Chapter 3: Status
"Huuuuuuuhhhhhh???!!!!!!!"
Napuno ng maitim na enerhiya ang loob guild at nagumpisang magbagsakan ang mga baso sa tukador. Nagsimulang umihip ang malamig na hangin sa loob ng guild. Nagpatuloy ang takot nina Norman at Gordon na parang katapusan na nilang dalawa. Hindi sila bumangon o huminga o kahit gumalaw lamang. Dahil alam nila na maaring iyon na ang huli nilang sandali.
Ngunit sa hindi inaasahan ay...
"Hahahahahahahahahahahahahahaha!" Isang malakas na tawa lamang ang inilabas ng Guild Master na parang nakarinig siya ng isang nakakatawang biro.
"Napakatapang mo babaeng tao. Samantalang may dalawang lalake dun na hindi makagalaw sa takot." Sabay turo kay Gordon at Norman.
"Tumayo kayo diyan, kung hindi diyan ko kayo ililibing." Utos ng Guild Master.
"Oo!!" Sabay na pagbigkas ng dalawa.
"Sabihin niyo, kaninong kasintahan ang dalagang 'to?" Tanong ng Guild Master.
"Sa Kaniya!" Nagturuan ang dalawa sa takot.
"Wala akong boyfriend sa kanilang dalawa." Depensa naman ni Brenda.
"Kung ganun tumungo tayo sa pakay mo tao. Sabi mo gusto mong maging adventurer, tama? Kung ganun, sundan mo ako. Sumama kayong dalawa." Mungkahi ng Guild Master.
Habang naglalakad patungo sa silid kung saan ginagawa ang pagpaparehistro ay . . . . .
"Huh? Asan ako? Aaaahhhhh. Andyan na ang Guild Masterrrrr!!!! Eh? Asan na sila?!"
"Nandito na tayo." Bigkas ng Guild Master habang hinihimas ang balbas niya.
"Pero nasa pintuan lang naman tayo." Tanong ni Brenda.
"Kapag mabubuksan mo ang pintong 'to, pagiisipan ko kung irirehistro kita." Bigay na pagsubok ng Guild Master.
"Gusto ko'ng malaman kung kaya mong depensahan ang sarili mo. Napakaraming mga babae ang gustong sumubok maging adventurer ngunit bago pa sila lumakas ay nasira na sila. Ang karamihan ay pinagsamantalahan, ang iba ay ginawang alipin. Napakatapang ng mga salitang binitiwan mo kanina pero, kaya mo bang patunayan ang lahat ng 'yon?! Bibigyan kita ng isang araw, kapag nabuksan mo ang pinto bibigyan kita ng pagkakataon." Ika pa nito.
"Huh?! Ganun ba kahirap buksan ang pintong 'to? Norman hindi ba't isa kang adventurer? Alam mo ba kung pano ito buksan?" Pagtatanong ni Brenda.
"Nang una kong makita ang pintong 'to bukas na siya. At ang sabi sabi ng ibang mga adventurer. Ang Guild Master lang daw ang mag kayang buksan ang pintong 'to dahil sa taas ng mana na kaya niyang iimbak sa katawan niya. Ang Guild Master ay isa ding Enhancer type kaya naman kaya niya tong buksan." Paliwanag ni Norman.
"Eh ikaw Gardo? Kaya mo 'tong buksan? Enhancer ka din diba?" Tanong ni Brenda.
"Hindi ko kaya. Kumpara sa Guild Master. Isa lang akong sanggol. TSAKA HINDI GARDO PANGALAN KO, GORDON, GORDON ANG PANGALAN KO!!!!" Paliwanag naman ni Gordon.
"Ano babae? Susuko ka na ba?" Panunukso ng Guild Master.
"Hmm! Hindi ako basta basta susuko. Mabuksan ko man ito o hindi, hindi parin ako susuko sa pagiging adventurer. Kailangan ko to para makauwi samin. Hiiiyyyyaaaaaaaahhhhhh Largaaaaaaaaa!!!!!!" Itinulak ni Brenda ang pinto ng ubod ng kaniyang makakaya at .....
"Eeeeeekkkkkkkkk!!!" Bumukas ang pinto.
"Eh? Anong nangyari? Anlakas ko. Wooohhhh anlakas ko woooohhhh!" Napatalon si Brenda sa tuwa at niyakap ang Guild Master.
"Eehemmm!"
Nang mahimasmasan si Brenda ay binitawan niya ang Guild Master.
"Ay sorry pandak."
"Sa totoo lang, hindi totoo ang mga sinabi nilang mahirap buksan ang pintong ito. Kapag may nakikita akong tao na may potensyal, lalaki man siya o babae o kahit ano man ang lahi niya. Sinasara ko ang pinto at nagsasama ako ng mga mahihinang adventurer para ipagsabi ang mga nalalaman nila. Ngunit kung sa kabila ng mga narinig mo ay umatras ka, ngayon palang ay wala ka nang mapapala." Paliwanag ng Guild Master.
"Mahina?!" Sabay na bigkas ng dalawa at nagtinginan.
"Napansin ko na pagpasok ko palang kanina sa pintuan ng Guild, hindi ka taga-rito babae. Sinubukan kita kung hanggang saan ang kaya mo. At napansin ko nga na nakita mo ang mga galaw ko nang patumbahin ko ang dalawang lalaking to sa harapan mo." Paghanga ng Guild Master.
"Gayon! Pumasok tayo sa loob. Kayong dalawa, maiwan kayo dito sa labas." Mungkahi ng Guild Master.
Pumasok si Brenda at ang Guild master sa loob kahit nakabukas ang pinto ay hindi makikita ng mga nasa labas ang nasa loob ng silid dahil sa napakalakas na enerhiya na bumabalot sa loob.
At nagsimula na nga ang pagpaparehistro.
"Ipatong mo ang iyong kamay sa kristal na ito. Gamit naman ang kutsilyong ito ay sugatan mo ang iyong sarili at ipatak mo sa kristal ang iyong dugo upang malaman natin ang mga detalye sa pagkatao mo, kung gano kataas ang Life force mo na nakabatay sa Health Icon at Mana Icon na lalabas sa braso mo. Ikaw lang ang makakakita ng iyong Status maliban sa mga adventurer na mas mataas ang Status sa iyo. Kapag mataas ang status mo sa adventurer na kaharap mo, makikita mo ang mga detalye ng status nila, at kapag mas mataas sila sayo, makikita nila ang status mo."
At ginawa nga ni Brenda ang lahat ng inutos ng Guild Master.
Sa gitna ng pagrerehistro ay nabigla ang Guild Master sa kaniyang nakita. Hindi numero ang lumabas sa Status ni Brenda kundi simbulo (Infinity Symbol ♾ ). At ginawan agad ito ng paraan ng Guild Master dahil alam niya na kapag nalaman ng kahit na sino ang Status niya. Maari itong mag-mitsa ng isang giyera. Aabusuhin ng Histeria ang kakayahan ni Brenda ganun din naman sa ibang bansa na makakakita sa kaniyang status. Maaring dakpin siya at gawing isang armas. Maari ding pagmulan ng takot ang kapangyarihan niya at magdeklara agad sila ng giera habang wala pang alam ang Histeria. At itinago din ng Guild Master ang katotohanan kay Brenda dahil wala itong tiwala sa kaniya. Maaring abusuhin ni Brenda ang kapangyarihan niya at magtayo ng bansa.
"....kaya ngayon palang." Nagsimulang magbanggit ng orasyon ang Guild Master at itinaya ang lahat ng mana niya sa oraysong iyon para palitan ng mga pekeng numero ang Status nu Brenda.
"Hindi sapat ang mana ko."
Nabigla si Brenda sa nangyari ngunit hindi siya umalis sa silid bagkus ay nanatili siya hanggang matalos ang orasyon.
*Drip drip*
Patuloy ang pagtulo ng dugo sa braso ng Guild Master at halatang pagod na pagod at hinang hina ito.
"Hindi ko akalaing isang braso ang katumbas ng pagpigil sa giera." Ika ng Guild Master sa kaniyang sarili.
Nawalan ng malay ang Guild Master at bago pa man ito matumba sa lupa ay sinalo na ito ng isang nilalang. Isang Diablo.
"Napakaswerte mo tao at binigyan ka ng pansin ng aking panginoon. Maari ka ng lumabas." Sambit ng Diablo kay Brenda.
*Ang demon ay isang familiar type. Hindi sila adventurer. Isa silang uri ng nilalang sa Grandia na tinuturing na mga nagmula sa kadiliman at tanging mga mabubuting nilalang lamang ang kayang magpasunod sa kanila. Kapag masama ang adventurer o kahit na sinong master ng Demon ay kakainin niya ito ng buhay dahil sa ang kasamaan ang kanilang pagkain at lakas. *
Lumabas na nga si Brenda sa silid at tinignan ang kanyang Status.
HP: 7600POINTS MP: 10500POINTS
UNIQUE SKILL : CREATOR
OTHER SKILL : DESTROYER
"Yeeesss! Isa na akong adventurer. Tara na at maklakbay. Lakbayin ang mundo. Largaaaaa!" Masayang sigaw ni Brenda.
Grrrrruuuggggggg!!!
"Pero kumain muna tayo, gutom na ako eh."
GOLD: 999999999
.....
— New chapter is coming soon — Write a review