Download App
67.64% Online It Is / Chapter 68: Chapter 34.0

Chapter 68: Chapter 34.0

Chapter 34:

Abby's POV:

Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin ni Rigel pauwing Pinas ay hindi ko maiwasang bumuntong hininga ng malalim.

Napakadaming nangyari sa Hawaii sa loob ng tatlong araw. At heto nanaman ako, balik normal nanaman. Kakayanin ko bang umastang parang normal lang ang lahat?

"So uhh, do you want me to accompany you with all of these?" Tanong ni Rigel na wari'y ingat na ingat siya sa bawat bibigkasin niyang salita. He's been like this since last night. Hindi niya ako binibwisit kaya walang nangyaring bangayan sa pagitan naming dalawa which is very unusual. 

"Hindi, salamat na lang. Kaya ko na 'to. Magtataxi na lang ako pauwi kaya magpahinga ka na lang." I smiled at him. May utang na loob ako sa kaniya eh, siya ang nagbitbit ng lahat ng pinamili ko sa night market kagabi. Iniwan niya ang mga ito sa tapat ng pintuan ng suite ko matapos ko siyang iwan at nagpuntang beach. Siya ulit ang nagbitbit ng mga ito mula sa pag-alis namin ng Maui hanggang ngayong nandito kami sa airport. Take note, wala akong narinig ni isang reklamo mula sa kaniya. 

"Ano.... Sige, pero samahan na lang kita hanggang sa makasakay ka ng taxi."

"Oh sige sure." Ang bait naman nito sa'kin porket malungkot ako. Siguro kung lagi akong malungkot, ay lagi rin siyang magiging mabait sa'kin.

Mahina kong sinampal ang sarili.

Baliw ka na Abby! Tandaan mo self, broken hearted ka lang pero hindi ka hibang okay?

"Hey, are you okay?" Napansin ata niya ang ginawa ko sa sarili.

"Ah ano, ayos lang ako. May lamok lang sa mukha ko. I awkwardly smiled.

Mukhang naweweirduhan ang loko sa akin pero hindi na lang siya nagsalita at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang bitbit ang mga abubot ko.

Nang makarating ako sa bahay ay doon ko lang naramdaman ang pagod. 

I'm not only physically drained, but emotionally tired also.

Ito ang unang pagkakataon na naramdaman kong nag-iisa ako dito sa bahay ko. Well, lagi naman akong mag-isa simula ng ipagawa ko 'to, pero hindi ko nararamdaman na mag-isa ako dahil kay Nich. 

Kung hindi siguro nangyari ang nangyari kagabi ay kachikahan ko na si Nich sa mga oras na 'to at shinishare ang mga ganap sa buhay ko nitong mga nakaraang araw.

But it's the opposite. 

Nang mailapag ko sa sofa sa sala ang mga gamit ko ay hindi na ako nag-atubili pang ayusin ang mga ito, bagkus ay dumiretso agad ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama.

Isinwitch ko ang lampshade na nasa side table ng kama pero agad ko rin itong pinatay nang makita ko ang litrato nakalagay sa picture frame namin ni Nich na nakapatong sa lamesa.

Again, naramdaman ko nanaman yung sakit sa dibdib ko.

I bitterly smiled. Ang malas ko naman sa pag-ibig. 

Kinuha ko ang litrato at hinaplos ito.

"Tell me Nich, kaya siguro hindi ko maibigay ang buong pagmamahal ko sa'yo ay dahil hindi ka talaga para sa akin? Na kaya kahit ano'ng gawin kong pagsusumikap para maibalik at mapantayan ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin ay hindi ko pa rin ito magawa dahil hindi tayo para sa isa't-isa? Dahil ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para maipaintindi sa akin na hindi ko deserve ang pagmamahal mo? Ang saklap naman kung gano'n." Pagak akong natawa habang pinupunasan butil ng luha na lumandas sa aking pisngi. Baliw na ata ako dahil pati litrato ay kinakausap ko.

I slowly put the picture frame down before slowly closing my eyes. 

Let's rest for now self because tomorrow is another day.

~

"Wow naman ma'am! Ang ganda po nito."

"Oo nga po Miss Dizon, nag-abala ka pa po."

"Ang dami nito ma'am, pa'no niyo nabitbit lahat ng mga 'to?"

Ilan lamang 'yan sa mga sinasabi ng empleyado ng kumpanya nang maibigay ko sa kanila ang mga souvenir. Of course, lahat sila ay nabigyan dahil dinamihan ko talaga ang pagbili ng mga keychain. 

Kita ko ang tuwa sa kanilang mga mukha nang makita nila ang bigay ko sa kanila which made me feel better. 

"Ano ba kayo, syempre malakas kayo sa'kin! Oh siya, papasok na ako ng opisina. Pakibigay na lang yung ibang souvenirs sa iba pagkarating nila." Masaya silang nagsitanguan bago bumalik sa kanilang working area.

Kinabukasan matapos kong makauwi dito sa Pinas ay hindi muna ako pumasok. I stayed the whole day at home to fix my things, and also to organize the souvenirs and pasalubongs. Inihiwalay ko ang para sa CosmiCandy fam sa mga friend at relatives ko.

I kept myself busy the that day. Naglinis ako ng buong bahay matapos kong ayusin ang mga gamit ko.

The good thing is, hindi ako nakaramdam ng lungkot sa buong araw na nasa bahay ako kahit mag-isa ko lang. 

Bago ako pumasok sa aking opisina ay dinayo ko muna si mama sa opisina niya para ibigay ang pasalubong. Of course, hindi ko sinabi sa kaniya ang ganap sa Hawaii, at laking pasasalamat ko na lang din nang hindi nagtanong si mama. Well, hindi naman sa sinisekreto ko, it's just that I think this is not yet the right time to talk about it. Ayaw kong mamroblema si mama dahil sa buhay pag-ibig ko.

Hindi rin ako nagtagal sa opisina ni mama dahil parehas kaming marami pang kailangang gawin kaya agad din akong bumalik sa aking opisina. 

Huminga muna ako ng malalim bago pihitin ang seradura ng pintuan ng aking opisina. 

"Hello normal life." Mahinang sabi ko sa sarili. Bago tuluyang pumasok sa loob.

Pero ang inaasahan kong tahimik na opisinang sasalubong sa akin ay hindi ko nadatnan. Bagkus ay isang opisinang may malakas na tugtugin ang sumalubong sa akin.

"SANDALEEEEEEE!" 

Sino pa nga ba? Syempre ang dalawang nilalang na hindi pwedeng magsama ng hindi nagbabangayan.

"Nandiyan ka na pala girl!" Malakas na sabi ni Joyce habang nasa loob ng storage room, mukhang patapos na siyang magluto ng kung anumang niluluto niya. Fried rice ang hula ko.

"Uy bakla, ikaw pala!" Sabi naman ni Jackie habang vinavacuum ang carpet. Pinahinaan niya ang speaker bago itabi ang vacuum na hawak niya.

"Bakit kayo nandito aber?" Nakapameywang na tanong ko.

"Syempre, wala kami doon kaya nandito kami bakla. Common sense po."

"Tinatanong pa ba 'yan girl? Syempre common sense na nandito kami para diyan sa mga dala mo." Ininguso ni Joyce ang tote bag na dala ko.

"Mga abnoy talaga kayo." Inirapan ko sila bago iabot ang tote bag kay Jackie. "Sa inyong dalawa 'yan. Don't worry, pinangalanan ko ang kung ano'ng sa inyo.

"Salamaaaat bakla!"

"Salamat girl!" They said in unison at ako naman ay dumiretso sa table ko.

Nang matapos nilang inspeksyunin ang mga bigay ko ay inaya nila akong kumain. Dang, mabuti rin pala na nandito sila dahil hindi ako nakapag-almusal.

Tama nga ang hinala ko, nagluto si Joyce ng fried rice na sinamahan niya ng hotdog at bacon. Nagtimpla naman si Jackie ng kape para sa aming tatlo.

"Mabuti naman at hindi ka nakabuhos ngayon girl. Ayan, dapat marunong kang magdahan-dahan." Puna ni Joyce kay Jackie nang mailapag niya sa lamesa ang mga tinimpla niya kape.

"Che!" 

"Bakit, ano ba'ng nangyari?"

"Ayan kasing si Jackie, nagtimpla kanina ng kape tapos aksidente niyang nabuhos sa pinakamamahal mong carpet dahil sa kashungahan niya."

"What?"

"Ops! Pinalinis ko naman na kanina. Tsaka kita mo naman 'diba, vinavacuum ko pa rin kanina kahit nalinisan na para masigurong malinis talaga. Ang daldal mo talaga bakla!" Tinignan ko ang parte kung saan daw nabuhos ang kape, tama nga si bakla, malinis na ito. Aba dapat lang! Baka ako pa mismo ang umahit ng kilay niya kapag pinabayaan niya lang 'yon. 


CREATORS' THOUGHTS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C68
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login