Download App
75% Day of Nightmares / Chapter 3: I want to live

Chapter 3: I want to live

"Arghhhhhh....! Hindi.....!"

"Arghhhhhhhhhh..........." mga salita na para bang nahuhulog sa kawalan.

-----------------------------------------------------------------------------------

Hindi maitago sa pagmumukha ni Jan ang pagkataranta. Habang nagkakagulo na sa baba patungo sa kaniya, si Jan naman ay pilit parin linalabanan ang takot at tumitingin-tingin sa paligid ng terrace kung ano pa ang magagamit niya para makaligtas. Tinignan niya ang kanyang dalang bag at dismayado siya sa kaniyang nakita.

"Libro, Notebook, Ballpen, Libro, Libro, at Libro! Mukhang dito na yata ako mamamatay!"

"Ano naman ang gagawin ko dito? Ipanghahampas ko sa kanila?" mga salitang nasa-isip ni Jan na halatang dismayadong dismayado.

"Hay!..... Ano ba yan! Kahit naman saglit lng GUSTO KO PANG MABUHAY... Di ko pa alam kung sino yung tumawag sakin!"

"At saka, baka siguro may nakaligtas pa na kakilala ko" mga salita na para bang nawawalan na ng pag-asa si Jan.

Biglang may napansin si Jan na tunog!

"Ano yun?"

"Parang tunog ng makina ah!, parang isang motorsiklo?"

"Parang papunta dito!"

Agad na sumilip si Jan mula sa terrace. Hinanap niya kung saan galing yung tunog. At may nakita siyang nagmo-motor sa bandang kanan na papunta sa lugar niya. Agad sumigaw si Jan at humingi ng tulong. Nagbabasakali na baka tulungan siya nito.

"Hoyyyyy........! Tulong! Tulungan mo ako dito!" sigaw ni Jan.

Sa lakas ng sigaw ni Jan dahil narin sa kagustuhan niyang makaligtas ay agad naman siyang napansin nito ngunit, sa halip na tumigil at tulungan siya ay bigla itong humarorot na para bang ayaw nitong madamay sa kinasasangkutang panganib ni Jan.

"Hoy! Hoy! San ka pupunta? Hoy! Bumalik ka dito!"

"Hoy! Tangna.......! Bumalik ka!" sigaw ni Jan sa naka-motor.

"Buwesit! sa lakas ng boses ko siguradong papunta na sila dito sa terrace!"

"Buwesit na taong yun di manlang tumulong! Anong gagawin ko ngayon?" mga salitang nasa-isip ni Jan na nangangamba sa kaniyang sitwasyon.

Sumilip si Jan sa ibaba mula sa terrace at wala siyang ibang makita kung hindi ay bubong ng bahay ng manok na gawa sa yero, nasira nilang bakuran, at mga zombie na nagtatakbuhan at nagkakagulo dahil sa tunog ng motor. Dahil dito ay napa-isip at napagtanto ni Jan na naisahan siya nung naka -motor at lalong nainis.

"Teka nga muna, parang ako ang ginawang pain ah!"

"Dahil sa tunog ng cellphone ko ay nagpuntahan yung zombie sa loob ng bahay"

"Kaya malinis na yung daan para makadaan yung motor"

"Arghh! tangna! yung lokong yun"

Subalit dahil sa mga nakikita niya sa ibaba ay naka-isip ng panibagong plano si Jan upang makaligtas.

"Pero chance ko na ito para makaligtas"

"Mukhang madaming zombie ang naakit at nagsilabasan sa bahay"

"Teka lng magagamit ko itong mga librong to sa pag-akit at pagpalabas ng mga natitirang zombie sa bahay"

"Makakaligtas pa ako!"

Sumilip ulit si Jan sa ibaba mula sa terrace upang maghanap ng mga bagay na madaling makakagawa ng malakas na ingay at doon ay nakita niya ang bubong ng bahay ng manok na gawa sa yero at yung mga bubong ng mga maliliit na bahay ng kanilang mga kapitbahay. Agad niyang binato ng notebook ang bubong ng bahay ng manok at sinundan niya ito ng napaka-kapal na libro.

Hindi naman nabigo ang kaniyang plano at lumikha ito ng malakas-lakas na ingay na nagpa-akit sa mga zombie na nasa loob ng kanilang bahay ngunit, nagpa-akit din ng mga zombie mula sa labas ng kanilang bakuran. Sunod niyang binato ang bubong ng kanilang kapitbahay ng dalawang makakapal na libro sabay bulong ng "i love you history ngunit kailangan kitang bitawan" "i hate you mathematics pero iniligtas mo ang buhay ko ngayon".

Sa kapal ng mga libro at lakas ng pagkabato niya ay lumikha ito ng malakas na ingay na nagpa-akit sa maraming zombie na nakapaligid sa tapat ng kanilang bahay. Naging matagumpay ang kaniyang plano at ngayon ay wala ng zombie sa loob ng kanilang bahay ay pwede na niyang ipagpatuloy ang kaniyang naisip na susunod na hakbang. Bitbit ang kaniyang tubong bakal at bag na puro damit ang laman ay pumasok siya sa loob upang hanapin ang hagdan na gawa sa kahoy. Nang papalapit na siya sa hagdan para bumaba ay bigla siyang napatigil dahil sa narinig niyang mga tunog at dahan-dahang sumilip.

May nakita siyang dalawang zombie sa hagdanan na papunta sa kaniya. Dahan-dahang umatras si Jan papunta sa kaniyang kuwarto at pumasok. Iniwan niyang bukas ng bahagya ang pinto, pumwesto sa likod ng pinto, at gumawa ng maliit na ingay na sapat para maakit ang dalawang zombie. Hinintay niyang makapasok ang dalawa at saka niya ito sinunggaban. Hinampas niya ng malakas na tubo sa batok ang ikalawang pumasok, sinundan ng malakas na hampas sa ulo, at agad hinampas ang nauna. Tumama ito sa katawan at hindi manlang napa-atras o natumba, pagkatapos ay sinubukan siya nitong daganan at kagatin, buti nalang ay naiharang niya ang kanyang bag na may lamang mga damit na nakasabit sa kaniyang kaliwang balikat.

Sa sobrang gilas nito ay sinubukan ni Jan na itulak papalayo ang ulo nito gamit ang tubo para maka-distansya. Nang magawa niya ito ay agad niya itong sinipa at tumilapon, dali-daling tumayo si Jan at hinampas niya ito ng hinampas sa ulo hanggang hindi na gumalaw. Dahil sa mga nangyari ay naisip ni Jan na kailangan niya ng proteksyon laban sa kagat ng mga zombie.

Kinuha ni Jan ang lahat ng kaniyang natirang damit sa aparador at ipinulupot niya sa kaniyang paa, binti, leeg, braso, at kamay. Dinoble niya ito upang makasiguro. Nagpatuloy si Jan sa kaniyang plano. Dahan-dahang bumaba sa hagdan, nakita niya ang bumagsak na pinto, sumilip sa labas upang makasigurado na walang zombie, at hinarangan niya ito gamit ang sofa ng dahan-dahan. Nagpatuloy patungong kusina at lumilingon-lingon sa paligid. Pagdating sa kusina ay nakita niya si Mang Kanor palakad-lakad at si Mang Nestor na nakatunganga na parehong mga zombie na.

Dumapa at gumapang siya patungo sa lamesa. Pagkatapos ay dahan-dahang gumapang patungo kay Mang Nestor na nakatunganga. Agad siyang napansin ni Mang Kanor at sinugod siya nito. Hinampas niya si Mang Nestor sa ulo ng malakas at agad bumulagta habang si Mang Kanor ay papalapit sa kanya. Paglingon ni Jan ay hindi na siya maka-react, nadaganan siya ni Mang Kanor at natumba. Agad naman niyang napigilan si Mang Kanor sa pagkagat gamit ang tubo. Habang pinipigilan niya si Mang Kanor ay bigla niyang na-alala ang utang niya kay Mang Kanor na isang crispy pata at dalawang kanin.

"Sayang! mukhang hindi na ako makaka-kain ng masarap na ulam simula ngayon"

"May ulam pa kaya sa karinderya niyo?"

Agad hinawakan ni Jan ang leeg ni Mang Kanor gamit ang kanyang kaliwang kamay at hinampas ang ulo nito sabay sipa. Tumilapon si Mang Kanor, tumayo si Jan at umatras. Muling sumugod si Mang Kanor, umilag si Jan pa-kaliwa at hinampas si Mang Kanor. Tumama ito sa likod at napadiretso si Mang Kanor sa hugasan ng plato. Sinundan ito ng malakas na hampas ni Jan sa ulo at bumulagta si Mang Kanor.

"Ha! Ho! Nakakapagod pala pumatay ng zombie"

"Nga pala anong oras na kaya ngayon? Nagugutom na ako!"

"Kailangan ko nga palang mag-imbak ng pagkain" hinihingal na pagkasabi ni Jan.

Hinalughog ni Jan ang buong kusina para maghanap ng pagkain.

"Ok! mukhang sapat na ito"

"Isang tray ng itlog, tatlong lata ng sardinas, isang lata ng cornedbeef, isang lata ng tuna, limang saging, isang supot ng tinapay, at saka dalawang litro ng tubig"

"Ayos! Kakain muna ako!"

Habang kumakain ay ini-isip ni Jan kung saan kaya inilagay ng kanyang Ama yung hagdang gawa sa kahoy.

"Saan kaya yun?? hmm..."

"Wala sa terrace, wala din sa labas..."

"........"

"........." makalipas ng ilang minuto.

"Alam ko na! Baka nasa likod ng bahay! May inaayos siya doon nung isang linggo!"

Agad kumilos si Jan, gamit ang pintuan sa kusina ay tinungo niya ang likod ng kanilang bahay ng dahan-dahan at doon ay nakita niya ang kaniyang hinahanap. Binuhat ito agad ni Jan, dali-daling pumasok at nagmadali papunta sa terrace. Pagdating sa terrace ay inilagay ito ni Jan sa bubong ng kusina.

"Ayos! makakapagpahinga na rin ako!"

"Hindi dapat magmadali! Kailangan ko pang magplano!"

Umakyat si Jan patungo sa bubong ng ikalawang palapag. At ngayo'y nasa itaas na siya, kitang-kita na niya kung gaano ka-gulo at ka-laki ang pinsala na naidulot ng kaguluhang dala ng mga zombie. Sira at nasusunog na gusali, bahay, at kotse. Bumagsak na helicopter, mga ambulansiyang nakatiwang-wang, mga katawan ng tao na nagkalat na kina-kain ng mga zombie, at isang dagat ng mga patay na naglalakad.

Agad binuhat at kinuha ni Jan ang hagdan para siguradong walang makaka-akyat. Dahil sa mga nakita niya, walang magawa si Jan kundi magpahinga nalang at humiga saglit. Tulala na nakatingin sa langit na para bang may malalim na iniisip.

--------------------End of Part 3--------------------


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login