaking paghanga sa kanya at nire-respeto siya ng bawat isa.

Siya ay pinakamasipag na caretaker ng bahay-bakasyunan at taga-pagbantay ng pribadong isla.

At dahil sa kasipagan nito sa pagta-trabaho ay naging paborito siya ng pamilyang Aligrossa.

Ang kanyang mga anak at asawa niya ay ang siyang tanging nagsisilbing assistance ng mga mayayamang turista.

Nasa kabilang panig sila ng pribadong isla na nagsisilbi, at hindi naman ito kalayuan sa kanilang munting tirahan.

***

Madilim pa ang kalangitan at gumising na si Mang Prodencio para mamingwit ng isda.

May bagong kasal kasi sa bahay- bakasyunan at paborito ng mga ito ang kumain ng isda at halamang dagat. Kung kaya't maaga siyang gumigising.

Kinuha niya ang kanyang sombrelo sa sabitan nito at tuluyan nang lumisan sa kanilang tirahan.

Naglakad palapit si Mang Prodencio sa tabing dagat. Inayos niya muna ang kanyang lambat. Upang sa gayon ay hindi na siya mahirapan pa mamaya sa pag-aayos nito.

Nang itutulak na sana niya ang kanyang maliit na bangka, nang may isang bagay siyang nakita. Dahil sa hindi niya lubusang maaninag ang kanyang nakita ay lumapit siya sa bagay na iyon.

Laking gulat niya nang makita ang isang bangkay ng dalaga.

"D'yos ko po!" gulat na gulat na sambit niya sa sarili.

Labis-labis ang pagka-gulat niya sa nakita. Bakit naman nagkaroon ng isang bangkay rito sa isla?

Lumuhod siya para masuri ang bangkay. May mahabang kulot na buhok ito at may malambot na bagay ang yakap-yakap nito.

Hinawakan niya ang pala-pulsuhan nito at bumilis ang pagpintig ng puso niya.

"B-buhay pa ang dalaga!"

Mabilis niyang tinanggal ang mga bagay na nasa paligid nito at dahan-dahan niya itong hinila sa parte ng buhangin na walang tubig.

Sinuri niya ito sa ilong, sa leeg at sa pala-pulsuhan. At talaga namang humihinga pa ito.

Nakasuot ang dalaga ng puting damit na pang-amerikana at puro galos ang katawan nito. Maraming dugo at lalong-lalo na sa parte ng ulo nito.

Tumayo si Mang Prodencio at mabilis na tumakbo sa bahay nila. Para humingi nang tulong sa kasamahan niya.

Kailangan niyang masagip ang walang malay na dalaga. Humihinga pa ito kaya posibleng mabubuhay pa ito.

***

Sa isang simple at munting bahay ngunit may taglay na kalinisan. Nakahiga sa puting kama ang dalaga na nasagip ni Mang Prodencio na kanina sa tabing dagat.

Binihisan na nito ng kanyang asawa, kung kaya't hinihintay na lamang nila na magising ito.

Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na padyama. Medyo maliit ito sa dalaga. Dahil kasuotan ito ng kanyang anak na si Jonary, ang labinlimang taong gulang niyang anak. Si Jonary na kanilang bunsong anak.

Prenteng nakaupo sila sa maliit na silya. Matamang tinignan ni Aleng Camnia ang dalaga, ang asawa ni Mang Prodencio.

"Itay ang ganda niya, may mahabang kulot na buhok siya at kulay tsokolate. Morena ang kanyang kutis at maganda ang katawan. Matangkad din po siya Tatay," saad ni Rie. Nakatukod ang mga siko sa paa nito at nakalumbaba. Halata sa mukha nito ang paghanga sa walang malay na dalaga.

Naroon sa bahay niya ang kanyang panganay na anak na si Carlea at ang asawa nito na si Franco.

"Tatay paano kung masamang tao pala ang dalaga na 'yan?" tanong ni Carlea at halata sa boses nito ang pagkabahala.

Tinapunan nang tingin ni Mang Prodencio ang kanyang anak at seryoso ang mukha nito.

"Hindi naman siguro Carlea. Tingnan mo ang kanyang maamong mukha. Hindi ganyan ang mukha ng masamang tao at maaaring isa siyang bago nating bisita sa bahay-bakasyunan." Saglit na huminto sa pagsasalita ang matanda.

"Baka nalubog ang kanilang barko na sinasakyan? O sumabog?" kunot-noong saad niya.

Kahit si Mang Prodencio ay naguguluhan sa nangyari at napapa-isip kung ano ba talaga ang nangyari sa dalagang ito.

"Tatay tatawag naman po sina ma'am Aligrossa kung may bago tayong dating na bisita. At ano naman po ang sumabog? Wala tayong narinig na pagsabog ng isang bagay at maganda po ang panahon ngayon, kaya't napaka-imposible naman po na may lumubog na barko," mahabang saad ni Franco ang asawa ni Carlea.

Mas naguguluhan na si Mang Prodencio at hindi na makapag-isip nang maayos. Wala talaga silang idea, kung ano ba ang totoong nangyari sa dalaga. Maraming sugat at galos ito sa katawan. Matindi nga ang sugat nito sa ulo at may parte rin sa batok nito.

Pero isa lang ang naisip ni Mang Prodencio, hindi masamang tao ang dalaga. Baka nga may gustong kumitil sa buhay nito o may nagtangkang gahasain ito.

Pero ang sabi naman ng kanyang mahal na asawa ay hindi naman ito na gahasa. Na pansin din ni Aleng Camnia na may maliliit itong pasa at may kaunting sunog sa balat nito, na parang sumabog talaga ang sinasakyan ng dalaga.

Siguro...isang eroplano ang sumabog...

***

Dalawang buwan na ang nakakaraan, simula nang sagipin ni Mang Prodencio ang dalaga. At dalawang buwan na rin itong nakahiga sa maliit na kama ni Rie at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.

Naghilom na nga ang mga sugat at galos nito sa katawan. Pero ang sugat sa ulo nito at sa batok ay hindi pa masyadong magaling.

May kaunting dugo pa na lumalabas, binalutan na lang nila ito ng malinis na puting tela at nilagyan ng pinugpug na halamang gamot.

Sa nakalipas na mga araw ay hinintay nila ang taong maaaring maghahanap sa dalaga. Ngunit wala, marahil tama ang hinala ni Mang Prodencio na mayroon talagang nagtangkang pumatay sa dalaga.

Araw-araw ay pinupunasan ni Aleng Camnia ang wala pa ring malay na dalaga at gabi-gabi namang kinakausap ito ni Rie.

Hindi na nila ito dinala sa hospital at baka nga matagpuan pa ito ng masamang tao na nagtangka nang masama sa buhay nito.

Isa pa, kapos sila sa pera. Maaari naman silang humingi nang tulong sa pamilyang Aligrossa. Pero nahihiya si Mang Prodencio. Masyado na kasing malaki ang utang na loob nila sa mga ito.

Sapat na rin siguro na pinatuloy sila sa pribadong isla ng pamilyang Aligrossa at kahit pa-paano ay nabigyan sila ng trabaho sa bahay-bakasyunan.

May sumuri naman sa dalaga at maayos na naman daw ang kalagayan nito. Pinapa-inum na nga nila ito ng tubig kahit natutulog pa.

"Ateng ganda kailan ka ba magigising? Hindi ka ba napapagod d'yan? Masyado nang mahaba ang iyong pagpapahinga," tanong ni Rie sa natutulog na dalaga. Nakaupo siya sa isang maliit na silya, na nasa tabi nito ang kama.

Hinawakan ni Rie ang kamay ng dalaga at namilog ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang gumalaw ang mga daliri nito.

Maya-maya pa ay narinig niya ang mahihinang pag-ungol nito.

Mabilis na napatayo siya.

"N-nanay! Nanay!" tawag niya sa kanyang ina at wala pa roon ang tatay Prodencio niya, dahil nasa bahay-bakasyunan pa ito.

"Inay!"

"A-anong... A-anong nangyari Rie?! Bakit ka sumisigaw?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina nang mabilis itong nakapasok sa kanyang silid. May hawak-hawak pa itong sandok at halatang nagluluto ito.

"G-gumalaw po ang kanyang kamay Nanay! At narinig ko po siyang umu-ungol!" Pagbabalita niya sa kanyang ina.

Hinintay nilang mag-ina ang susunod na mangyayari.

Hanggang sa magmulat ito at sumalubong sa kanila ang kulay abo nitong mga mata.

"G-gising ka na..." mahinang bulong ni Aleng Camnia at natulala ito sa dalaga, na sa wakas ay nagkamalay na ito.

"Mas maganda po siya kapag nagising na," segunda ni Rie at katulad ng kanyang Ina ay natulala rin siya rito.

Talaga namang napaka-ganda nito kapag nagising na ang dalaga. Mas nasilayan nila ang ka-gandahan nito.

***

The cold water wrapped on her body, her mouth were closed and it's hard to open. She felt like she's falling and she glanced at the dark. Why she didn't see anything? But she's only saw the darkness. And no one's there, except her.

She's alone...she's alone, and she was afraid knowing it...she's alone.

Where is she? She was about to open her mouth and before she compose herself to speak when she heard something blow-up and take note, it was aloud.

She gasped when she felt a little fire hit her body and it is hurt too.

Her body slopped away because of the impact of something.

"H-help m--." She accidentally drink a salt water.

Pain, she felt a pain at parang ang bigat ng katawan niya. She felt pain in her head and even her nape too. What happened?

She moaned in pain, masyadong masakit ang kanyang ulo at mas bumigat ang kanyang katawan.

She can't move...ang mga daliri niya lang ang naigagalaw niya. May naramdaman siyang mainit at malambot na bagay sa kamay niya.

May naririnig siyang boses na sumisigaw ngunit hindi niya ito naiintindihan. Parang napakahina itong pakinggan.

She need to breath, dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at sumalubong sa kanya ang hindi pamilyar na kisame.

A little room and something...

She slowly moved her body and turn to her left side at sumalubong naman sa kanya ang dalawang tao na hindi rin pamilyar sa kanya.

'Who are you?" she asked them but it was only on her mind. No one's can hear what she said.

Why? Why is that? Why she can't talk? Why she couldn't say that loud and clear? W-what exactly happened to her?

"G-gising ka na..." the old woman said, but she can't understand what she said. Why?

"Mas maganda po siya kapag nagising na," the cute little girl uttered.

Her eyebrows meet and confused written on her face. Who are they?

'What? W-what is that? Why I couldn't understand them? They're words," she asked again to herself and she shook her head.

One thing she realized...

Where is she? What happened to her? W-why...

Wait... Sino siya? Bakit parang wala siyang maalala? Bakit parang na blangko ang isip niya?

She try to remember that, the exactly happened. Her past, her name and all. But, she was end up screaming in pain.

"D'yos ko!"

Napasigaw siya at napahawak sa ulo niya nang bigla itong kumirot nang sobra. Her head is too much hurt, she can't handle and too hard to endure the pain. Sobrang sakit na parang binibitak ito ng kutsilyo. Pababa sa kanyang batok.

"Ahhh!"

Her tears falling down on her cheek.

Nagpa-panic na sina Aleng Camnia at Rie sa biglaang pangyayari sa dalaga. Umiiyak ito at sumisigaw dahil sa sakit. Nakahawak sa ulo nito at nagsisigaw.

"Ahhh!" malakas na sigaw nito at pakiramdam nila ay mapuputulan ito ng ugat sa leeg.

"N-nanay...ano po'ng nangyayari sa kanya?" Natatakot na tanong ni Rie sa kanyang ina at napapa-atras siya.

"T-tawagin mo si Aleng Coha mo! Magmadali ka Rie!" sigaw ng kanyang ina.

"O-opo!" sagot nito at patakbong lumabas sa kanilang bahay.

Sinubukan naman ni Aleng Camnia na lumapit sa dalaga na walang tigil sa kaka-sigaw nito. Naaawa siya sa dalaga, marahil sobrang masakit ang ulo nito. Hindi naman ito siguro sisigaw nang ganito kung hindi masakit ang ulo nito.

"Ahhh! Ahh!" Mas lumakas pa ang pagsisigaw ng dalaga at nanginig ang katawan nito. She was crying because of pain she felt.

"H-hija, h-huminga ka muna nang malalim. K-kumalma ka hija," sambit ni Aleng Camnia.

Hinawakan niya ito sa ulo at marahang hinilut-hilot niya ang ulo nito, pababa sa batok nito. Inulit-ulit niya ito.

Nagsunud-sunod ang paghinga nito. Kumalma na ang dalaga at hindi na ito nagsi-sigaw. Pero naririnig pa niya ang mahihinang hikbi nito.

Maya-maya lang ay nawalan ito nang malay at siya ring pagdating ni Mang Prodencio.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login