Download App
80% TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 68: The Tip Until The End

Chapter 68: The Tip Until The End

Chapter 64: The Tip Until The End 

Haley's Point of View 

  Day 13. Matapos ang ilang araw na nakakulong ako sa kwarto ko, nagawa kong makalabas ng bahay. 

Pero kumpara noon, kasama ko si Papa papuntang skwelahan. Nag leave siya ng isang linggo sa trabaho niya para masamahan ako kahit hindi ko rin maintindihan kung bakit niya pa ginagawa kung aalis din naman siya pagkatapos. 

  "Hindi mo naman ba naiwan 'yung pagkain mo?" Tanong niya sa akin nang mapaandar na niya ang makina nung sasakyan. 

Labas sa ilong akong tumungo. "Na sa bag ko po." Parang napapagod kong sagot kasabay ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Tahimik lang kmi sa biyahe nang magpasya siyang magtanong. 

  "Ayaw mo ba talagang sabihin kung bakit nangyari 'yon sa inyo ng mga kaibigan n'yo?" Nag-aalala nitong tanong sa akin, hindi ako nagsayang ng oras na ibuka ang bibig ko para sagutin iyon. 

  Kasi kahit naman sagutin ko, magmumukha lang akong tanga. Magkakaroon rin nang malaking gulo kung sasabihin ko na hinahabol ako ng kamatayan dahil sa mga kalaban ni Lara. 

  Pag-aalalahanin ko lang din sila Mama kung sinabi ko. I also don't think they would actually believe me even if I tell them. 

Apparently, I could tell that my twin sister have no plans on meeting with our Mother. That is how she's serious on protecting us. 

  "Regarding to Rain Evans." Naalala kong banggit ni Lara sa akin nung dinalaw niya ako sa confinement room sa basement nila at bago niya ako iwan sa kwartong iyon. "She was my partner before she died as she was trying to protect you." 

  Huminga ako nang malalim nang maramdaman ko nanamang bumibigat ang pakiramdam ko kaya biglang nag-alala sa akin si Papa dahil napapadalas na rin 'yung paninikip ng paghinga ko. 

  May dumalaw sa akin na doctor-- o sabihin nating psychiatrist sa bahay para I-check ako. Mayroon nga akong anxiety, kung pipiliin kong palalain 'yon, mas mahihirapan ako kaya hangga't maaari, nilalabanan ko. Ngunit kung minsan, hindi ko rin maiwasan mag-isip ng mga bagay-bagay. Lalo na kung napanaginipan ko, o bigla na lang papasok sa utak ko. 

  Kung pwede ko lang makalimutan lahat ng mga 'yon tulad ng ginagawa ko noon, wala sigurong problema. 

Subalit kung gagawin ko rin naman 'yon, hindi ba't parang napaka unfair sa part ni Mirriam? Na kakalimutan ko na lang basta basta 'yung nangyari pagkatapos ng mga masasamang nangyari sa kanya? Ni hindi ko pa nga siya nadadalaw. 

  "Haley." Tawag ni Papa kaya nag gesture ako't sumenyas na parang sinasabing okay lang ako. 

  Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Okay lang ako, Pa." Ngiti kong sabi, kahit hindi ako siguro kung talagang okay nga lang ako. Dahil pakiramdam ko, bawat lugar na nadadaanan namin. May nagmamasid, may nakasunod. 

At kung magpapatuloy na may didikit sa akin, may mas mapapahamak. 

  Napayakap na lamang ako sa sarili ko. 

  Hindi ko na alam gagawin ko. Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. Biglang huminto si Papa dahil sa paghinto nung sasakyan na nasa harapan namin kaya muntik na akong masubsob. Buti na lang naka seatbelt ako. 

  Malakas na bumusina si Papa habang marka sa mukha niya ang inis. "Ano ba 'yan, biglang humihinto!" Iritable nitong wika at binuksan ang bintana para makita ang mga sasakyan sa harapan dahil sa biglaan nitong paghinto. Nagkaroon ng traffic sa daan kaya luminga-linga ako. 

Sa hindi maintindihan na rason, bigla nanaman akong kinabahan at halos mapatalon sa aking inuupuan nang mag ring ang phone na nasa loob nung bag ko. 

Hiningal ako for a short period of time pero nagawa ko rin namang kunin iyon para makita ang kung sino mang tumatawag. Ang tagal kong hindi tinitingnan ang social media ko gayun din ang mga notification messages ng kung sino sa nasa contacts ko. 

  Tiningnan ko ang screen at nakitang walang pangalan ang duma-dial sa akin. Nag-aalanganin akong sagutin pero nagawa kong pindutin ang answer call. Dahan-dahan kong inilagay iyon sa aking tainga, at pagkarinig ko pa lang sa boses niya ay alam ko na kung sino ito. 

  "Sir Emmanuel." Tawag ko sa pangalan niya. 

Tila naging mala anghel itong humagikhik. "Ngayon ang pasok mo sa E.U., 'di ba?" Tanong niya sa akin na hindi ko nagawang masagot kaagad. Hindi kasi ako sumulpot sa sinabi niyang lugar nung nakaraang gabi. 

  Ayokong mang panghinalaan siya pero hindi ako nagtitiwala sa taong 'to kahit ilang beses na niya akong sinusubukang tulungan at dalawin sa bahay para I-check ako. Oo, naiintindihan ko na trabaho rin ng guro iyon pero hindi niya naman ako kilala para maging ganoon ka-concern sa akin. 

  Saka… 

Hindi ko gusto 'yung hangin kapag nandiyan siya. Kinikilabutan ako. 

Feeling? Instinct? Hindi ko rin talaga alam, kasi iniisip ko baka dahil lang sa inaatake ako ng anxiety o lumalala lang 'yung trust issue ko. 

  Pero naalala ko kasi 'yung sinabi ni Jasper. Nung nawala si Sir Santos ngayong alam namin na kagagawan din ng B.R.O. ang pagkawala niya sa E.U. 

Iyon ang araw na nagkaroon kaagad ng bagong guro. Parang ang weird naman no'n, 'di ba? 

  Iniisip ko rin naman na baka ganoon lang kabilis maghanap ng bago ang skwelahan ni Kei. At gaya nga rin ng sabi ko, baka masyado lang akong nag-iisip. 

Kaso ilang araw na rin ba nung hindi nagpaparamdam 'yung mga tao sa B.R.O. gayun din si Lara? 

  Nanlaki ang mata ko dahil sa pumasok sa utak ko. Paano kung tinataya na ng kapatid ko ang buhay niya para sa akin ng hindi ko alam? 

 

  "Haley?" Tawag niya sa pangalan ko kaya napasinghap ako't napasagot ng wala sa oras. 

"O-Opo." Pautal kong tugon. 

  Muli siyang humagikhik. "Bago ka pala pumasok, pwede mo ba akong puntahan sa isang lugar na babanggitin ko habang maaga pa?" Sambit niya kaya nanliit ang tingin ko bago ko tingnan si Papa na nasa tabi ko't patuloy lang sa kanyang pag drive. 

 

  Ibinaba ko ang tingin ko't tiningnan ang labas ng bintana. "Okay." 

Lara's Point of View 

 

  Itinutok ko ang baril sa isang lalaking nakaupo sa sahig at naihi sa pants niya sa takot ngayong masama ang tingin ko sa kanya. 

"P-Please. Spare me! I-I won't tell the general, really--" Muli kong ipinutok ang baril sa pagitan ng mga hita niyang nakabuka sa harapan ko. Mas lalong nabasa ang pants niya kasabay ang panliliit ng tingin ko para pagmasdan siyang mabuti. 

Ito 'yung lalaking dinalaw kami sa abandonadong gusali nung araw na tinatanggal ni Roxas 'yung tama na nakabaon sa balat ko. Siya rin 'yung lalaking pasimpleng sumusunod sa akin simula noong mapadalas ang dalaw ko kay Haley. 

  Isa siya sa mga kasamahan namin sa W.S.O. na nagbibigay ng hindi magandang pagtrato sa akin. I didn't mind the way he treats me, but I don't like him. 

  Kasamahan ko siya pero hindi ibig sabihin, mabuti siya. 

  "You won't tell him?" Ulit ko sa sinabi niya at tinaliman siya ng tingin. "If you say so." Ipinutok ko sa mismong noo niya ang puting bala bago siya dahan-dahang bumagsak sa malamig na simento rito sa eskenita. Only dead people can keep secrets. 

  Umismid si Roxas na ngayo'y na sa likuran ko. "You don't hesitate when someone's getting in your way, huh?" Panimula niya kasabay ng pagbaba ko ng baril. "Still, I'm amazed on your ability to hide your emotions deeply when facing risk people." Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin. "But are you sure you won't kill me after you let me see this?" Tanong niya. "Hindi mo ba naisip na baka maging risk din ako?" 

  "Kanina ka pa patay kung oo." Diretsyo kong sabi kaya natawa siya.

"True." Pagsang-ayon niya at ibinaba ang tingin sa lalaking na sa lapag. "But for the very first time, you surprisingly killed a comrade." I killed him because he knew that I already broke the contract. Kapag nalaman ni General Royale na magiging pabigat ako sa susunod na misyon, at nalaman niyang bumabalik nanaman 'yung emosyon na magiging dahilan ng pagbagsak ko. He will force me to erase my memories to be a full-fledged tool. 

  And I have no choice. Nasimulan ko na 'to, kaya kung ano man ang pwedeng mangyari sa akin. Kailangan kong sundin. 

Ngunit bago ang mga 'yon, tatapusin ko na lahat lahat. 

  Pumikit ako panandalian. "He's not a comrade. He's an enemy. He'll just interfere with my plans, papangunahan lang niya ako sa mga gagawin ko." Humarap na ako kay Roxas pero nilagpasan din siya. Sumunod din siya kaagad sa akin pagkatapos kaya naiwan ang walang buhay na katawan nung lalaking iyon na naliligo sa sariling dugo. 

  Kumidlat at kumulog, umuulan din ngayong gabi dahil nasabing ngayon ang dating ng malakas na bagyo. 

  Tamang tama, nalalapit na ang huling laban. 

Emmanuel's Point of View 

  Iniikot-ikot ko ang laman sa wine glass ko habang ngisi na nakatingin sa labas ng glass wall na nasa gilid ko upang pagmasdan ang mga malalaking gusali sa labas. Tumayo ako mula sa swivel chair at naglakad palapit sa glass wall kasabay ang pagpasok ko ng kaliwang kamay sa aking bulsa. 

  Humagikhik dahil sa kaisipan na magtatagumpay itong maliit kong pinaplano.  Walang kahirap-hirap. 

  Tumunog ang elevator, senyales na bubukas ang pinto. 

Mas lalong luminya ng ngisi ang labi ko ngayon pa mang nararamdaman kong siya na iyon. Humarap ako sa babaeng nakasuot ng uniporme niya. "Salamat sa pagpunta, Haley Miles Rouge." Bungad ko sa kanya na ngayo'y walang emosyon na nakatingin sa akin. 

***** 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C68
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login