Download App
37.82% Dear Future Boyfriend / Chapter 59: Entry #33

Chapter 59: Entry #33

Dear Future Boyfriend,

Today, nahulog ako sa kabayo. Pero hwag kang mag-alala hindi naman ako nalaglag habang tumatakbo si Spike (pangalan ng brown na kabayo ni Lola). Nalaglag ako habang bumababa. Masyado kasi akong na-excite dahil may inuwing tuta si Kuya Dylan. Dahil nagmadali akong bumaba nagkamali ako ng galaw at nalaglag. Na-sprain ang paa ko. Ngayon sobrang boring tuloy. Wala na nga ang mga pinsan ko, nakakulong pa ako sa kwarto. Ang kasama ko lang ay si Toothless (tuta na inuwi ni kuya). Toothless ang pangalan nya kasi kamukha nya si Toothless sa How To Train Your Dragon. Kulay itim sya, at mata nya lang ang nakikita ko lalo na kapag nakahiga sya sa itim na tela (kita ko rin pala ang puting ngipin at pink nyang dila). Sya lang ang kalaro ko kaso iniwan nya rin ako kasi may nakita syang bola sa labas.

Haay. Ano kaya ang ginagawa mo ngayon? Siguro kasama mo ang mga kaibigan mo ngayon at nagpapakasaya. May girlfriend ka rin kaya ngayon? Hmm. Selos ako.

Love,

Kayleen


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C59
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login