(My true experience)
Ang susunod ninyong mababasa ay totoo pong nangyari sa 'kin. Kayo na pong humusga kong maniniwala po ba kayo o hindi.
Nangyari ang kababalgahan sa akin noong nasa sekundarya pa ako ng hayskul sa aking paaralan.
Nagpasya ang aming guro sa Filipino na bigyan kami ng isang proyekto. Ang proyektong ito ay ang pagdo-dokumenta sa araw ng Undas. Indibidwal ito na gawain kaya walang kaso sa 'kin.
Lubos ang aming kasiyahan dahil marami na naman kaming makikilala na kung sinu-sino sa sementeryo.
Dumaan ang araw ay papalapit na nang papalapit ang deadline nang aming pagpasa. Tanong ako nang tanong sa aking mga kaklase kong anong magandang gawwing dokumentaryo.
Ngunit ang palagi nilang saad sa 'kin ay pumunta raw ako sa mga naglalako ng mga kandila o di' kaya'y mga maskara.
"Tim, kung ano nalang kaya. Gumawa kayo ng horror sa baryo niyo at magkunwari kayong may nagmumulto." matalinong saad ng isa sa aking kamag-aral.
Hindi na ako nag-abala pang guluhin o 'di kaya'y palalimin ang opinyon niya, bagkus ay sinimulan ko na ang aking proyekto.
Pagdating ko sa bahay ay naghanap ako ng aking mga kasabwat na itago nalang natin sa pangalang Rejeane Constantino at Nica Dizon.
'Ewan ko ba kung anong pumasok sa isipan ko upang gawin ang bagay na ito. Siguro nga dahil rush nang mabuti ang ginagawa kong proyekto.
"Tim, alam ko kung saan ang magandang pagkukuhanan." suhestiyon ni Nica. Isa siya sa may nakakaalam nang pasikot-sikot dito sa aming baryo kaya naman sinunod ko siya.
"Kuya, nandito na po ang pinapakuha mong mga gamit." ani ni Rejeane. Siya naman ang kapatid ni Nica na palaging nakabuntot sa kanya.
Matapos kong ihanda ang lahat ay maayos naming natapos ang katatakutan na puno ng kalokohan. Hindi namin namalayang alas-otso na ng gabi. Dapat sana'y hanggang alas-sais lang kami matatapos, kasi panigurado ay mapapagalitan kami ng aming mga magulang.
Maya-maya ay biglang nakasalubong namin si Aling Lori. "Pakisabi sa mga anak ko na mahal na mahal ko sila." bulong niya sa 'kin.
Maya-maya pa ay umihip ng malakas ang malamig na hangin. Napatigil ako bigla, bakit kailangang sabihin ng isang magulang ang bagay na iyon sa 'kin? Hindi ba dapat sabihin niya nalang nang personal sa kanyang mga anak?
"Kuya, ayos ka lang?" Bumalik ang aking ulirat matapos akong tanungin ni Rejeane.
"Oo, bakit hindi niyo man lang binati si Aling Lori?" tanong ko.
"Aling Lori? Tim, siguro nagugutom ka lang. Hindi namin siya napansin." wika ni Nica na abala sa pagliligpit ng mga gamit.
Imposible namang hindi man lang nila nakita si Aling Lori samantalang dumaan ito pabalik sa direksyong tinatahak nila Nica at Rejeane. O, siguro nga nagugutom lang ako?
Pagkalabas namin sa aming set ay agad kaming nagsiuwian.
"Buti pa sila malapit ang bahay, e ako ang layo!" pagdadabog ko.
Habang naglalakad ako ay napansin kong may kung anong liwanang ang bumbalot sa lugar doon. Meron yatang miting?
Malakas na kumakabog ang dibdib ko. Halong kaba at takot ang nadarama ko matapos kong mabasa ang nakasulat na tarpaulin sa labas ng bahay.
"Name: Lori Velasquez
Day of Death: November 29, 2013
Time: 6:40 P.M," nanginginig ang tuhod ko at tagaktak ang pawis ko habang binabasa ang mga nakasulat.
Patay na si Aling Lori! Ibig sabihin nu'n ay multo ang nakita ko. Ngunit papaano iyon nangyari? Nakausap ko pa siya kama-kailan lang. Lumapit sila Nica at Rejeane sa aking kinatatayuan.
"Tim, pasensya na kung hindi namin sinabi sa 'yo ang katotohanan." pagmamakawa ni Nica.
Tumango nalang ako bilang tugon. Wala na akong nagawa sa mga oras na iyon. "Ano bang nangyari kay Aling Lori?" tanong ko.
"Aksidente raw, habang abala raw siya sa kanyang trabaho ay aksidente siyang nadulas sa isang basang sahig dahilan upang magpagulong-gulong siya at ikabagok ng kanyang ulo" wika ni Nica.
Hindi na ako nagtanong pa kay Nica dahil nilulukob na ako ng aking takot. Pagkatapos kong makipag-usap ay kaagad akong lumakad patungo sa aming bahay.
Ngunit bago pa ako makalakad ay may isang babaeng nakaharang sa aking harapan.
"Ate, excuse po!" sigaw ko dahil may gagawin pa ako sa bahay namin. Tatapusin ko pa ang ginawa kong dokumentaryo. Nakaharang siya sa aking daan, dagdag pasakit na naman.
Kitang-kita ng dalawang mata ko, matapos siyang humarap sa 'kin. Dukot ang mga mata nito at walang humpay ang pag-agos ng sariwang dugo nito sa parting leegan niya. Hindi ko na kinaya pa. Agad akong kumaripas ng takbo patungo sa aming tahanan.
Kulang pa riyan ang nangyari, eh. Marami ang aking nakikita magmula no’ng magbukas ang third eye ko. Hanggang ngayong kolehiyo na ako, hindi pa rin ako tinatantanan ng mga kababalaghan na nakikita ko. Hindi ko na lang sinasabi sa iba baka isipin nilang weirdo ako o ‘di kaya baliw. Kaya itinatago ko nalang iyon sa aking sarili.