Download App
70.73% Saki's One Shot Stories / Chapter 29: Chapter 29: Death Note

Chapter 29: Chapter 29: Death Note

"HOY loser. Alis na dito—bawal ang lampa" Nakangising sabi ni Sage sa lalaking nakatungo na dumaan sa grupo nila

Ngumisi naman pabalik ang lalaki

"Sage Sallow, mamatay ka na—" Matigas pa sa batong sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad

Siya si James Villamor Landero na kilala bilang napakatahimik at napakamisteryosong estudyante na nabibilang sa baitang dose. Ayon sa mga iilang estudyante hindi daw ito basta basta malalapitan

At nakakatakot daw ito kapag nagalit, wala siyang sinasanto mapabata man iyan o mapamatanda—pinapatulan niya

"James, mamaya na ang pagsusulat. Makinig ka muna sa discussion ko—" Sita ng kanilang guro kay James

Napahinto naman sa pagsusulat si James at mahigpit ang hawak sa kanyang ballpoint pen, ang ayaw niya ay iyong dinidisturbo siya

Natahimik naman ang lahat at batid niyang nakatingin ang kanyang mga kaklase sa kanya. Hindi kasi ng mga ito makakalimutan ang senaryong sinita siya ng kanilang unang guro na tinusok niya lang naman ang mata dahil sa dakilang paki-alamero at walang magawa sa buhay

Dinala sa pinakamalapit na hospital ang kanyang guro habang ang kanyang parker pen ay nakatarak sa mata nito. At kalaunay itrinansfer sa America para doon operahan

"May oras sa pagsusulat James. Iligpit mo na ang mga gamit mo," Tugon ng kanilang guro

Nanginginig naman sa galit na ibinaba ni James ang mga kamay na nakakuyom habang pinipigilan ang sarili

Nakahinga ng maluwag ang kanyang mga kaklase

"Akala ko ay gagawin na naman niya ulit 'yun." Rinig niyang reaksiyon ng kanyang kaklase

"Akala ko din eh. Grabe halos hindi na nga ako huminga kanina—" Sagot naman ng isa pa

Kung nakita lang ni James kanina na halos hindi na ang mga ito kumukurap sa kakatingin sa kanya. Nababahala na baka kumurap ay mawala ang eksenang pinakahihintay ng lahat

Napahinto na naman sa paglalakad si James ng harangan na naman siya ni Sage at ng mga barkada nito

"Anong sabi mo kanina? Sage Sallow, mamatay ka na? Whoaa natakot ako do'n ah. Ano lalaban ka?" Tulak nito sa balikat niya na bahagyang ikinaatras niya

Ngumisi naman siya

Hinawakan ni James ang kwelyo ni Sage at itinulak din niya ito paatras. At dahil nasa gitna sila ng lobby at nasa pinakatuktok ang silid nila

Itinulak niya si Sage dahilan para mahulog ito. Narinig niya pang parang kahoy na bumagsak ang katawan ni Sage sa baba

"Oh my God! May estudyanteng nahulog mula sa taas!" Rinig niyang pagtitili ng isang babae

At ng akmang isusunod niya ang mga kasamahan nito ay mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas ito ng takbo. Napapailing na lang siya

"Anong ginagawa mo James Villamor Landero! Bakit mo tinulak si Sage?!" Galit na galit na bulalas ng kanilang punong guro

Hindi siya sumagot sa halip ay patuloy pa din ang pagsusulat niya sa paborito niyang kwaderno

"Landero! Nakikinig ka ba sa'kin?!" Pagsisigaw nito

"Tumahimik ka—" Mahinahon niyang sabi

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko tumahimik ka!" At itinarak ang parker pen sa tenga nito na ikinahulog sa upuan ng kanyang principal

Tiningnan lang ni James ang punong guro na ngayon ay hawak hawak ang sariling tenga na nakadapa sa sahig habang pilit na inaabot ang door knob

Sinipa niya ito sa tiyan dahilan para mamilipit ito sa sakit

Kinuha niya naman niya ang susi na nakapatong sa mesa nito at lumabas sa principal's office sabay lock ng pinto

At pagkatapos ay pasipol sipol siyang bumalik sa kanyang silid na parang walang nangyari

Pero bago siyang makarating sa kanilang silid ay ibinuklat niya muna ang kwaderno at ikinrash out ang pangalan ni Sage Sallow

"Hoy James! Saan ka ba galing ha! Kanina ka pa hinahanap ni ma'am. Mabuti na lang hindi ka napansin pag pasok mo—" Pagka-usap ni Jacky sa kanya ang kanyang seatmate na ubod ng pagkadaldal

"H'wag kang maki-alam. At tumahimik ka." Pagpapatahimik niya dito pero mukhang ang tabil talaga ng dila nito

Si Jacky lang ang may lakas loob na kausapin siya at kapag nalaman siguro nito ang mga pinaggagawa niya siguradong masisindak ito

Hindi na lamang umimik si Jacky sa halip ay ibinalik na nito ang atensiyon sa pakikinig

Ikalawang araw, recess time—naiwan si James sa loob ng kanilang silid habang ang  atensiyon ay nasa kwaderno na naman at nagsusulat ulit. Ewan pero ang hilig niya talagang magsulat

"Nakakatakot talaga si James 'no?" Wika ni Margaux na nakasilip sa nakaawang na pinto ng kanilang silid

"Sinabi mo pa! Ako sana 'yung seatmate niya pero ng makita ko ang aura ng kanyang mukha ay naki-usap kaagad ako sa teacher natin na palitan ako h'wag lang makatabi iyang si Landero." Parang nanginginig na saad naman ni Mae

"Mabuti na lang talaga at hindi siya nanggugulo 'no?" Palatak naman ni Elaine

Ngunit napahinto sila ng may tumikhim ng sobrang lakas at iyon ay si Jacky ang katabi ni James

"O-oy, ikaw pala 'yan Jacky. K-kanina ka pa ba diyan?" Nauutal na tanong ni Margaux

Imbes na sagutin ang tanong ng kaklase ay nagtanong si Jacky pabalik

"Sinong pinag-uusapan niyo?" Tanong nito gamit ang mala anghel na boses

"A-ah wala, napag-usapan lang namin kung kailan kami gagalang tatlo." Kiming ngumiti si Margaux dahil alam niyang hindi madaling mapaniwala si Jacky

"Alam ko kung sino ang pinag-uusapan niyo, si Landero ang katabi ko." Pambabara ni Jacky

Nagulat si Margaux sa biglaang pagsabi ni Jacky

"Jacky, h'wag mong sabihin sa kanya huh? Please..." Sabay hawak nito sa kamay ni Jacky

Ngumiti naman si Jacky at tinapik ang balikat ni Margaux

"No worries Margaux, hindi ko sasabihin—" Pangangako niya sa kaklase

Lumipas pa ang ilaw araw ay ganoon pa din ang kilos ni James. Halatang wala siyang pagbabago, nakatutok pa din sa kwaderno at nagsusulat pa rin

"Psst! James anong ginagawa mo?" Bulong ni Jacky sa kanya

"H'wag mo kong kausapin, at h'wag kang disturbo." Sagot naman niya sa tanong ni Jacky

"Ang sungit mo naman, dinaig mo pa ako—" Ismid nito

Hindi na lamang sumagot si James sa halip ay itinuon muli ang atensiyon sa kwaderno

Alas kwatro ng hapon, uwian na at tanging si Jacky na lang ang naiwan sa classroom. Nagpaiwan siya dahil may nakalimutan siyang isang bagay na hindi niya matandaan kung saan niya ito nailagay

"Ano 'to?" Napapantistikuhang usal niya at pinulot ang isang maliit na bagay na nagpakuha sa kanyang atensiyon

"USB? Kanino kaya ito?"

Sinuri niya pa ito ng tingin pagkatapos ay napako naman ang mga mata niya sa notebook na nasa ilalim ng upuan

Nagkibit balikat na lamang siya at isinilid ang mga ito sa kanyang bag

"Maawa ka sa'kin, please pakawalan mo na ako..." Pagmamakaawa ng isang babaeng estudyante sa kapwa niya estudyante

"Para ano? Mang-api ulit? Sinong niloloko mo?" Malamig na sagot naman ng estudyanteng lalaki

Hindi na niya hinintay na makasagot pa ang babae. Pumwesto siya sa likod nito at hinila ang buhok nito para umangat ang ulo nito at mabigyan ng ispasyo

Tumingin muna ng ilang segundo ang lalaki sa camera bago inumpisahan ang paghiwa sa leeg ng estudyanteng babae gamit ang matulis na kutsilyo

Hindi makapaniwalang kumurap ng ilang beses si Jacky habang hindi maalis alis ang tingin sa videong patuloy pa din sa pagplay

"Ang brutal naman masyado." Hindi niya mapigilang mapareact

Agad naman niyang kinuha ang itim na kwaderno at binuklat iyon at nagulat siya sa nakitang ang daming pangalan na nakalista sa unang pahina pa lamang

Sage Sallow

Margaux Fernsby

Elaine Loughty

Mae Villin

Next Target, My Seatmate: JACKY VILLANUEVA

Naturang nanlaki ang mga mata ni Jacky sa nabasa—isa pala siya sa mga papatayin nito

At hindi niya maiwasang kabahan na baka bukas ay gagawin na nito ang mga planong pagpatay lalo na't apat na lang silang natira. Hindi siya dapat matakot dito—dapat ay kausapin niya ito

Nakita ni Jacky na nakaupo si James sa nirerespetong upuan nito at parang may hinihintay. May hawak pa itong kutsilyo at nilalaro laro pa ng isa nitong kamay

"Nandito ka na pala." Saad nito at inalis ang paang kanina ay naka de-kwatro

Hindi siya sumagot—sa halip ay pabagsak niyang inilapag ang kwaderno nito at USB sa armchair

"Ba't mo 'to ginagawa?" Walang pag-aalinlangang tinanong niya si James

"At bakit naman hindi?" May sarkasmo sa boses na sagot naman nito

"Wala silang kasalanan James. Bakit mo ba sila pinahihirapan?" Naguguluhang bulalas niya

Napabuntong hininga naman si James at tumayo sa pagkakaupo

"Kasi nababagay lang sa kanila iyon. Sa tingin mo Jacky, ba't ko ba ito ginagawa?" Balik tanong naman ni James sa kanya

Hindi siya nakasagot

Hindi din niya kasi alam kung anong rason nito at bakit ito pumapatay. Nang mabagot si James sa kakahintay kung anong isasagot niya ay nilagpasan lang siya nito at nilapitan ang tatlong babaeng nasa kwaderno nito

Walang awang sinaksak ni James ang bawat isa sa kanila hanggang sa ang natira ay si Mae

Nilapitan naman siya ni James na puno ng dugo ang mukha at damit nitong puti pagkatapos ay pinahawak sa kanya ang kutsilyong ginamit nito sa pagpatay ng kanilang mga kaklase

"Patayin mo ang natira—" Utos nito sa kanya

Hindi niya magawang umayaw dahil sa parang kinokontrol siya nito na gawin ang utos na gusto nito

Sinunod nga niya ang sinabi ni James, mahigpit ang hawak niya sa kutsilyo at dahan-dahang nilapitan si Mae na ngayon ay nakaupo sa sahig at may busal ang bibig

Hindi siya nagdadalawang isip na itarak ang kutsilyo sa ulo nito. Paulit-ulit hanggang sa mabahiran ang mga kamay niya ng dugo.

"You did a great job Jacky, I'm impressed—"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C29
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login