Download App
89.39% When The Fate Plays / Chapter 59: 59th Chapter

Chapter 59: 59th Chapter

Paolo's Point of View

Gumising ako nang maaga para hindi masita ni Mrs. Cruz, alam ko namang magiging mas istrikto siya sa akin dahil sa nangyaring commotion kahapon.

"Papasok ka na?" tanong ni Mama na hindi ko inasahang gising na, kakarating niya lang galing kusina papunta sa aming dining table, may inilapag siyang sinangag, itlog, bacon at hotdog.

"Ma, nag-abala ka pa," sambit ko at umupo sa upuan. "Salamat po," nakangiti kong sabi sa kaniya.

Ilang buwan na rin itong ginagawa sa akin ni Mama pero hindi pa rin ako sanay, sanay kasi akong hindi kumakain ng umagahan noon at nagpapalipas lamang ng gutom. Ang napagtanto ko simula nang bumalik siya ay ang sarap pala talagang magkaroon ng isang ina.

Kumain ako at ninamnam ang niluto niya, inalok ko siyang kumain pero ang sabi niya ay okay na siya sa kape.

Tulog pa si Ace kaya kami lang ngayon ang nandito sa hapagkainan.

"Nakausap mo na ba si Eloisa?" nabigla ako sa tanong niya kaya nabulunan ako, inabutan naman niya ako ng baso ng tubig. Tumawa siya. "Akala mo hindi ko alam, Andrei? Alam ko at hindi mo kailangang itago sa akin, never akong naging tutol sa inyong dalawa."

Ako ay napangiti sa sinabi niya, simpleng bagay lang pero gumaan bigla ang pakiramdam ko.

Inaamin kong natatakot akong tumutol siya dahil kapatid ni Ace ang babaeng mahal ko, sino ba namang ina ang hindi magagalit sa desisyon ko? Pero iba si Mama hindi siya tutol sa desisyon ko.

"Salamat, Ma," sambit ko at hawak ng kamay niya. "Gusto ko rin pong sabihing wala kayong kasalanan sa naging desisyon ko noong iwan si Eloisa."

Tumango siya. "Naiintindihan ko," sagoy niya.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako, bumaba na ako papuntang parking lot para sumakay sa kotse ko. Sa totoo lang kotse ito ni Tito Axel binigay lang sa akin para mas mapadali ang byahe ko papunta sa school noon, hindi ito katulad ng mga kotse ko noon na mamahalin at pangyabang lang pero kahit malayo sa kinagisnan kong kotse ayos lang sa akin.

Sampung minuto pa bago mag-alas otso nang umaga kaya nakahinga ako ng maluwag, at least hindi ako late na nakapa-in.

Pumasok ako sa opisina at lahat ng colleague ko ay papalabas, hawak ang kanilang mga phone, may nakabunggo pa nga sa akin na hindi man lang nag-patawad, hindi ko nakita kung sino iyon.

Anong bang meron ngayon?

Nakita ko si Mrs. Cruz na papalabas na rin, nakacrossed arms siya at fierce na naman ang mukha, nagbow ako.

"Good Morning, Mrs. Cruz."

"Morning, ano pang tinutunganga mo diyan? Maiiwan ka dito?" tanong niya saka tigil sa harap ko, tinaasan niya ako ng kilay. "You should at least be a supportive employee you know, our CEO is having a national interview we should watch her live," aniya pa bago ako lagpasan.

National TV interview?

Natigilan ako nang may maalala ako.

"I will handle this, go and rest, you have an interview tomorrow, right?" sambit ni Shiro.

Shit, may interview nga pala si Eloisa ngayon, kailangan ko iyon mapanood!

"Uuna na po ako," I said as I run towards the place where the interview would take place.

Tumakbo ako papunta sa conference hall, may mga nalalagpasan akong employees din pero hindi ko iyon inalintala, kailangan kong makakuha ng magandang pwesto para kitang-kita ko siya, nakapunta na ako sa conference room at malaki, abot siguro ang 100 person kaya binilisan ko ang pagtakbo papunta doon.

Hingal na hingal akong pumasok sa conference hall, thankfully wala pa ganong tao, mga bente pa lang siguro at scattered sila. Nag-aayos pa lang ng lighting at wala pa siya.

Huminga ako nang malalim bago naglakad papunta sa seat na pinakamalapit sa stage.

Twenty minutes passed and people are starting to come, dumating narin si Farrah Jordan, the former supermodel, and Eloisa's interviewer, I never expected her to be here. From a supermodel to a talk show host?

Ang laki nang ipinagbago niya, mukha na siyang inosente at mabait although hindi mawawala ang pagkakaroon niya ng magandang katawan at mukha. Straight na ang buhok niya ngayon hindi tulad noon na kulot ang dulo.

Napangiti ako dahil naalala ako ang conversation namin dati, her are you free tonight is damn remarkable.

People really do change.

May ngiting napinta sa aking labi nang makita ko si Eloisa na lumabas galing sa FIRE EXIT ng conference hall, sa tingin ko ay doon sila dumaan ng mga body guards niya, she looks beautiful as usual. Pula ang kulay ng labi niya habang ang buhok naman niya ay kulot, natural lang ang make up niya, she is wearing a white dress, why does she look like a goddess today?

Nag-shake hands silang dalawa at binigyan ng ngiti ang isa't isa, nagpakilala rin, I know she already knows Farrah and so as Farrah knowing Eloisa.

Bakit ganon? Si Farrah kahit nagbago ang itsura niya at naging simple nakikita ko pa rin ang Farrah Jordan noon pero bakit si Eloisa hindi ko na makita ang Eloisa Ramos noon? It's weird.

Nang sumapit ang 8:30AM sinabihan sila na magiging on-air na in 1 minute, kaya inayos na nila ang kanilang pwesto.

The stage of the conference hall is designed just like a normal living room get-up. Mayroong dalawang sofa at doon nakaupo ang dalawa, tig-isa sila, may coffee table din at pa-props na cup. Parehas silang may lapel lavalier microphone.

"Good Morning, Samantha!" bati ni Farrah kay Eloisa, inabot niya ang kamay dito.

Ngumiti siya at nakipagkamay. "Good Morning din, Farrah."

"How are you?" mukhang normal na conversation lang ng dalawang tao ang nakikita namin, na sa tingin ko ay masarap sa mata.

"I feel nervous now but at the same time fluttered," she said as she put her right palm on her chest. Napangiti ako.

"Why?"

"Being in front of a former supermodel and a famous talk show host is flabbergasting, Farrah," natawa kaming lahat sa sinabi niya, her reason is cute.

"S. Hidalgo Inc. is my stepping stone on becoming where I am now, sobrang thankful ako sa paghandle  sa inyo, kaya  you shouldn't be flabbergasted but anyway this is not about me so," she laughed and looked at the camera man. "Today on Farrah's Morning Talk Show we will get to know the new CEO of S. Hidalgo Inc, give it up for Ms. Samantha Hidlago Ramos!"

Pumalakpak kaming lahat.

"In order to get to know you more, Samantha, we asked for a twitter party with a hashtag of #FMTSAskSam and the amount of tweets are ginormous, it is over 100 thousand tweets!" pumalakpak si Farrah kaya kami rin.

"That's unexpected," halata sa mukha niya na gulat siya sa kaniyang narinig, maski ako ay nagulat din, hindi ko alam na ganto na pala siya kasikat. How can I reach her at this point?

"Definitely! This is the first ask segment that got over a 100 thousand tweets, so are you nervous?" natatawang tanong ni Farrah.

"Kind of?" she smiled, in every smile of her is equal to a smile from me too, I missed her smile, I miss her so much.

Pinaypayan siya ni Farrah gamit ang palad. "You look so tense!" she said as she get the tablet on the coffee table, hindi ko nakitang may tablet pala doon. "Before I ask the questions from the tweets you have to pick a number at the fishbowl first, there it is," may naglagay ng fish bowl sa coffee table. "Ang makukuha mong numero diyan ay ang bilang ng questions na dapat mong sagutin, so are you ready?"

She nodded. "I am ready," sinenyasan ni Farrah na bumunot na siya. At ginawa niya nga ito, ipinasok niya ang kamay sa fish bowl at kumuha ng isang pirasong papel.

"What did you get?"

"15," sambit niya at pakita ng number sa papel.

"You are lucky, I remember Cristine Andrada got 50," she laughed. "Anyway, I miss you Cristine! Going back, are you really now ready?" tanong ulit niya.

Huminga siya ng malalim. "Yes."

"Good, so let's see the #FMTSAskSam tweets... and the first question that got my eyes is, what is your advice for aspiring successful woman like you?" she asked as she looks at her. "Oh! The question is nice, what do you say, Samantha?"

"My advice?" napatango siya. "It is to strive harder and even if you fail don't look down, just look up and trust God's plans, every story has a climax but that doesn't mean it has a bad ending, so don't give up, I believe in you, you should believe in yourself too."

Pumalakpak ako kaya nagsipalakpakan din ang iba, kakaiba ang ganda nung sinabi niya, parang pang miss universe.

"You sounded like a Binibining Pilipinas candidate, Samantha!" sambit ni Farrah.

"I am fluttered," aniya habang natatawa.

Natawa rin si Farrah. "Okay, going back, again, even though your words are kinda overwhelming, so the second question is, lights off or lights on? Lagi na lang itong tinatanong, ano ba kayo guys," aniya sa camera.

"Lights on."

"Next is, do you have a pet?"

"I don't and I don't think I should, I have an allergy with furs," alam ko yon, nasaksihan din kasi ng dalawang mata ko ang pagbahing nya noon dahil kay Ash Milo.

"I know someone who is allergy with furs too and she said it's too bad."

She nodded with a frown. "It is, kahit isang strand lang ng balahibo magkaka-allergy na," ang finesse niyang sumagot, ang laki talaga ng pinagbago niya, parang ibang tao na.

"Sayang, so let's go to the next question, umm... do you have a boyfriend now?" napalunok ako sa narinig ko, sana hindi niya sabihing engaged na siya, please, no.

"I don't一" she cutted her own sentence. "But I do have a fiancé," putangina.

Lahat nang tao ay nagulat pati ang mga katabi ko, ngayon alam na ng buong Pilipinas na engaged na siya, ang saya naman!

Biglang may lalaking dumating, nagtilian ang lahat, habang ako napamura ng malutong, si Shiro ito na may hawak na bulaklak, binigay niya iyon sa nakangiting si Eloisa.

May binulong ito at mas napangiti ang babaeng mahal ko, ang sakit talagang makita ang mahal mo na ngumingiti dahil sa ibang lalaki.

May pag-asa pa ba akong makuha siya pabalik? Mayroon pa ba?

Umalis siyang muli, putangina, agaw eksena lang!

"Navideohan mo ba yun? OMG!" rinig kong sambit ng katabi ko.

"Oo, send ko sayo, nakakaloka! Sana all may Shiro Esteban!" ano bang meron sa chit-shiro-n na yun? Puro paeksena lang naman.

"Kaya nga e, nakakainggit!"

Sarap nilang patahimikin.

"Is he your fiancé?" tumango si Eloisa sa tanong ni Farrah. "Ooopsss, that's not part of the 15 questions okay? But you are lucky to have a sweet future hudband like him," she laughed.

"Thank you, actually every girl deserves a man who will treat them like a princess," I blinked. A sudden realisation hitted me, did I ever treated her a princess? Did I ever acted a man? Did I ever?

"That's correct! Kaya sana yung mga lalaki huwag ga一I can't say the word because it's a bad word, we are now in your fifth question, did you studied at Craeve一I am sorry I don't think I am allowed to disclose your personal informations."

"No it's fine," inayos niya ang pagkakaupo. "I did study at Craeven Academy but I don't have a memory of it."

Nagtinginan ang mga tao dahil sa kanyang sinabi ako naman ay napakunot.

"Is it okay to ask what do you mean you don't have a memory of it?"

"I have an amnesia due to an accident 4 years ago," nanlamig ako sa sinabi niya.

"You have amnesia?" tanong pa ni Farrah, tumango siya habang may pekeng ngiti sa labi.

"Kaya wala akong maalala sa pagiging estudyante ko sa Academy na iyon, only the documents are the proof but I don't recall it, I don't even remember the people I met," what is she talking about? "I know, it is tragic not to remember a single thing."

She don't remember the people she met? Does that mean she don't remember me as well?

Fuck.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C59
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login