ARA'S POV
Parehong nakataas ang kilay namin ni Charmagne habang nakatingin kami sa isa't isa. Nandito kami sa may gate ng school at inaabangan naming dumating si Marcus. Actually, ako iyong nauna rito at ayaw lang talagang magpatalo ni Charmagne dahil nakigaya siya sa trip ko ngayon. Well, talo pa rin naman siya dahil tiyak ako ang lalapitan ni Marcus.
"Naka-make up ka ba?" tanong niya bigla.
"Oo. Bakit? Natatakot ka na ba na pati sa ganda talo na kita?" tanong ko naman at hindi ko nagustuhan iyong pag-ngisi niya sa akin. Para bang confident talaga siyang mas maganda siya. Tss! At least, totoo akong babae.
"Sinabi ko bang maganda ka dahil diyan sa makeup mo?" natatawang tanong niya kaya napasimangot tuloy ako. Namemersonal na siya! Naaasar na ako. "Hindi nga pantay blush on mo, oh," lumapit siya sa akin at saka niya hinawakan ang baba ko.
OMG! Bakit ako nakakaramdam ng awkwardness? Eh, kasi, bakit ang lapit-lapit?
"Oh, tulaley sa ganda ko?" saka lang ako nagbalik sa katotohanan nang magsalita siya ulit.
Iniharap niya sa akin ang isang salamin at nakita ko namang pantay na nga ang blush on ko. Sorry naman, first timer, eh. Mapagbibigyan pa ba? "S-Salamat," nakayuko kong sabi. Hindi ko alam kung ano iyong reaksyon niya, pero ang alam ko lang ay pinagkakatuwaan niya talaga ako dahil mahina siyang natawa. Tss! Palibhasa sanay mag makeup!
"I recommend you to just use lipstick and don't make it too red dahil ang pokpok tingnan. Don't use blush on because you no longer need it, you're blessed to have natural rosy cheeks. Don't do kilay na rin, your eyebrows look fine and it's already pretty. Maganda ka naman with your makeup on, but you look gorg with your natural beauty," bahagya niyang tinapik ang braso ko, "Marcus is here. Sinabayan lang talaga kita sa paghihintay para hindi ka mainip. See you around," tuluyan na siyang umalis matapos sabihin iyon. At ako, ito, napatulala na lang.
Hindi na naman bago sa akin na sinasabihan akong maganda kahit walang makeup, pero bakit ganoon? Ang sarap marinig na galing iyon kay Charmagne? Bakit? Kasi rivals kami? At dahil sinabi niya iyon parang sinabi niya na rin na pagdating sa ganda ay talo siya?
"Ara?"
"Oh?" nilingon ko si Marcus at ngayon ko lang napagtantong kanina niya pa pala ako tinatawag.
"Hinihintay mo ba ako?" tanong niya at tumango naman ako agad. "Don't do this again next time. Ako dapat 'yong naghihintay sa'yo," aniya.
Inakbayan ko si Marcus at saka kami nag-umpisang maglakad. "Hindi ba pwedeng gawin 'yon ng babae, ha?" tanong ko naman.
Inalis niya iyong pagkaka-akbay ko sa kaniya at siya iyong umabay sa akin. Sh*t, kinikilig ako! HAHAHAHA! "Pwede naman. Pero, ayokong gawin mo 'yon. I don't want you to get exhausted, Ara," sh*t, double kilig! Kay aga-aga naman, Marcus, eh.
CHARMAGNE'S POV
Napabuntong-hininga na lang ako habang pinapanuod silang magharutan habang naglalakad. They really look good kung sana lang ay totoo ang nararamdaman ni Marcus
Sa totoo lang, kanina, gusto ko rin talagang hintayin si Marcus para sirain ang umaga ni Ara, but I'd decided to just stay with her until Marcus came and leave them alone afterward. Seeing Ara prepared herself to impress Marcus makes me realized that I should give them this moment. Hayaan ko na munang sumaya ang Kilatra and I'll just talk with Marcus later.
Huling pakiusap ko na ito at kapag aayaw siya ay pangangatawanan ko na talagang gusto ko siya. So, sorry na lang sa kaniya dahil lahat ng lalaking sinabihan kong gusto ko ay maghahabol sa akin in the end. Humanda ka, Marcus!
"Charmagne," hindi ko inaasahan na lalapitan ako ng ting-ting na si Alex, ha.
"Yes?" tanong ko. Hindi siya sumagot at tumabi siya sa inuupuan ko. "Anong kailangan mo?" muli kong tanong.
"Close na kayo ni Marcus, right?" hindi na ako sumagot dahil halos lahat naman ng mga estudyante rito ay alam iyan. So, why bother to say yes if she knew it already? Gusto niya pa akong mag-effort? Bahala siya! "Totoo bang may gusto siya kay Ara? Kasi naaasar na ako, eh. I can't find time to be with her kasi lagi siyang nandiyan!" asar niya talagang sabi.
"Malay ko, malay mo, malay ni'yo malay niya, Malaysia!" sagot ko naman kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"I'm not playing around, Charmagne," aniya. Inirapan ko na lang siya at saka bahagyang napailing. Ang kapal ng feslak na kausapin ako, eh hindi naman kami friendship!
"Ba't ba ako ang tinatanong mo? Why don't you ask Marcus? Siya lang ang makakasagot ng tanong mo," sabi ko, pero mas lalo lang kumunot ang noo niya.
"Sabihin mo kay Marcus na huwag siyang dikit nang dikit kay Ara dahil hindi lang siya ang may gusto sa kaniya! KAINIS!" matapos sabihin iyon ay nag walkout na siya.
Napabuntong-hininga na naman ako. Mas lalo ko yatang kinakailangang bantayan ang tangang si Ara. Tsk! Paano na ang love life ko?!
MARCUS'S POV
Dalawang Linggo ko nang nililigawan si Ara. Hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko na iyong ginagawa ko. Alam ko sa sarili ko na bakla ako, matagal na. Tinatago ko lang dahil nahihiya ako. Pero ngayon, bakit ganito? Bakit kakaiba na ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Ara?
"Marcus, paano ba 'to?" tanong niya. Hindi ko man lang matingnan ang itinuro niya sa libro dahil nakatitig lang ako sa kaniya. Ngayon ko lang siya natitigan nang ganito kalapit, ang ganda ni Ara. Mabait kahit makulit, understanding, patient—a girlfriend material, indeed. Pero, bakit ang bobo ko? Bakit ko siya sinaktan noon?
"These are binary codes, Ara. All these codes have corresponding letters," ibinigay ko sa kaniya ang isang pirasong papel kung saan sumulat ako roon ng mga binary codes, "tingnan mo rito sa libro kung anong mga letra iyang binary codes na isinulat ko," nakangiti kong sabi.
"Oh, okay, sige. 01001001 is I. . .01001100 is L. . .01101001 is i. . .01101011 is k. . ." bawat pagbigkas ni Ara ay pakiramdam ko humihina ang paggalaw ng mundo. Nasa library kami, maraming estudyante, pero bakit kaming dalawa lang ang nakikita ko? Damn it! I know it's not yet too late, I can still make this right. ". . .I like you, Ara?" nakakunot ang noo niya nang itanong iyan sa akin at tumango naman ako. "Eh? Bakit kinakailangan mo pa akong pahirapan para makuha lang 'yan, ha?" bahagya niya pang pinalo ang braso ko.
"Sorry, next time hindi na kita papahirapan," sabi ko at ngumiti naman siya agad. The smile that I started to like seeing every second.
"Talaga?" she made sure.
"I like you, Ara," hindi ko man lang napigilan ang sarili kong sabihin iyan, pero masaya ako sa ginawa ko. "I really do and I mean it," dagdag ko pa.
"Marcus. . ." she's teary-eyed, but I know she's just happy, ". . .mahal kita, pero handa akong maghintay to turn your I like you to I love you. Maghihintay talaga ako, Marcus," she uttered, full of sincerity.
I promise you, Ara, waiting for it will be worthy soon.
CHARMAGNE'S POV
The two have gotten more close. Iyong mga best friend ni Ara ay lagi na ngang sumama sa akin dahil nag-iisa na lang daw ako at kulang na sila ng isa. Naiintindihan naman daw nila si Ara dahil sa tinagal-tagal ng paghihintay niya, ay sa wakas, gusto na siya ng taong gusto niya.
Kung alam niyo lang, Girls. Kaya lang ay hindi niyo pa maaaring malaman. Pero, malapit na. Ayoko na talagang magtagal pa ito. Isang buwan na, isang buwan nang niloloko ni Marcus si Ara. I think it's no longer right. Bakit pa ba ginagawa ito ni Marcus, eh mukhang kay Ara na naman mapupunta ang slot dahil wala ng nagagawang moves si Alex? Tsk! Hanggang kailan ba paaasahin ni Marcus si Ara? Mukhang nag i-enjoy na yata siya, ha.
"Marcus," ito na yata ang tamang oras para komprontahin siya. Walang tao rito sa classroom namin, kaming dalawa lang. Nice timing. "Tama na," ini-angat niya iyong paningin niya sa akin at saka siya tumayo na seryosong nakatitig sa mga mata ko. "Tigilan mo na 'to," dagdag ko pa.
"Ayoko," matigas niyang sabi. Nahihibang na talaga ito, eh.
"Masaya ka bang niloloko mo siya? Kasi ako, hindi ko na nagugustuhan 'yong ginagawa mo, hindi na nakakatuwa," nakakunot na talaga ang noo ko, pero ang Marcus ay wala man lang reaksyon sa mukha. "One week na lang, sure na na kay Ara mapupunta ang slot, siya na talaga ang ipapadala sa SoKor. So, tama na. Wala ng sign na maaagaw pa 'yon sa kaniya."
Alam kasi ni Marcus iyong plano ni Mrs. Chua, assistant Dean ng school at Tita ni Alex, tsaka si Alex na dumihan ang pangalan ni Ara para hindi sa kaniya ibigay ang slot para maging exchange student sa SoKor. Isa lang kasi ang slot and both Alex and Ara have been wanting it. Hindi ko alam kung anong opportunity meron diyan at bakit pinag-aawan nila. But then, hindi naman nagawa ni Alex iyong plano niyang linlangin si Ara. She may had succeeded in telling her she likes her, pero befriend with her, knows her bad side and expose it to the public, wherein that's the only way para hindi ibigay kay Ara ang slot, ay hindi niya naman nagawa. She failed and therefore, Marcus wins. Napanitili niya kay Ara ang slot, tapos na ang plano niya, hindi na papanget 'yong imahe ni Ara. So, he can now stop. Ara's a good friend and she really doesn't deserve Marcus's pretentious doing.
"Charles, pwede ba, ikaw 'yong tumigil. Huwag ka na ngang sumawsaw sa amin ni Ara dahil sa simula pa lang hindi ka naman talaga kasali sa kwento namin," my God, kumulo talaga ang dugo ko sa sinabi niya. Ang kapal ng feslak!!
"Kwento niyong kasinungalingan? Na kunwari may gusto ka kay Ara, pero ang totoo bakla ka naman talaga! Lalaki rin ang gusto mo—"
"Kailan pa, Marcus?" parehong nanlaki ang mga mata namin ni Marcus. K-Kanina pa kaya siya? Narinig niya ba lahat? Shuta des!!
"Ara, l-let me—"
"Explain? Marcus, explain, what? I've heard it all! So, hanggang kailan? Inform mo naman ako, ang hirap maki-ride kapag wala kang alam, eh," puno talaga ng galit ang mga mata ni Ara ngayon. Natatakot na ako!
"A-Ara, totoo. Oo, n-niloko kita sa umpisa, pero ngayon, Ara, totoo na, eh. Totoong gusto na kita," napataas ang kilay ko, Mama! Hindi pa ba tapos ang drama? Marcus, naman, eh.
"Ang tanga ko nga pala talaga, Marcus. Narinig ko na naman sa'yo noon na hindi mo 'ko gusto, pero bakit naniwala pa ako nang sabihin mo kuno na gusto mo nga ako? At ngayon, sasabihin mo 'yan? Hanggang kailan mo ba ako gagawing bobo?!"
God, I can't take this anymore!! Kawawa talaga si Ara.
"Pero, Ara, gusto na talaga kita. Gustong-gusto, Ara," shuta, mukhang totoo na yata ito. Umiiyak ang lolo niyo! Pero, maniniwala ba ako? Shuta talaga. Ang sarap umalis sa eksena!
"Tama na, Marcus, huwag na nating gawing tanga ang isa't isa," mahinahon, pero may kakaibang pait na sabi ni Ara. "Maraming salamat sa panandaliang kilig kahit hindi naman 'yon totoo," at nag walkout na nga siya. My God!
Akmang susundan siya ni Marcus, pero pinigilan ko siya. "Leave her alone," sabi ko, pero inalis niya lang iyong kamay ko. "Marcus, didn't you hear it? Ayaw na niyang maging tanga kaya tumigil ka na," shuta ang hirap paintindihin, eh. Kaasar!
"GUSTO KO NGA SIYA, CHARLES, TOTOO 'YON!" aniya at saka niya ako tuluyang iniwan. Pero, required ba talagang sumigaw? Nabingi ako saglit, ha.
Pero, sige, sabihin na nating totoo nga na may gusto na si Marcus kaya Ara, pero paniniwalaan pa kaya siya ni Kilatra? The problem lies there at bahala na sila sa buhay nila.
Okay, sa wakas! I'm done with this mess. I can now focus on my own life!
Kinuha ko na iyong mga gamit ko at aalis na sana nang makatanggap ako ng tawag mula kay Kilatra.
"He—" ay, bastos, hindi ako pinatapos.
"Charmagne. . .samahan mo naman ako. . .please," umiiyak pang sabi niya. Sushmita sen! (Sosmaryosep!) Akala ko tapos na.
"Saan ka ba?"
"E-Ewan? Sumakay ako ng taxi at. . .hindi ako alam kung saan ako pupunta."
"Okay. Sabihin mo Flores Village, hihintayin kita sa may gate," may bahay ako roon at mas komportable kung doon siya magdrama. Kawawang Kilatra.
I hope this will be the last. Sana huwag mo nang hayaang gawin ka na namang tanga ng pag-ibig.