Download App
27.84% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 22: Chapter 21

Chapter 22: Chapter 21

 

My Demon [Ch. 21]

Soyunique's Point Of View

"Gaga ka, Sistar, kanina pa nakatingin dito si Keyr my loves," ani Angelo malapit sa tenga ko.

Lunch break at nasa cafeteria kami. Sama-sama kami sa iisang table nila Angelo kasama ang ilan pa naming kaklaseng babae na kaibigan rin namin, lima kaming babae at isang binabae- alam nyo na kung sino yun.

Nasa pagitan ako nila Angelo at Carla. Across us were Andrea, Nicole and Irah.

"Oo nga, Soyu!" humahagikgik na pagsang-ayon naman ni Carla.

"Baka sa dalas nyong magkasama, na-inlab sya sa'yo," dagdag pa ni Andrea at sinundan na ng kantiyawan.

"Keleg pepi na naman 'tong kulot na 'to." Ginulo ni Angelo ang buhok ko kaya nahampas ko sya sa balikat.

"Mamaya ka sa'kin, tignan mo!" banta ko sakanya. Oops! I sounded like Demon.

"Soyu, may crush na ata sa'yo si Fuentalez. Tignan mo kasi, nakatingin pa rin sa'yo. Haweee!" Katapat kong nakaupo si Nicole. Ni-reach out nya ang braso nya at sinundot-sundot ang pisngi ko.

Tinignan ko sila Andrea at Irah na katabi nya; naka-cran ang mga leeg nila at nakamasid sa alam-kong-direksyon ni Demon.

With the corner of my eye, nakikita ko na nakatingin nga si Demon sa'kin. Haluh, anong klaseng elemento na naman kaya ang sumapi doon at nagkaka-ganun sya? Noong friday, lutang- nasa kabilang planeta ang pag-iisip. Kaya nga nag-suggest ako na wala munang tutorial noong sumunod na araw which was saturday, dahil naisip ko na kailangan nya ng pahinga.

Baka masyadong na-pressure ang utak sa tutorial namin.

Kahapon okay na naman. Binubully na naman nya ko. Ewan ko ba kung anong klaseng personality meron sya. Ang daming mood.

"Seryoso," puna ni Andrea at humarap na saakin. "Tignan mo kaya. Baka sakaling ngumiti."

"Hmm?" daing ko sa tonong high pitch. "Lagi namang ganun yan eh." Sumubo na ulit ako ng black forest cake na nilibre sa'kin ni Angelo, at pinilit ang sarili ko na wag tumingin kay Demon- na ipinagpipilitan nilang gawin ko.

You know, Demon's eyes were dangerous but has magic beyond. Baka mapunta na naman ako sa reverie. Mahirap na, andito pa naman sa tabi ko ang bespren kong paniguradong mananabunot saakin kapag nagkataon.

"Haba ng hair ni kulot," asar ni Angelo habang nilalaro ang buhok ko. "Nawala lang saglit si Johan, kumota na agad."

Talk about Johan. Sasabay sana sya sa'min mag-lunch kaso nagkaroon ng emergency. Pinatawag kasi lahat ng basketball players ng coach nila.

"Di na tayo bati. Niaagaw mo si bebe ko," sabi ni Angelo na nagtatampu-tampuhan na parang bata.

"Ewww!" sabay-sabay na reklamo ng apat naming kasama.

Inirapan lang sila ni Angelo at nabalik na naman ang pagpupumilit nila na tumingin ako kay Demon.

"Tingin na kasi."

"Choosy pa, Sistar? Yummy na yang titignan mo. Mas yummy pa dito sa dessert mo." Tinutukoy ni Angelo yung cake.

"Titingin na yan! Titingin na yan! Titingin na yan!" pag-cheer nila with matching pataas taas pa ng kamay na may hawak na kutsara't tinidor.

"Ayaw," paninindigan ko. Palibhasa hindi nila alam ang epekto ng pagtitig ko kay Demon.

Binuhat ko ang basong may laman ng juice at iinumin na sana nang hawakan ako ni Angelo sa magkabilang pisngi at pilit na ibinaling ang ulo ko dahilan para sumakto ang tingin ko sa direksyon ni Demon, sa mismong sakanya.

 

Eto na naman. Nahuli na naman ni Demon ang mga mata ko. Hindi ko na naman magawang umiwas ng tingin.

Sabay na nag-cran ng leeg ang tatlong kaharap namin. Maski ang dalawa kong katabi, alam kong nakatingin din sa pwesto nila Demon.

"Pakshet gwapo talaga ni Plojy," rinig kong sabi ni Irah.

Nakatingin nga sya. No, nakatitig. . . saakin. Si Ployj na katapat nya, patuloy lang sa pagkain. I wonder kung paano sila naging magkaibigan. Eh, parang may kanya-kanya silang mundo.

"Pasulyap sulyap pa kunwari. Patingin tingin pa sa'kin. Di maintindihan... ang ibig mong sabihin." Nagsimula ng ngumawa este kumanta si Angelo bilang pang-asar.

Gusto ko man syang harapin at sampalin ng pabiro, hindi ko naman magawa. Dahil alam nyo na... nanghy-hypnotise ang mga mata ni Demon.

"*lyrics*" Sinabayan na sya ng apat. Talaga naman! I bet, pinagtitinginan na kami dahil sa kaingayan nilang lima.

"Kunwari pang ayaw tumingin. Pero heto naman ang ating bruha, di makaiwas ng tingin," wika ni Angelo habang patuloy sa pagkanta ang apat. Background music lang?

"Ganyan daw kapag inlove. Gustuhin mo mang umiwas ng tingin, hindi mo magawa. Yung parang kayo lang ang tao sa paligid. Ayee! Ayan ang nararamdaman ni Soyu kaya tulala rin sya kay Demon," boses ni Irah.

"Ganap ka ng dalaga, Soyu."

At tinukso na nila ako.

Tumayo si Demon nang hindi inaalis ang tingin sa'kin. Ni hindi na ata sya kumukurap, gaya ko. Naglakad sya na alam kong papunta sa kinalulugaran ko. Still not breaking our eye contact.

Nang makalapit na sya, lumakas ang pagkantiyaw ng mga kasama ko with matching tili pa. Tili ni Angelo ang nangingibabaw.

Umaalingasaw ang bango ng pabango nya. Parang... parang gusto ko syang sunggaban ng yakap. Isang napakahigpit na yakap. Oh men! Ano ba 'tong pinag-iiisip ko?

 

"Pinabibigay ni mommy." Saka ko lang na-realize na may dala pala syang  paper bag. At isa pa sa na-realize ko ay kanina ko pa pala hawak-hawak ang baso ng juice.

Di mabitawan, Soyu?

"Nag-bake sya kaninang umaga ng lasagna and she pleased me to send this to you myself." Inabot nya sa'kin ang paper bag.

Binaba ko muna ang basong kanina ko pa hawak at pinunas ang kamay kong medyo basa sa skirt ko bago tinanggap ang inaabot nya.

"Uh . . . pakisabi sa mommy mo thank you," I uttered not meeting his eyes.

Nilapag ko muna iyon sa lamesa.

Kaya pala ako tinititigan ni Demon kanina ay marahil dahil sa naghahanap sya ng right time na pwede nyang maibigay sa'kin ang ipinabibigay ng mommy nya. Ang assuming talaga ng mga kasama ko. Tapos... ako din pala, medyo lang naman. Alam ko naman kasing never as in NEVER ma-aattract sa'kin si Demon. Ang feeling ko naman.

Pasabi-sabi pa sila ng, "may crush na ata sa'yo si Fuentalez" at "baka sa dalas nyong magkasama nainlab na sya sa'yo".

Napaka-imposible naman ata nun! Hay! Bakit nga ba ko affected ng ganito? Ano naman kung inaasar nila ako kay Demon? Hindi naman ako maghihimutok ng ganito kung.... waah! Mababaliw na ko!!

"Soyu, ba't ayaw mong tignan si Keyr?" tanong ni Andrea.

Nang tinignan ko sya, may nakakalokong ngiti ang naglalaro sa labi nya. Nasa gilid nya nakatayo si Demon.

"Ang gwapo-gwapo ni Keyr tas ayaw mong tignan?" Hinawakan ako sa chin ni Angelo at tiningala ang ulo ko to meet Demon's gaze.

Bakit ba nila ako pinagtutulakan sa lalaking yan, ha?! Mas pinagtutulakan pa nila ako kay Demon kaysa kay Johan na alam nilang crush ko.

Hinampas ko palayo ang kamay ni Angelo at tinignan si Demon, stern look.

"Umalis ka na nga!" pagtataboy ko sakanya. Ako na bad. Palayasin daw ba ang may-ari ng paaralang ito?

Imbes na magalit, tumaas pa ang sulok ng labi nya. Hot!

 

"Mamaya ka sa'kin." It wasn't a warn, I know. Hindi naman kasi galit ang tono nya kundi amuse.

May sasabihin sana ako kaso hindi ko nailabas dahil may kakaiba akong napansin sa paligid.

Tahimik. Sobrang tahimik. Wala akong boses na marinig di gaya kanina. Pati ang mga kasama ko sa table ay hindi umiimik. Mga nakatingin lang sila kay Demon na parang may bago.

Maski ako pala, nakatitig din sakanya. At alam nyo kung bakit?

Dahil may bago! May bago talaga!

Nakangiti sya. Nakangiti si Demon. . . saakin. Hindi ngiting nananakot, ngiting nang-aasar, ngiting sarcastic o kung ano pa yan. A genuine smile.

Yes, I once saw him smiling genuinely, pero iba ang ngayon. Maski ang mga mata nya ay masayang ngumingiti.

For Demon being a bad boy, nakakapanibago at nakakabigla na ngumiti sya ng ganitong klase. At sa reaksyon ng mga taong nakakakita ng magandang ngiti na ipinapakita nya ngayon, sigurado ako na first time nilang makita na ngumiti si Demon.

"Later, sa likod ng school," ang huli nyang sinabi bago umalis kasabay si Ployj na kanina pa pala nakatayo.

Pagkaalis na pagkaalis ng dalawa, agad nagtilian ang mga kasama ko lalo na si Angelo.

"Pakshet! Pers taym kong nakitang ngumiti si Keyr! Pakshet na Pakshet! Mas hot sya kapag naka-smile. I love you na, Soyu! Pinangiti mo ang aming Mr. Bad Boy," frantic na sabi ni Irah.

"Ang cute ng smile nya. Mas masarap syang titigan kapag naka-smile," tulalang wika ni Nicole with her chin resting against her palm.

"Ikaw na talaga, Soyu! In all fairness, ikaw palang ang babaeng nakita ko na kinausap nya. Nang nakangiti. At talagang nilapitan ka pa nya. Kinikilig ako sainyo!"

Kinikilig sa'min? Kung alam nyo lang ang mga karanasan ko sa hagupit ng lalaking iyon.

"Tumigil nga kayo. May sapi lang yun ngayon kaya sya ganun," saway ko sa kanila.

"Pero girl, ang sama sa'yo ng tingin ng mga impakta."

Halos sabay kaming tumingin sa paligid ni Angelo. Haluh, oo nga. Pinapatay na ko sa tingin ng mga babae. Bakit ba sila ganyan?

"Don't worry, Sistar. Hangga't nandito ako, hindi ka masasaktan ng mga Pakshet." Nahawa na si Angelo sa kaka-pakshet ni Irah.

Napahalumbaba nalang ako. Bakit kaya . . . all of a sudden parang may nagbabago? Parang may nag-iiba. Wenks. Nagbabago at nag-iiba, parehas lang yun eh!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C22
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login