Download App
12% MOON BRIDE UNIVERSE: Spiral Gang / Chapter 9: Ang Bantay (2)

Chapter 9: Ang Bantay (2)

"TOTOO nga na makikita natin ang daan palabas kapag binaligtad natin ang damit natin," masayang sabi ni Danny.

Hindi pamilyar ang lugar kung saan sila napadpad. Wala silang matanaw na bahay kahit saan. Puro bakanteng lupa na may nagtataasang damo lang ang nasa paligid. Pero kahit ganoon alam niya na nasa Tala sila. Malayo man kasi natatanaw pa rin niya ang kabundukan na pamilyar sa kaniya. Itinuro niya iyon.

"Doon ang sitio natin sa kabilang ibayo. Iyon ang bundok kung nasaan ang bahay namin."

Pagkatapos nilingon niya ang gubat kung saan sila nanggaling. Ngayong nasa labas na sila mas kapansin-pansin na matataas at dikit-dikit ang mga puno roon. Kanina rin habang naglalakad sila, walang trail na patunay na madalas nadadaanan ng mga tao ang loob niyon. At kung pagbabasehan ang mga na-encounter nila sa loob ng gubat, tama lang na huwag iyon puntahan ng mga tao.

"Pero gabi tayo pumasok sa gubat 'di ba? Posible bang na-engkanto tayo bago pa man gumabi at hindi lang natin namalayan? Kaya ngayon nakabalik na tayo sa reyalidad at maaga pa pala talaga? Pero kung tama ako, anong nangyari sa mga taong kasama natin sa perya kanina? Anong nangyari sa mga kaklase natin na naunang gawin ang test of courage bago tayo?" sunod-sunod na tanong ni Andres, halatang inaalisa ang sitwasyon nila.

Inalis ni Ruth ang tingin sa gubat at hinarap ang mga kaibigan niya. "Hindi rin ako sigurado. Pero para malaman natin ang totoo dapat hanapin natin si nanay. Kung nandito siya ibig sabihin ito ang reyalidad at matutulungan niya tayo masagot ang mga tanong natin. Kung hindi…"

Tensiyonadong katahimikan ang namayani. Tumikhim siya. "Mabuti pa magsimula na tayo maglakad. Hindi magandang ideya kung aabutin na naman tayo ng gabi na hindi natin alam kung talaga bang nakabalik na tayo."

Sandali nilang pinag-isipan kung saang direksiyon sila pupunta para mas mabilis makabalik sa sitio nila. Sa huli napagkasunduan nilang sundan ang trail ng dirt road palayo kaysa tumawid sa talahiban. Tama sila ng desisyon kasi makalipas ang ilang minutong mabilis na paglalakad may natanaw na silang bahay. Habang palapit sila parami ng parami ang nakikita nilang bahay.

Pagkatapos sa harapan niyon may maliit at lumang arko na may nakasulat pero kupas na kaya hindi nila mabasa. Ang hula ni Ruth, pangalan iyon ng Sitio kung saan sila napadpad.

"Puwede tayo humanap nang may telepono. Makitawag tayo para makontak ko sina mama. Sila ang puwede magsabi sa nanay mo na kailangan natin ang tulong niya," sabi ni Selna.

"O puwede ring tumawag tayo sa bahay namin para masundo tayo," suhestiyon din ni Andres.

Pero pagdating nila sa sitio proper, walang katao-tao sa labas. Sobrang tahimik din pero nararamdaman ni Ruth na may mga tao sa loob ng mga bahay. Hindi 'yon bago sa Tala kapag ganoong malapit na dumilim. Maaga kasi pinapauwi ng mga magulang ang mga anak na naglalaro sa labas. Alas siyete pa lang kasi ng gabi natutulog na ang mga tao sa bayan nila.

"Kakatok na ako, ha?" sabi ni Andres na naglakad palapit sa isang bungalow. Sumunod sila sa binatilyo. Nasa harap na ito ng pinto at ipupukpok na sana ang kamao nang biglang may magsalita sa likuran nila.

"Pagsisisihan niyo kapag ipinaalam niyo ang presensiya niyo."

Gulat na napalingon silang lahat. At doon sa gitna ng kalsada, derektang nakaharap sa kanila, may nakatayong lalaki na itim ang suot mula ulo hanggang paa. Mukhang kasing edad lang nila. Matangkad ito, maganda ang tindig, itim na itim ang maiksing buhok at ang mukha… kasing ganda at nakakasilaw na katulad ng sa mga engkanto. Bumaba agad ang tingin ni Ruth sa nguso nito. May guhit naman 'yon. Ibig sabihin tao ito. Posible palang magkaroon ng tao na ganoon ka perpekto ang pisikal na anyo? Umangat ang tingin niya sa mga mata nito at nagulat siya nang marealize na nasa kaniya ang atensiyon nito.

Nagtama ang kanilang mga paningin. Napahinga siya ng malalim. Kasi biglang may kumalat na kakaibang init at kuryente sa mga ugat niya. Ang puso niya parang lumobo sa magkakahalong emosyon kaya nahirapan siya huminga. Para bang kilala niya ang lalaki. Parang gusto niya lumapit dito at lumuhod sa harapan nito. Parang gusto niyang hintayin ang iuutos nito na walang pagdadalawang isip niyang susundin. At ang lalaki naman, may kumislap na kung ano sa mga mata na para bang kilala din siya nito.

Pero paano 'yon nangyari? Sa buong buhay niya, sigurado siyang ngayon lang niya ito nakita.

"EXCUSE ME, pero sino ka?" tanong ni Andres sa estranghero.

Kumurap si Ruth nang putulin nito ang eye contact nila at ibaling ang tingin sa mga kaibigan niya. Unti-unting nawala ang pagsisikip ng dibdib niya at napawi ang pakiramdam na parang mainit na kuryente ang dumadaloy sa mga ugat niya at hindi dugo. Nakahinga na siya ng maayos na para bang nakawala siya sa kung anong mahika.

"Saan kayo nanggaling?" tanong nito imbes na sagutin ang tanong ni Andres.

"Ah… doon," alanganing turo ni Danny sa kagubatan na nilabasan nila.

Sinundan ng tingin ng estranghero ang itinuro ng kaibigan niya. "Hmm… doon pala." Pagkatapos pumihit ito patalikod sa kanila at nagsimula maglakad papunta sa direksiyon kung saan sila nanggaling. Nakailang hakbang na ito nang biglang lumingon sa kanila na parang may naalala. Deretso ang tingin nito sa mga mata ni Ruth at saka nagsalita, "Huwag kayo magpapaabot ng gabi rito. Hindi na kayo makakaalis."

Nagulantang silang apat sa sinabi nito at tahimik na pinagmasdan ito hanggang makalabas sa arko.

Nagkatinginan sila.

"Sa tingin niyo… hindi pa rin tayo nakakaalis sa ilusyon ng mga engkanto?" mahinang tanong ni Selna.

"Imposible. Kasi tao ang lalaking 'yon 'di ba? Tiningnan ko siya maigi, meron siya nito," turo ni Danny sa guhit na nasa nguso nito.

"Mukhang hindi siya pangkaraniwan pero sa tingin ko rin tao siya," sangayon ni Andres.

Natahimik na naman sila. Pinakiramdaman ang paligid. Sinulyapan ni Ruth ang nakasarang pinto ng bungalow na kakatukin sana nila. "Dapat ba huwag na tayo kumatok?"

"Pero paano tayo makikitawag?" tanong ni Selna.

Nag-aalala na tiningala niya ang langit. Papadilim na. Bakit ang bilis gumabi? Bumalik sa isip niya ang babala ng estranghero at kumabog ang dibdib niya. "Kailangan natin makaalis dito sa lalong madaling panahon."

"Pero paano nga?" tanong ni Danny.

Bago pa may makasagot sa kanila ay lumangitngit ang pinto ng bungalow. Mabagal lang na para bang hindi naman talaga iyon naka-lock at may hanging tumulak mula sa loob kaya bumukas.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login