Download App
100% My Boyfriend Is The Professor / Chapter 15: Chapter Fifteen

Chapter 15: Chapter Fifteen

Wala na ako choice kundi tawagan sina Jelly at Yanie. Sila ang mas nakakaintindi sa akin sa ganitong sitwasyon. Although hindi ko pa nasasabi sa kanila ang about sa amin ni Vlad. Bahala na. Mas kailangan ko ang mga kaibigan ko ngayon kundi mapapraning ako nito..

Tinext ko sila na magkita kami sa bahay. Baka bukas na ako pumunta kay Veena dahil hindi lang namin maeenjoy ang bonding namin kung may mga iniisip ako. Baka nandun pa si Vlad. Patay!

Umuwi ako. Nakita ko si Mama sa gate at palabas sya.

"Oh anak. Andyan sina Jelly ah. Pinapunta mo daw sila?" tanong sa akin ni Mama ng makita nya ako sa gate.

"Opo. Saan po kayo pupunta?

"Ah kay Tita Margie mo. Andun ang Papa mo. Birthday ng Tito Luis mo.

"Ah ganun po ba. Ingat po Mama.

"May pagkain sa ref pag gusto nyo kumain. Si Allen kasama ang mga kaibigan nya.

Tumango ako. Humalik muna ako kay Mama then pumasok na ako sa loob.

Nasa sala sina Jelly. Nagkukwentuhan sila ni Yanie.

"Sa wakas andito na si Aly. Saan ka ba galing? "tanong agad nila sa akin.

"Sa kwarto tayo.

Hinila ko silang dalawa paakyat ng kwarto ko. Nilock ko ang pinto. Naupo ang dalawa sa kama ko.

"Seryoso ba yan at dapat present pa kami?

"Oo. Ganito kasi yun.

Huminga ako ng maluwag. At.

"About sa nyo ni Sir Vlad?" biglang sabi ni Yanie.

Nagulat ako.

"Ah- Eh- Paano nyo nalaman? Kelan pa!

"Best.. Ikaw pa makakapagtago ng secret sa amin? Naku!" said Jelly.

"Alam mo yan mga malalagkit mong tinginan kay Sir Vlad at yan di matanggal na kakiligan mo sa singit mo mabubuking ka talaga agad! Kilala ka namin! Simula pa noon ganyan kana.

Nagulat ako sa sinabi ni Yanie. Ganun ba talaga ako?

"Hehe. Ganun ba talaga ako kiligin?

Hinampas ako ni Yanie sa balikat.

"So ano ayan ba ang aaminin mo sa min?

"Oo eh. Sorry ha. Di ko agad nasabi sa nyo . Dapat kayo ang unang nakaalam.

Naupo ako sa tabi nila. Hinawakan ako ni Jelly sa balikat.

"At least nasabi mo na. Hinihintay ka lang namin na magsalita. So Sir Vlad nagbigay sayo ng flowers kahapon?

Umiling ako.

"Talaga? Hindi nga?" tanong ni Yanie.

"May dapat ako aminin pa at kanina ko lang nalaman. About kay Drake.

Nagulat ang dalawamg kaibigan ko.

"Si Drake kasi..

"GAAAYYY!" sigaw ni Yanie. Hinampas ko kaagad sya.

"Sinabi ko na yan kanina. Hindi yun. Ano ka ba?

Natawa sina Jelly at Yanie.

"Sorry naman! Malay ko ba, eh kasi naman kung makapagkwento ka akala mo eh si Drake gay na. Apaka playboy nga nun eh.

"Ayun na nga. Si Marie! Nag usap kami.

"Ows. Ano daw sabi?" tanong ni Jelly.

"Please lang! Wag naman muna kayo magreact ha. YANIE!

"Oo . Di ako mag rereact.

Huminga ulit ako ng malalim.

"Si Drake. Naghiwalay sila ni Marie dahil sa akin.

Tahimik ang dalawa.

"Oh? Bakit di kayo nagrereact?

"Sabi mo wag kami magreact?

Napahawak ako sa noo ko.

"Yanie! Jelly!!

"Anooo! Sure ka dyan?

Tinanguan ko si Yanie.

"Kelan pa?

"Sabi ni Marie matagal na daw?

"So si Drake na bestie mo since childhood may pagtingin sayo? Delikado yan!" said Yanie na tumayo at kinuha ang pitchel ng juice sa may study table ko.

"Umamin na ba sya sayo? Nag usap na kayo?" tanong ni Jelly.

Umiling ako.

"Naiinis ako sa kanya eh.

"Sa bagay gwapo si Drake. Crush ko yun dati pero may boyfriend na ako.

"Ay ganun.

Naupo ulit sa kama ko si Yanie.

"Guys. Nahihirapan ako magdecide. Si Drake? For sure manliligaw yun!

"Oo naman. Ngayon na at nakaamin na sya sayo igagrab nya na to.

"Problema yan Jelly. Si Sir Vlad. Nanliligaw nga sya diba?

"Ikaw na haba ng hair mo. Kalbohin kita dyan ah." hinila ni Yanie ang buhok ko.

"Aray naman eh.

Natawa si Jelly.

"Ano po kaya gagawin ko.!

"Basta ako hashtag team Drake ako!"sigaw ni Jelly.

"Hoy bruha ako HASHTAG WITH CAPSLOCK TEAM VLADIMIR AKO!!

Napahawak ako sa noo ko. Parang lumala pa ata nung sinabi ko sa kanila.

"Pwede ba! Ano gagawin ko kailangan ko ng advice nyo. Tigilan nyo yan hashtag hashtag na yan. Napapraning na ako!!

"Best. Ganito kasi yan. Alam mo naman ang personality ni Drake! Hindi nagpapatalo yan. Kapag gusto nya gagawin nya. Ngayon pa alam mo na at gusto ka na nya ligawan gagawa at gagawa ng paraan yan. Ang tagal nyang naghintay para sayo. " said Jelly habang hinahagod ang likod ko.

"I know.

"Si Sir Vlad naman? Ano ba sya? Aly?

"Kasi. Same lang naman sila ni Drake. Mukhang di magpapatalo.

"Isa nalang ang solusyon.

Napatingin ako kay Yanie.

"Jell. Kuha ka nga ng gunting dyan kalbohin na natin to. Grabe eh dalawang hearthrob pinag aagawan sya eh.

"Loka ka talaga Yanie!

"Pinapatawa ka lang namin. Basta ikaw pa din makakasolve nyan. Pagbigyan mo silang dalawa kung sino ang mas okay sayo sya ang sagutin mo.

"Tama si Yanie. Si Drake bigyan mo sya ng chance.

Napaisip ako.

"O sige. Susubukan ko yan.

Niyakap ko silang dalawa.

"Salamat ha.

"Ikaw pa ba!

After namin magkwentuhan gumaan ang pakiramdam ko. Iba talaga kapag nakakapag open ako sa kanila. Nagmeryenda kami after namin magkwentuhan. Nasa sala na din si Allen ng bumaba kami.

----

RRIIIINNGGGG!

Nagring ang phone ko. May nagtext ata.

Unknown number sya.

Aly? Its Vlad. My sister asked bakit hindi ka daw dumalaw?

Nagulat ako. Nagtext sya sa akin. Namumula ako habang hawak ko amg phone ko. Nagreply agad ako.

Pupunta po ako bukas. Pasensya na pakisabi nalang kay Veena.

Hinintay ko ang reply nya.

Oh okay. Nag alala lang ako sayo. Hindi ka nagpunta. Let me know tomorrow so I'll just pick you up there at your house.

Nangingiti ako sa text nya. Nagaalala sya sa kin. Kakainis. Kinikilig ako. Sasabunutan ko si Allen mamaya!!! Hindi ako makapagpigil!

Nagreply ako.

Sige Vlad. Thanks. Goodnight na din. :)

At sinend ko na. Akala ko di na sya magrereply.

Pero! Nagvibrate ulit ang phone ko.

Okay. Goodnight beautiful. Sweetdreams.

Shhhheemmmaaayyy!!

Nasa tabi ko si Allen habang nagbabasa ako ng text so di na talaga ako makapagpigil kundi sabunutan sya.

"ARAY ATEE!!" sigaw nya habang hinahatak ko ang buhok nya sa patilya.

"Magtiis ka dyan! Kinikilig pa ako eh!!

"Ma! Si Ate ako nanaman sinisisi sa kilig nya!!

"Aly! Allen! Tama na yan." sigaw ni Mama sa amin.

Hindi na ako makapagpigil talaga. May kakaibang saya at kilig talaga syang napoprovide sa akin!!

Is this love? No its kilig na talaga!! Ngayon ko lang to naramdaman ah. Dapat nung nag 17 ako o 18. Pero yamuna. Enjoy na enjoy ako. Hihi~

-----

Keep reading and dont forget to vote guys 😗


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login