Download App
83.96% AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 110: C-109: THE SECRET CONFESSION (Part 1)

Chapter 110: C-109: THE SECRET CONFESSION (Part 1)

Katatapos lang ng meeting nila ilang minuto pa lang naman ang lumipas.

Pabalik na sana sila ni Rusell sa kanyang opisina mula sa conference room kung saan sila nagmeeting.

Nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone.

Un-registered ang tumatawag kaya saglit muna siyang nag-isip kung sasagutin niya ang linya.

"Oh' bakit ka tumigil?" Curious na tanong ni Russell ng magtaka ito. Dahil bigla siyang huminto at natigilan.

"May tumatawag!" Tugon niya.

"So, bakit hindi mo sagutin?"

"Un-registered! Sino kaya ito at paano niya nalaman ang number ko?" Nagtatakang tanong niya.

Ilan lang kasi ang nakaalam ng cellphone number niyang iyon. Pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Iba rin ang number na gamit niya for business purposes.

Kung hindi man, si Lucille ang sumasagot sa lahat ng tawag sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin ng tawag na iyon.

Tila nais nito na siya talaga ang makausap?

"Sagutin mo na, o gusto mo ako na ang sasagot?" Mungkahi ni Russell.

"No it's okay, ako na lang...

'Hello?" Sagot niya.

"Mag-usap tayo ngayon na! You said the place you want and I'll wait you there.

'Narito ako ngayon sa ibaba ng Falcon building. Or else gusto mong pumanhik na lang ako diyan?!" Deretso at walang ligoy na salita nito sa kabilang linya.

"Bakit naman ako makikipagkita sa'yo, ano na naman ba ang problema mo?" Muling sagot niya sa kausap.

"Sino ba 'yang kausap mo?" Tanong ni Rusell na nagtataka na sa paraan ng pakikipag-uusap niya sa kabilang linya.

Ngunit sinenyasan lang niya ito na manatili. Habang tuloy lang siya sa pakikinig sa kausap.

"May mahalaga tayong dapat pag-usapan, ayoko mang kausap ka pero sa tingin ko. Dapat na akong makipagkasundo sa'yo!"

"The feeling is mutual! Dahil ayoko ring kausap ka, kaya naman hindi mo na kailangang makipagkasundo sa'kin."

"So hindi ka na ba interesado na pag-usapan si Amanda? Okay sige na, pasensya na lang sa abala!"

"Sandali, hello Dustin!"

"Wow! Ito yata ang unang beses na tinawag mo ako sa pangalan ko ah'?

'Okay sa Ruffert Resto Bar maghihintay ako madali akong mainip kaya bilisan mo ha'!"

"Teka sandali akala ko ba, hello?" Ngunit pinatay na nito ang linya. "Sandali lang Torres, bwisit ka!"

"Si Torres 'yung tumawag?"

"Saan 'yung Resto Bar?"

"Anong Resto Bar?"

"Yun Ruffert Resto Bar, saan 'yun?"

"Pag-aari ni Torres 'yun Boss?"

"Alam ko, ang tanong ko kung saan 'yun dito?"

"Limang Branches 'yun Boss saan daw ba?"

"Bwisit ka, kaya ko nga tinatanong sa'yo, walanghiyang iyon paghahanapin pa pala ako?"

"Baka 'yung nasa Las Piñas 'yun kasi ang pinaka malapit dito. Bakit mo naman naitanong Boss?" Nagtataka namang tanong nito.

"Halika puntahan natin!"

"Ngayon na ba agad Boss?"

"Oo tara na, bilisan mo na!"

"Pero Boss hindi ba may gagawin ka pa ngayon?"

"Mamaya na lang pagbalik natin, tawagan mo na lang si Lucille sabihin mong ikansel na lang muna ang mga appointments ko ngayong araw. Halika na!"

Nagpatiuna na siya sa paglakad patungo sa elevator. Kasunod rin niya si Rusell na tinatawagan naman si Lucille.

Habang nasa isip niya--- Bakit siya tinawagan ni Torres at ano ba ang posibleng pag-uusapan nila tungkol kay Angela?

Alam niyang hindi siya tatawagan nito kung hindi importante ang sasabihin sa kanya.

Nasabi nitong makikipagkasundo sa kanya, ano to sinusuwerte?

Bakit naman ito makikipagkita sa kanya sinabihan kaya ito ni Angela?

Pero ano man ang dahilan kailangan niya itong malaman?

Hindi naman siguro nito balak hiwalayan si Angela ng ganu'n lang kadali?

Ilang sandali lang ang lumipas nagulat pa siya ng ihinto na ni Russell ang sasakyan.

"Nandito na tayo, ano na?"

"Ha', ah' okay sige bumaba na tayo!" Saad niya.

Nagpatiuna ulit siya sa pagbaba ng sasakyan kasunod si Rusell.

"Mukha ngang narito na si Torres Boss." Sabay turo nito ng tingin sa sasakyan ni Dust na nakapark sa hindi kalayuan.

"Sige tayo na sa loob..."

"Pero Boss hindi ba may problema pa kayo ni Torres?"

"Basta sumunod ka na lang o maiwan ka na lang d'yan!"

Nagsimula na siyang humakbang pagpasok sa loob.

"Boss, hintayin mo ko sasamahan na kita! Baka kung ano na naman ang mangyari sa inyong dalawa?!"

Tuloy tuloy lang siya sa loob na sinundan ni Russell.

Pagpasok nila halos wala nang bakanteng upuan sa loob.

Naisip niya lunch time na nga pala, ang akala niya usually sa gabi mas matao ang ganitong Resto Bar.

Mukhang maganda ang takbo ng negosyo ng Alikabok na'to ah'?

"Good afternoon, Sir!" Bati ng guard na nagbukas ng pinto.

"Si Mr. Torres?"

"May appointment po kayo Sir?" Tanong pa nito.

"Pinapunta niya kami dito nakita ko 'yung sasakyan niya sa labas kaya sigurado akong narito na siya." Paniniguro na niya.

"Pangalan n'yo po Sir?"

Parang gusto na niyang mairita dahil sa dami ng tanong ng guard Pero naisip din naman niya for security purposes maaaring nag-iingat lang sila.

Mabuti na lang kahit paano mahaba rin ang kanyang pasensya. Magsasalita na sana siya ulit, ngunit....

"Joaquin Alquiza, may appointment kami ngayon kay Mr. Torres." Naunahan na siya ni Russell na magsalita.

Marahil nahalata nito na umiinit na ang ulo niya.

"Ah' kayo po ba si Mr. Alquiza naku Sir pasensya na ibinilin na kayo ni Sir Ruffert nasa loob na po siya hinihintay na po kayo.

'This way po Sir... Sa gawing kaliwa VIP section po table #4."

Matapos silang bigyan ng instructions ng guard deretso na silang pumasok sa loob ng VIP section ayon sa direksyon na itinuro ng guard.

"Mukhang mahusay magpatakbo ng negosyo ang alikabok?" Komento niya habang papunta na sila sa VIP section.

"Oo Boss, masarap daw talaga ang pagkain dito kaya binabalik balikan ng mga costumer lalo na ng mga foreigner. Sabi rin nila marunong daw talagang magluto si Sir Dust kaya siya mismo ang incharged sa pagkilatis sa mga isineserve na pagkain."

"Pakialam ko!" Bigla na lang siyang nawala sa mood. Dahil sa sinabing iyon ni Rusell.

Kaya ba mas gusto siya ni Angela dahil may pagkakatulad sila at mas nagkakasundo sa maraming bagay?

Nakakainis!

"Boss, si Alikabok!" Nakita na nila ito agad na prenteng nakaupo sa isang table sa VIP section.

Mukhang napaka exclusive ng VIP section. Nakabukod ang bawat table na ginawang parang isang cubicle.

Kompleto at komportable may sarili itong videoke sa loob para sa mga gustong kumanta na hindi kailangang makaabala sa ibang table.

Mukhang makakapag-usap rin sila ng maayos.

"Hmmm, bakit ang tagal mo? I expecting you around 10 minutes but it's more than 14 minutes past now.

'Where have you been Alquiza balak mo yata talaga akong paghintayin ng matagal ah'?"

"Magpasalamat ka na lang dahil dumating ako!"

"Magpasalamat, nagpapatawa ka ba? Hindi naman para sa'kin ang sasabihin ko sa'yo. Kaya dapat kang magpasalamat sa sarili mo dahil hindi mo ako tinanggihan. Dahil kung ginawa mo 'yun siguradong pagsisisihan mo!"

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, busy ako kaya sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin."

"Bakit hindi ka muna maupo?"

"Okay, huwag ka nang magpaligoy ligoy sabihin mo na nakikinig ako!" Saka lang siya umupo sa upuang kaharap nito.

"Ano bang plano mo kay Amanda gusto kong malaman?"

Bigla siyang natawa sa tanong nitong iyon. Kahit pa hindi naman ito nakakatawa. Bakit naman gusto nitong malaman ang plano niya?

"Sira ka ba, bakit ko sasabihin sa iyo ang mga plano ko?" Silang dalawa lang ang magkaharap. Kaya wala siyang pakialam kahit lumakas pa ang kanyang boses.

Sadyang hinayaan lang sila ni Rusell na makapag-usap nang silang dalawa lang habang kasama rin nito si Anton sa isa pang table.

"Dahil gusto kong malaman kung dapat ko na ba siyang ipaubaya sa'yo?"

"What? P'wede ba Torres huwag mo nga akong pinagloloko! Dahil wala akong oras makipagbiruan sa'yo. Kaya p'wede ba umayos ka nga!"

Ano bang ibig nitong sabihin sa loob loob niya. Bakit ganu'n lang kadali nito kung ipamigay si Angela nababaliw na ba siya?

Oo nga at gustong gusto niyang mapunta sa kanya si Angela. Pero hindi pa rin niya gustong isipin na para itong laruan o parang bola na ipinasa sa kanya.

Gustong gusto niya itong agawin kay Dust pero hindi rin niya alam na ganito ang kanyang mararamdaman?

Na maaapektuhan din siya sa ganitong sitwasyon. Dahil alam niyang masasaktan si Angela sa oras na malaman nito kung paano ito ipinamimigay ng Alikabok na ito.

Alam niyang mahal ni Angela ang taong ito. Bukod doon may mga Anak sila at hindi 'yun ganu'n kadaling balewalain.

Pero bakit niya ito ginagawa?

Nagbuntong hininga ito bago pa siya nito sinagot. Tila rin may mabigat itong dinadala pero ano ba ang pakialam niya.

"Seryoso ako, alam mong hindi ko gagawing biro ang mga ganitong bagay. Lalo na at si Amanda ang pinag-uusapan natin!"

"Kung ganu'n nababaliw ka na nga! Bakit mo ipinamimigay ang sarili mong asawa?!" Muli niyang sigaw na may kasama nang pagtitimpi.

Dahil kanina pa niya ito gustong bigwasan para magising ito sa kahibangan!

"What?! Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko ipinamimigay ang asawa ko!" Gulat na sagot nito sa mataas na ring tono.

"So ano pala ang ginagawa mo, gusto mong maging kabit niya ako, ganu'n?"

"Gago ka ba?!" Ano bang sinasabi ng ugok na'to sa isip ni Dust.

Nang bigla nitong maisip ang isang bagay....

"Hindi ba kasasabi mo lang gusto mo na siyang ipaubaya sa'kin. Alam mo ba ang ibig sabihin sa akin nu'n, alam mo ring gustong gusto ko si Angela.

'Okay, hindi ko 'yun ikakaila mula noon hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya.

'Nasaktan ako noong iwan niya ako. Dahil ng magbalik ang alaala niya mas pinili ka niyang samahan kaysa balikan ako.

'Kaya pinilit ko siyang kalimutan pero hindi ko nagawa. Hinintay ko talaga ang pagkakataon na bumalik siya.

'Ang sabi ko sa sarili ko babawiin ko siya dahil inagaw mo lang naman siya sa'kin. Higit ko pang napatunayan sa sarili ko kung gaano ko siya kamahal nang muli kaming magkita.

'Yung nangyari sa sasakyan a-alam ko namang mali 'yun at kasalanan ko. Dahil din du'n nalaman ko na mahal ka niya at hindi ka niya kayang iwan.

'Kaya sana huwag mo naman siyang parusahan ng dahil sa nangyari. Kasalanan ko 'yun, kasalanan ko lang...

'Kung gusto mo bugbugin mo na lang ako ulit o ipabugbog mo ako sa mga tauhan mo! Pero sana huwag mo naman siyang saktan sa ganitong paraan.

'Dahil pinahahalagahan niya ang pamilya n'yo at ang pagsasama n'yo. Alam ko rin na may mga Anak kayo na umaasa sa inyong dalawa.

'Ilang beses kong inisip at pinlano na agawin siya sa'yo. Kahit ngayon gusto ko pa rin iyong gawin kung p'wede lang.

'Pero hindi ko pala kayang makita siya na maging miserable ng dahil sa akin.

'Because I love her, more than I ever know.

'Tatanggapin ko siya ng kahit pa ng paulit-ulit. Pero gagawin ko lang 'yun kung kusa na siyang babalik sa akin, naiintindihan mo ba?!" Tiningnan niya ito ng makahulugan.

Hindi niya ito hahayaang sirain ang buhay ng babaing pinaka mamahal niya. Dahil talagang mananagot ito sa kanya.

"Okay nice to hear that, 'yan lang naman ang nais kong marinig at mapatunayan. Sana lang hindi ako nagkamali sa'yo?

'Ang hindi ko lang maintindihan kung kailan ka pa naging tanga?" Prankang tanong ni Dust

"Buwisit ka talaga, kanina pa ako nagtitimpi sa'yo ah'!" Nanggigigil naman niyang saad.

"Hey, relax Alquiza! Masyado namang mainit ang ulo mo.

'Magpasalamat ka, dahil gusto ko na talagang makipagkasundo sa iyo alang-alang kay Amanda.

'Kung iniisip mo na hindi ko siya pinahahalagahan nagkakamali ka at kung inaakala mo naman na ginagawa ko ito dahil hindi ko siya mahal, baliw ka!

'Dahil ginagawa ko lang ito para sa kanya. Kung hindi mo man siya tanggapin kaya ko rin silang alagaan at protektahan habang buhay.

'Hindi ka nila kailangan!"

"Ganu'n naman pala eh', patunayan mo! Bakit kailangan mo silang ipamigay?!"

"Gago ka ba?! Hindi ko sila ipinamimigay ang sabi ko ipinauubaya ko na sila sa'yo at magkaiba 'yun!" Sigaw ni Dust na nauubusan na rin ng pasensya.

"Ang labo mo naman!"

"Ikaw ang malabo, p'wede ba makinig ka muna?!"

"Kanina pa ako nakikinig sa'yo ano ba talaga ang dahilan at bakit mo pa ako pinapunta dito?"

"Wala na sila sa bahay ko..." Hindi na niya pinatapos ito sa sasabihin.

"A-anong ibig mong sabihin nawawala si Angela?!" Kinakabahang agad na tanong niya.

Naihilamos naman ni Dust ang kamay sa mukha dahil sa inis.

"Gago ka talaga, s'yempre hindi!"

"Tang*** kasi huwag mo ngang ibitin ang sinasabi mo!" Nauwi na naman sila sa pagtatalo.

"Pambihira ako pa talaga? Makinig ka kaya at sarhan mo muna 'yang bibig mo!"

Natahimik naman siyang bigla ngunit puno pa rin ng ngitngit.

"Okay sige na, magsalita ka na!"

"Gusto kong magkasundo tayo, gaya ng sabi ko ipinauubaya ko na sila sa'yo. Ang ibig kong sabihin malaya ka nang makita sila, wala na rin naman akong magagawa tungkol sa bagay na iyon.

'Umalis na siya sa bahay at galit rin siya sa'kin. Hindi ko rin alam kung kailan ba kami ulit magkakasundo at babalik sa dati?

'Pero gusto kong maging maayos pa rin ang buhay niya kahit pa hindi na kami magkasama. Hindi ko siya p'wedeng pabayaan na sila lang ng mga bata. Dahil sa ngayon kaya ko pa siyang subaybayan.

'Pero nag-aalala ako paano kung maisip niyang umalis rin sa poder ni Gavin?"

"A-ano sinong Gavin?

'Ahh' i-iyung lalaking sinamahan niya nu'ng gabi?

'Walanghiya ka Torres! Bakit mo siya hinayaang sumama sa lalaking iyon?" Inis na napatayo si Joaquin at hinila ang harap ng damit ni Dust.

"Bitiwan mo nga ako Alquiza, kung sa'yo lang mas may tiwala ako sa kanya!"

"Eh' sira ulo ka pala, wala akong pakialam sa tiwala mo. Basta mananagot kayo sa'kin kapag may nangyari kay Angela. Saan ang bahay niya sabihin mo!"

"Gago ka ba? Tumigil ka nga, bitiwan mo nga ako! Huwag kang mag-isip ng masama, magpinsan sila."

Natigilan siya pagkarinig sa sinabi nito.

"Magpinsan?!" Lito pang tanong niya.

"Oo at ano ba sa tingin mo? Malisyoso ka naman yatang masyado. Buwisit nilukot mo pa ang damit ko, gago ka ah'!"

"Bakit kasi hindi mo sinabi agad, walanghiya ka!"

"Masyado kang hyper paano ba kita makakausap ng matino. Saka ano bang akala mo pababayaan ko si Amanda kung alam kong mapapahamak siya.

'Kahit pa sa'yo hindi ko siya ipagkakatiwala kung hindi rin lang ako sigurado!"

"Ewan ko sa'yo ikaw ang mahirap kausap. Buti pa ituro mo na lang sa'kin kung saan ang bahay ng Gavin na iyon.

'Kakausapin ko si Angela, hindi p'wedeng ganito na titira siya kung saan saan!"

"Magpinsan sila ni Gavin at kababata rin namin siya kaya huwag kang OA!"

"Sandali nga! Bakit nga pala kayo nag-away, dahil ba sa nangyari sa atin noong isang gabi?" Naalala niyang itanong dahil na rin sa curiosity.

"Hindi!"

"Kung ganu'n anong dahilan? Ang sabi niya hindi ka niya p'wedeng iwan."

"Iniwan lang naman niya ako dahil nalaman niyang anak ako ng taong kinasusuklaman niya!"

Saad nito sa malamlam na anyo.

"Anong ibig mong sabihin, sinong kinasusuklaman niya?" Nalilito na niyang tanong.

Marami ba talaga siyang hindi alam tungkol kay Angela. Dahil noong una nalaman niya na haft sister ito ni Amara o Maru.

Ngunit lumaki naman ito sa pangangalaga ng kapatid ng kanyang Ninong Darren ang Ama ni Amara na si Tito Darius.

"Ang tunay niyang Ama!" Walang ligoy na sagot ni Dust sa tanong niya.

"A-ano, nalaman niyang A-anak ka ng tunay niyang Ama? Oh' no!

'M-magkapatid kayo?!" Sunod-sunod na napailing si Joaquin at hindi makapaniwala.

Tanging tango naman ang isinagot ni Dust kay Joaquin.

"Sandali p-paanong nangyari 'yun k-kasal kayo hindi ba at may Anak kayo! Paanong.....?"

Hindi pa siya tapos magsalita ng biglang sumagot si Dust...

"Anong kasal ang pinagsasabi mo? Ang akala ko nalilito ka lang sa amin ni Amanda. Hindi ko alam na seryoso ka pala at 'yan talaga ang pinaniniwalaan mo?!"

"Pero 'yun talaga ang nalaman ko nagpakasal kayo at nagkaroon ng Anak! Hindi ba nagpakasal pa nga kayo bago mo pa siya dinala sa London?" Nagtataka namang saad niya.

"Gago ka pala, oo nagpakasal ako at dinala ko rin si Amanda sa London. Pero hindi naman siya ang pinakasalan ko!"

"Kung ganu'n sino pala 'yung pinakasalan mo?" Punong puno nang pagkalito niyang tanong.

"Sino pa, eh' di ang asawa ko si Angellie! Sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na si Amanda ang asawa ko?

'Nitong huli madalas nga kaming mapagkamalan na mag-asawa at hindi ko na itinatama 'yun para na rin sa proteksyon ni Amanda.

'Pero totoo pa lang pati ikaw iyon din ang pinaniniwalaan mo?"

"Totoo ba talagang magkapatid kayo?" Deretso siyang tumingin sa mga mata nito.

"Anong klaseng tingin 'yan tanggap ko naman siya bilang kapatid ko. Kaya lang 'yung dahilan kung bakit kami naging magkapatid iyon ang hindi namin matanggap!"

"Kung ganu'n aalam na niya kung sino ang kanyang Ama, alam niyang magkapatid kayo?"

"Hindi! Sandali kilalà mo kung sino ang kanyang Ama?"

"Oo nasabi na sa amin ni Amara pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na masabi sa kanya. Dahil nga iniwan na niya kami at hindi na siya bumalik.

'Kung ganu'n sinabi mo na sa kanya, alam na rin niya na magkapatid kayo?" Muling tanong ni Joaquin.

"Hindi! Wala pa siyang alam at wala rin akong lakas ng loob na sabihin 'yun sa kanya at hindi ko rin alam kung paano sisimulan?

'Yun pa nga lang nalaman niya na Anak ako ng taong iyon hindi na niya matanggap. Paano pa kaya kung malalaman niyang iisa lang ang aming Ama?

'Buong buhay niya si Manong Darius lang ang kinikilala niyang Ama at maging si Tito Darius hindi rin nito gustong malaman pa ni Amanda na ang taong iyon ang biological father naming dalawa.

'Kaya matagal ko rin iyong itinago pero may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado. Nalaman pa rin niya ang totoo sa pagkatao ko.

'Pero hindi ko pa rin magawa na sabihin sa kanya na pareho lang kami ng pinagmulan." Malungkot na kwento ni Dustin.

"Pero karapatan pa rin niyang malaman iyon!" Saad ni Joaquin.

"Alam ko pero hindi pa ngayon, ayoko munang dagdagan ang sama ng loob ng kapatid ko.

'Hindi ko naman balak itago 'yun sa kanya ng habang buhay. Pero hindi ko rin gustong ma-torture nang husto ang utak ng kapatid ko. Nang dahil sa sunod-sunod na rebelasyon sa buhay niya.

'Siguro naman naiintindihan mo ako pagdating sa bagay na 'yan? Kaya gusto kong magtulungan tayo, kung talagang mahal mo ang kapatid ko.

'Inaasahan ko na poprotektahan mo rin siya lalo na ngayong hindi ko na siya kasama." Nasa mukha na nito ang pakikiusap.

"Hindi mo na kailangang sabihin sa akin 'yan, matagal ko na sanang ginagawa 'yun kung hindi mo lang siya inilayo at itinago sa akin!" Mahigpit na nakuyom niya ang kamao.

"Hindi ko siya itinago sa'yo hindi ko sana gagawin 'yun kung alam kong magiging mabuti ang kalagayan niya sa'yo!

'Sinaktan mo siya, naging magulo ang isip niya ng dahil sa'yo! Saka isa pa hindi mo rin magagawang protektahan ang dalawang babae."

"Anong pinagsasabi mo?!"

"Alam kong nagsama kayo ng ex mo at kung hindi ko nalaman agad na wala na siya. At ang tunay na dahilan kung bakit mo siya pinakisamahan?

'Malamang napatay na kita noon pa! Dahil sa ginawa mong panloloko sa kapatid ko."

"Alam mo rin sana na hindi ko siya niloko! Iniwan niya ako at hinintay ko siya pero hindi siya bumalik nalaman ko na lang na nagpakasal siya at sumama sa'yo."

"Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa'yo na nagpakasal kami? Ang alam ko lang binalikan ka niya bago pa siya nagpasyang pumunta ng London.

'Dahil nasa London na kaming dalawa ni Angellie noon sumunod na lang sila ni Lyn.

'Pagkatapos ka niyang balikan pero nakita niya na masaya na kayong mag-ama kasama ng ex mo.

'Kaya siya umalis noon at iniwan kayo. Dahil hindi niya gustong sirain ang masayang pagsasama n'yo ni Liscel at VJ. Bilang isang masayang pamilya, naiintindihan mo ba?

'Sa totoo lang dahil din doon kaya gustong gusto kitang patayin ng mga panahong iyon. Mabuti na lang nalaman ko rin ang dahilan kung bakit kailangan mong pakisamahan si Liscel.

'Kaya hinayaan ko lang kayo at hindi ko rin sinabi kay Amanda ang totoo.

'Dahil alam kong maguguluhan lang siya sa sitwasyon! Naisip ko mas mabuti na 'yung malayo siya sa inyo. Hindi makakabuti sa kalagayan niya noon ang isipin pa kayo."

"Anong ibig mong sabihin, hindi ba dapat kahit ano pa man ang sitwasyon? Hindi ka pa rin dapat na ikaw ang nagdesisyon para sa amin." Pigil ang galit niyang saad.

"Kahit alam ko na maaaring magalit kayo sa'kin. Hindi ko pa rin pagsisisihan ang ginawa ko.

'Ayoko lang maging kawawa ang kapatid ko. Alam kong hindi mo matatanggihan si Liscel. Dahil kahit ano pa ang sabihin mo hindi mo pa rin maitatanggi na siya ang tunay na ina ng iyong Anak.

'May responsibilidad ka pa rin sa kanya, hindi man 'yun bilang asawa o nobya. Kun'di bilang tao, kaya alam ko rin na hindi mo siya magagawang itaboy.

"Kailangan ni Amanda ang iyong buong atensyon hindi kalahati lang at alam kong hindi mo iyon kayang ibigay sa kanya."

"Paano mo nasasabi 'yan minamaliit mo ba ang kakayahan ko. Ano bang alam mo sa'kin ha'?

'Wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan dahil hindi mo alam kung gaano ko minamahal ang kapatid mo!"

"Hindi lang pagmamahal ang kailangan ni Amanda mas kailangan niya ng proteksyon mo! Dahil..." Bigla itong natigilan at humugot ng malalim na paghinga.

"Dahil ano?!" Sigaw na niya.

"Dahil buntis siya noon!"

"A-ANO?"

*****

By: LadyGem25

     (06-07-21)


CREATORS' THOUGHTS
LadyGem25 LadyGem25

Hi Guys,

Narito na ako ulit, at sana nandiyan pa rin kayo?hahaha...

Sana magustuhan n'yo ulit ang bago nating update.

Malapit lapit na po tayong matapos konting hirit na lang at tiyaga sa paghihintay.

Maraming Salamat po ulit sa inyong suporta. Hanggang sa susunod na kabanata.

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

STAY SAFE AND HEALTHY EVERYONE

GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

SALAMUCH

MG'25 (06-07-21)

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C110
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login