Sa isang magarang tahanan na may santiyang disenyo ay mababakas mo rito kung gaano karangya ang buhay ng isang tao. Mga matikolosong disanyo ng kisame at bintana pati na rin ang mga naka pinturang larawan na nakasabit sa gilid ng bahay, na ang mga nag pinta nito ay kilalang pintor mula sa Europa. Maging mga kagamitan sa loob ng bahay ay gawa sa matitibay at mamahaling kahoy.
At ngayon sa isa sa mga silid pang panauhin, sa dulo ng kuwarto, may isang babaeng tumu tungtog ng musika gamit ang piano. Ang mukha niya ay mala anghel at ang kanyang labi ay may pag ka natural na pula, ang buhok niya ay mahaba habang sinasayaw ng hangin.
Ang musika na kanyang tinutungtog ay animoy hinehele ka sa pag tulog, mga ibon na nag sisiawit at ang mga punong sumasayaw sa hangin.
Isang palakpakan ang nagibabaw sa loob ng silid.
"Aurora kahanga kanga ka anak! Saglit mo lang inaral at ngayo'y na itutungtog mo na ng maayos".
"Maraming salamat Mamma!".
"Seniora sigarado akong maraming mga aristokrato ang mapapa ibig ni Seniorita!" Tugon si Sisa ang tagapag lingkod ng Pamilya Tomada at personal na nag aasikaso kay Aurora.
"Hmm... Tama ka Sisa, buweno Isidra!" Tawag ni Seniora Amelya.
"Ano po iyon Seniora" tugon ng tagapag lingkod habang naka yuko.
"Paki sabi sa lahat na mag linis at ayusin ang buong bahay at hardin, may darating tayong bisita mula sa Maynila". Utos ni Amelya habang naka upo at papaypay.
"Mamma sino pong darating?".
"Isang kilalang mananahi sa Intramuros anak, nag pagawa ako ng bagong saya na gagamitin mo para sa darating na kapistahan".
Nang marinig ito ng mga tagapag lingkod ay agad sila namangha, alam nila na ang darating na bisita ay hindi isang ordinaryong tao, ang mga likha nito ay pambihira at ang presyo ay lubhang nakakalula, tunay na ang mga dugong bunghaw lamang ang may kakayahang makabili nito.
"Talaga Mamma!" Sa sobrang tuwa niya ay napatakbo siya sa ina at lumuhod sa harap nito upang hawakan ang kamay, at ang kanyang mga mata ay animong nakiki usap kung totoo ang lahat nang iyon.
Marahang inalalayan ni Amelya ang anak upang tumayo. "Aurora! Huwag ka ngang lumuhod diyan hindi iyan magandang gawain ng isang dalaga".
"Patawad Mamma sobra lamang po akong natutuwa, ang makasuot ng ganong klaseng damit ay tiyak na pinapangarap nag lahat ng kababaihan". Pag hanga niya.
"Tama ka anak ang saya na aking ipinagawa ay talagang mitikolosa, ang telang ginamit ay gawa sa pinaka magandang uri ng abaka at ang pag susulsi ay may kahirapan at ang burda naman sa baba ay mula pa sa pinakamagaling na tribo sa mindanao" Pag mamalaki niya habang hinihimas himas ang makinis na mukha ng anak.
"Ito ang unang beses na makilala kang lahat ng tagarito, pati na rin ang mga aristokrato at mga dugong bughaw, kailangang makilala nila ang unica ija mula sa Pamilya Tomada".
Pag katapos ay hinila ni Amelya ng marahan ang anak papunta sa bintana kung saan tanaw mula rito malaking hardin pati na rin ang malawak na taniman at palayan ng pamilya. "Aurora ikaw ang babaeng kaiingitan ng lahat, makikilala ka sa iyong talino at pambihirang kagandahan, walang makakahigit sayo anak, ang iyong mapapangasawa ay mag mumula sa pinaka marangyang pamilya sa buong bansa, iyan ang ipapangako ko sayo anak".
Marahan namang napangiti ang anak "Maaming salamat Mamma" naluluha niyang sambit "Hindi ko kayo bibiguin Mamma, maging sa susunod na buhay ang mapapangasawa ko ang pinaka kilala hindi lang sa pilipinas maging sa buong asia".
Mula naman sa hardin may isang Lalaking tahimik na pinagmamasdan ang dalaga habang nakangiti.
— New chapter is coming soon — Write a review